Chapter LVII: The Coffee's arrival

9.6K 77 4
                                    

Kinabukasan ay naghihintay si Jas sa isang coffee shop sa Manila. Tinititigan lang niya ang kape dahil sa mga oras na to ay hindi niya alam ang gagawin niya. Kakausapin niya ang taong nanakit sa taong pinakamamahal niya. Ang taong pinagkatiwalaan niya na hinding-hindi sasaktan si Rosh. Ultimo binigay pa niya ang gusto nito para wag lang siyang ma-insecure at madamay si Rosh sa galit nito. Lahat binigay na niya, ginawa na niya, pero sa kabila ng lahat gumuho lahat ng ito.

Di niya alam kung magagalit ba siya, oh pipiliin nalang niyang manahimik. Pero sa sarili niya ayaw na niyang manahimik, ayaw na niyang masaktan muli ang taong mahal niya kaya sa mga oras na to, buo na ang loob ni Jas sa pakikipagkita niya kay Elise.

Lumipas pa ang ilang minuto at dumating narin ang taong humingi ng oras niya ng araw na yun. Tiningnan lang siya nito at pero pinili nalang ni Jas na manahimik sa pag-sagot rito. Umorder din siya ng kape sa waiter na lumapit sa kanila at doon ay sandaling tahimik ang dalawa.

"Jas?" biglang tawag ni Elise na medyo kinagulat nito, pero pinili lang niyang manahimik. "K-Kumusta na si Rosh?"

"Bakit gusto mong malaman? At bakit ngayon pa?" biglang tanong ni Jas. Medyo naiinis siya sa loob-loob niya pero kailangan rin niyang malaman ang totoo kung bakit napili nitong bumalik.

Nagulat si Elise sa tanong na yun at napa-inom nalang siya ng kape ng binigay na ng waiter. "Di narin ako magpapaligoy-ligoy pa. Jasmine, gusto kong bumalik kay Rosh." Napatingin si Jas sa kanya at di na siya nakapagpigil.

"At bakit Elise? Para saktan ulit siya? Hindi na ako papayag." nagtakang tumayo si Jas at umalis pero hinawakan siya nito sa kamay. Nakita niya na medyo maluha-luha ang mga mata nito at napansin rin niya na parang medyo maga ang mga ito.

"Alam ko naman na nasaktan ko siya. Hindi ko sinasadyan yun," sagot niya, umupo na si Jas at tahimik siyang nakikinig. "Alam kong nasaktan ko siya. Alam kong mali ang naging desisyon ko. Pero maniwala ka dahil iba na ngayon. At pinag-sisisihan ko ang nagawa ko, araw-araw."

"Araw-araw? Pinag-sisisihan mo araw-araw?" inis na sagot ni Jas. Napatungo nalang si Elise noon. "Elise, araw-araw ka niyang pinuntahan. Sa school mo, sa bahay niyo, at tinatawagan ka rin niya at pilit na gumagawa ng paraan para maayos niya kayo. Pero anong ginawa mo? You ignored him like he's nothing." 

Pinipigilan niyang umiyak at para iparamdam kay Elise ang galit na nararamdaman niya para sa kanya. Tahimik parin noon si Elise habang nakatungo at tila walang kibo. "Elise, nakita ko na siya noon na nasaktan. Ayoko ng maranasan niyang muli yun. Nakita ko na siyang gawin ang lahat, para lang maayos kayo. sinugod niya ang malalakas na ulan dahil sayo para lang patunayan na seryoso siya. Naghintay siya ng isang buong gabi para lang makausap ka sa labas ng gate niyo, anong ginawa mo? Iniwasan mo siya at ni tingnan man lang di magawa."

"Alam ko, alam ko." biglang sagot ni Elise. "At pinagsisisihan ko na ang mga panahon na yun. Gusto ko ng i-tama ang lahat. Naging selfish ako. Natakot lang akong masaktan kaya-"

"Kaya siya nalang sinaktan mo ganun ba? Alam mo kung paano mag-mahal si Rosh. Alam mo yun!" sigaw ni Jas. Nagtinginan na ang mga tao sa kanila pero agad din silang lumihis ng tingin. "Minahal ka niya ng buo. Tapos tinapak-tapakan mo lang."

Natahimik na ang dalawa ng sandali. Uminom ng kape si Jas para pakalmahin ang sarili habang si Elise ay pinapatahan na lamang ang sarili. Pinupunasan din niya ang luha niya ng tumawag siya ng waiter at umorder ng cake. Ng dumating ang cake ay kumain siya ng kaunti mula rito.

"Jas, humihingi ako sayo ng sorry. At sa mga nagawa ko kay Rosh, para sa mga buwan na lumipas na nahirapan si Rosh, humihingi ako ng malaking sorry." biglang sambit ni Elise. Iniiwasan lang niya lang ito ng tingin. Naiinis siya sa kapal ng mukha niya para humingi ng sorry nito. Hindi niya gusto ang ginawa niya kaya para sa kanya, wala siyang makukuhang sorry.

"Alam mo, hindi ka dapat sakin humingi ng sorry. Kay Rosh." bigla niyang sinabi at uminom din siya. Natahimik rin noon si Elise at tinuloy ang pagkain ng cake.

"Gusto ko ngang makausap siya. Kung pwede na ba. Pagkabalik niya. Handa na ako," ang sagot nito. Napahinga nalang ng malalim si Jas sa narinig niya pero pinili nalang niyang manahimik. "Handa nakong maging sa kanya ulit at maayos ang mga bagay na nasira dahil sa akin." tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ni Jas na kinagulat din naman niya.

"At dahil ikaw ang bestfriend niya, hihingi sana ako ng tulong sayo. Please, I really love him. At gusto ko ng maaayos to. I need your help on this Jas." dadag ni Elise.

Napaisip si Jas sa sinabing iyon ni Elise. Tutulong? Sa kanilang dalawa para mag-kaayos sila? Lalo lang napupuno si Jas sa sinabi ni Elise, at lalong-lalo na sa hinihingi nito. Sa mga oras na yun, kahit ganun pa man ang nararamdaman niya ay medyo nahahati parin siya. Sa isang side gusto niyang gawin ang tama, dahil alam din naman niya na may kaunti pang pagmamahal si Rosh kay Elise at sa nalaman niya ngayon ay ganun din naman si Elise kay Rosh. 

May side rin siya na sinisigaw na tama na. Awat na. Na huwag na niyang hayaan na masaktan ang taong mahal niya. Na huwag na niyang hayaan pa si Rosh na masaktan ng sobra katulad ng mga naunang buwan nung iniwan at sinaktan siya ng babaeng nasa harap niya ngayon. Gusto niya itong sampalin pero pinipigilan lang niya ang sarili niya. Gusto niyang i-paramdam sa kanya ang sakit na pinaramdam nito kay Rosh. 

Hinila niya ang kamay niya at sandaling tumahimik bago magsalita. "I'm sorry Elise pero hindi nako makakapayag," sambit niya. Humugot siya ng malaking lakas ng loob para sabihin yun. "Hindi na ako makakapayag pa na saktan mo siyang muli."

"Pero I'm going to change--"

"Hindi nako susugal pa ng walang kasiguraduhan. Ayoko ng mabuhay nalang sa mga pangako at pag-asa. Lalong-lalo na sa sinasabi mo ngayon. Lalo na sa gusto mong paniwalaan ko ngayon. Hindi nako makakapayag. Alam mong mahal ko rin si Rosh, at ngayon ako naman," bigla siyang tumayo. "Ako naman ang magpapasaya sa kanya. Ako naman ang magbibigay ng mga hihilingin at kakailanganin niya. Willing akong maging panakip butas lang, mabura ka lang sa kanya." Maluha-luha na siya ng sinasabi niya ang mga bagay na yun habang si Elise naman ay umiwas na ng tingin.

"Pasensya na Elise, pero gagawin ko na ang dapat ay ginawa ko na dati pa. Kaya please, layuan mo na si Rosh, dahil sa tingin ko di mo rin alam ang mga sinabi mo sakin ngayon." saogt niya pagkatapos ay agad na siyang umalis at lumabas ng shop. 

Doon ay hindi na niya napigilan ang sarili niya na mapa-iyak habang si Elise naman ay pinipilit ang sarili na maging malakas. Agad na pumara ng taxi si Jas at sumakay rito. Kahit na hindi naging maganda ang kinalabasan ng pinag-usapan nila ni Elise ay naramdaman niya na nawalan siya ng bigat sa dibdib at gumaan ang loob niya. 

Sa mga oras na yun ay proud siya para sa sarili niya at ngayon masasabi na niya sa sarili niya na handa na siya para kunin ang gusto niya, at gawin ang gusto niya. Sa mga oras na yun, nararamdaman ni Jas na buo na ang sarili niya.

-----------------------------------------------------------------------

Lumipas ang ilang linggo at dumating na ang araw ng July. Sa Legazpi Airport, dumating na si Rosh, mas-maaga ng isang linggo. Gusto niya sanang supresahin si Jas sa pagbabalik niya, pero napili muna niyang umuwi ng Legazpi para kausapin ang mga magulang niya at para makasama narin sila ng ilang linggo pa bago tuluyang bumalik ng Manila. 

Sinalubong siya ng mga magulang niya at ganun din ang mga kapatid niya. Nagkumustahan sila habang papalakad palabas ng airport at papunta sa sasakyan. Sa mga oras na yun ay gusto na niyang magpahinga pero ang isip niya ay tila hindi siya hahayaan na gawin to, dahil sa mga oras na yun ang tanging nasa isip lang niya ay ang makita ang bestfriend niya.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon