Chapter X: Beginning of a Hot Relationship

16.1K 135 5
                                    

Pagdating nila ng bahay ay agad sumugod itong si Elise sa Sofa at dahil medyo pagod siya. Binuksan ang tv at nanood habang ngpapalipas ng pagod. Ito namang si Rosh ay nilapag ang gamit niya at tumabi kay Elise. Nanood muna ang dalawa ng movie. Umakbay si Rosh kay Elise habang si siya naman ay dumantay sa dibdib nito. Masaya nuon ang nararamdaman ng bawat isa habang magkasama sila. Ganon lang; simple, napakasarap isipin na nakadantay sayong dibdib ang taong gusto mo habang tahimik lang kayong nanunuod ng movie sa tv.

"Baby kuha moko maiinom." sambit ni Elise. Agad namang siyang tumayo at kumuha ng maiinom ni Elise at inabot agad ito sa kanya bago siya muling umupo.

"Thank you. Ano to?" tanong ni Elise habang nasarapan siya sa nainom niya.

"Ah wala, may ginawa lang ako sa grape juice. May hinalo lang ako. Natanong mo narin lang, nakalimutan ko na yung ginawa ko diyan." sagot nitong si Rosh.

"Sayang naman, sarap eh." sagot niya habang inabot ang baso kay Rosh at siya namang ipinatong muna sa maliit na table katabi ng sofa.

"Baby ano gagawin natin ngayon? Nuod lang ba?, Oh laro tayo?" tanong muli nitong si Rosh dahil hindi niya talaga alam ang nais iparating ni Elise kanina sa sagot niya sa labas. Nagkaka-ediya na siya pero mukhang imposible naman.

Tumingin lang muli itong si Elise na may malaking ngisi sa mukha niya at nagsalita; "Ano ba gusto mo gawin natin?" sabi niya habang lumalapit siya paunti-unti sa mukha ni Rosh. Bumilis ang tibok ng puso nitong si Rosh habang nakita niya na unti-unti na ngang nababawasan ang distansya ng mukha nila sa isa't-isa. Idagdag mo pa sa nagpabilis ng tibok niya ang medyo mapang-akit na boses nitong si Elise.

"Diyos ko, ano ba to..." nasabi nalang niya sa sarili niya. Lumalayo siya ng konti habang lumapit na ang mga labi nitong si Elise sa kanang tenga ni Rosh.

"Ano ang gustong gawin ng baby ko?" sabi ni Elise ng pabulong habang may halo ng pang-aakit. Pagkatapos niyang sabihin ito ay dahan-dahan niyang kinagat ang tenga nitong si Rosh. "Shet" sabi ni Rosh. Napapikit nalang siya habang tinuloy ng girlfriend niya ang paglalaro nito sa tenga niya. Lumalim ang paghinga niya at lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Para siyang natutunaw habang hinihingahan pa ni Elise ang tenga niya habang nilalaro ito at napakapit ng mahigpit itong si Rosh sa sofa niya.

Maya-maya pa ay tumigil na si Elise sa paglalaro niya at unti-unting umatras habang naka-indian seat na siya sa sofa at hinawakan ang mukha ni Rosh, na tila humihingal, ng dalawa niyang kamay. Binaling niya ito ng kaunti sa kanya at tintigan ni Elise ang mga mata niya.

"Relax, I'll take care of you Baby." ang sinabi ni Elise ng bigla itong pumikit at lumapit ang mukha niya para halikan sa labi. Mistulang bumagal ang oras para kay Rosh habang nakatingin lang siya kay Elise; habang papalapit ito. Habang papalapit ang labi ni Elise na kasing pula ng mga pinakamatitingkad na mansanas, dito nalang nakatingin si Rosh. Unti-unti niyang pinikit ang mga mata niya at naramdaman na niya. Sa pangalawang beses ay naramdaman niya muli ang mga labing kasing lambot ng mga ulap, hindi; mas-malambot pa sa mga ulap. Yung tipong sa sobrang lambot nito ay napaka-delikado kung bibiglain mo at dapat may pag-iingat.

Sandali silang nag-tagal sa pagkakadampi ng kanilang mga labi ng nagulat nalang itong si Rosh ng biglang gumalaw si Elise at pumatong sa kanya habang nakayakap siya. "Shet talaga!" yun nalang ang pumasok sa isip nitong si Rosh habang ang nagawa nalang niya ay yumakap kay Elise at muling nabigla itong si Rosh dahil lumalim at gumalaw na ang mga labi nito ng hindi umaalis sa pagkakalapat nito. Napalunok nalang si Rosh at lumaban na ng halikan kay Elise. Habang ginagawa nila ito ay tila hindi ganong makasabay itong si Rosh pero sinusubukan naman niya. Maya maya pa ay nagbitaw ang dalawa sa paghahalikan habang humihingal ang dalawa.

"Baby, mukhang di ka marunong ah?" pabulong ni Elise habang humihingal siya.

"N-nagulat ako s-sa ginawa mo eh, di ko alam kung p-pano mag r-react..." sagot niya. Natawa nalang itong si Elise at tiningnan nalang nito ang boyfriend niya.

"Maghahanda nako, tuturuan kita ha? Mukhang alam mo na naman kasunod nito." sabi niya habang unti-unti siya tumayo at kinuha ang bag niya at naglakad siya papunta ng banyo.

"Maghanda ka, hintayin moko sa kwarto." sabi ni Elise at sumara na ang pinto ng banyo ng malakas. Tulala lng si Rosh at hindi alam ang gagawin niya. "Shet!" naisip nalang niya at nasabi sa sarili niya.

Bigla siyang tumayo at tumakbo papasok ng kwarto niya. Inayos niya ang kama niya at ang mga gamit sa loob. Ito na nga yon. Ang naisip nalang ni Rosh habang inihahanda ang kwarto niya. Pagkatapos ay sinunod naman niya ang sarili niya. Nagsuklay, nagpabango at pinabanguhan narin niya ang kwarto niya. Natataranta na itong si Rosh sa gagawin niya. Tumingin siya sa paligid at chineck kung meron pa dapat ayusin sa kwarto niya. Maya-maya pa ay naisip niyang amuyin ang kili-kili niya at ng hindi magustuhan ang amoy nito ay agad siyang nag deodorant at tumalon sa kama.

Hindi siya mapakali noon. Maya-maya pa ay patayo-tayo na siya at bigla nalang niyang naisip; "Shet wala akong condom!" sabi niya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at nakita niya nalang si Elise at natulala nalang siya sa suot nito at ayos.

Naka black na sexing underwear si Elise, with matching stockings at elegant na pony-tail. Napanganga nalang itong si Rosh sa nakita niya at unti-unting lumapit si Elise at hinawakan siya nito sa mga braso niya at dibdib niya. Pagkatapos nito ay agad siyang hinalikan nito at sa pagkakataon na ito ay lumaban na siya. Habang ginagawa nila ito ay unti-unti siya nitong tinulak sa kama habang tuloy ang mapusok na halikan nilang dalawa.

"Ako bahala, virgin ka pa ba?" tanong ni Elise habang hinahalikan lang siya nito sa kung saang-saang parte ng mukha niya. Dahil mistulang speechless na itong si Rosh ay tanging nasagot nalang nito ay hindi sa pamamagitan ng pagtungo. Nagulat si Elise at biglang napangiti nalang siya. Hinalikan siya muli nitong girlfriend niya at unti-unti na siyang bumaba at duon kung ano-ano na ang iniisip nitong si Rosh.

"Nangyayari ba talaga to? Wow marunong siya. Shet, oh god! Woah!" ang pumapasok sa isip niya habang hinayaan nalang niya si Elise sa ginagawa niya at ang mga sumunod pa duon ay talagang ikinagulat niya.

Nagsimula sila ng mabagal at mistulang naging isa ang katawan nilang dalawan Magka-ayon ang dalawa na para silang sumasayaw sa isang kanta na mabilis na talaga namang bibigyan ka ng magandang ending. Tuloy ang paghahalikan nila habang ginagawa nila ang isang sayaw na tanging sa kanilang dalawa lang dapat at ng makaramadam na ang dalawa ng pagtatapos ay binigyan nila ito ng napakagandang ending na talagang pasok sa kanilang pagka-uhaw sa isa't-isa at maingat sa paraang wala silang magiging alalahanin.

Ng matapos sila ay nagtabi sila sa kama habang nakahiga si Elise sa dibdib ni Rosh, parehas na hinahabol ang paghinga nila. Tumingin saglit itong si Elise sa boyfriend niya at ngumiti na ibinalik naman nitong si Rosh ng halikan siya ni Elise sa labi.

"Baby, I love you." sambit ni Rosh na ikinagulat ni Elise. Bumangon ng kaunti itong si Elise habang nakatingin sa boyfriend niya, mistulang naiiyak siya at bigla siyang hinalik-halikan nito.

"I love you too! I love you too! I love you too!" ang paulit ulit na sinabi ni Elise at niyakap muli ng pagkahigpit-higpit.

Pagkatapos nitong gabi na ito ay pumasok sa isip ni Rosh na alam niya na; masusundan pa ito at lalo pang magpapalago ng relasyon nila dahil; nabitawan na niya ang salita na mag-papatunay ng nararamdaman niya para kay Elise at magbabago ng estado ng relasyon nila.

End of Act I

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon