Chapter 1: Enter. Makoto!

68 0 0
                                    

- Makoto P. O. V.-

Another day has started. Haaay!! Ako nga pala si Makoto Uchiha. Isa akong estudyante ng paaralan dito sa Pilipinas. Kaka- graduate ko lang from elementary. Galing akong Japan at dito na ako tumira sa Pilipinas simula noong Grade 5 ako. Alam ko. Noong lumipat ako ng bansa, oo naman, tulad ng ibang estudyante, mami-miss ko ang mga kaibigan ko sa dating paaralan, lalo na yung mga asaran. Pati din yung mga kuwentong kababalaghan tulad na lang na may white lady sa CR ng babae, medyo common din yon dito, mami-miss ko din yon. Mami-miss ko din yung mga Gundam na akala mo Statue of Lady Liberty. Mami-miss ko din yung mga malalaking istatwa na sina Madara Uchiha at Hashirama Senju na akala mo ay nasa ninja world ka. Mami-miss ko din yung mga bookstore na may tone-toneladang manga. Tapos yung mga monghe, samurai, at geisha, mami-miss ko din yun dahil parte yun ng kultura ng Japan. In short, "Homesick," dahil mahal na mahal ko ang Japan at ako ay isang anime lover, HINDI OTAKU.

Siyempre, hindi ako pwedeng mag-isa dito dahil high school pa lang ako. Kasama ko sa bahay sina tita Aby, at mga pinsang makukulit. Yung panganay na kapatid ng mga pinsan ko, sa sobrang lakas pag sumigaw ay akala mo presidente ng klase. Ang sarap batuhin ng basura. Yung pangalawa naman, akala mo pag pumasok ka sa kuwarto niya ay genius at nag-aaral, ehh nakakatakas pala para mag-LOL (League of Legends) kasama ng mga tropa niya. Yung pangatlo, may pagka-spoiled brat. Gusto niya lagi siyang binibilhan ng damit, sapatos, onti na nga lang babatuhin ko na yon ng mga tsinelas sa bahay. Yung bunso naman, makaasta parang siga sa daan, lalo na sa'kin, pero mas matangkad at mas matanda naman ako. Lagi kong sinasabi sa isip ko na buti na lang natitiis pa ni tita ito.

Sa school namin, sa Grade 6, kilala ako bilang Top 1 sa klase. Sa umaga, akala mo may patay dahil sa sobrang tahimik ng hallway. Tuwing uwian, kahit private school ay may mini food court. May kwek-kwek, fishball, kikiam, gulamang mineral water ang lasa, zagu na may dirty ice, at iba pa. Sa'min, uso pa rin ang FLAMES, MASH (di ko alam kung alam niyo 'to), HANG MAN, BATUHAN NG CLAY, PAPEL, at marami pa! Eto naman kasi si Prez (President), minsan siya pa yung pasimuno ng gulo. Si Vice Prez, mas malala pa pala kesa kay Prez. Si Secretary, todo effort magsulat ng mga notes pero halos yung iba daldal lang ng daldal. Minsan pag ganun, kung pwede lang silang batuhin ng paso na may uod, gagawin ko na, pero bawal kasi mananalo ka ng Trip to Guidance Counselor's Office. May chansa ka pa nga na ma-meet and greet ang Faculty Staff at parents. Eto naman si Treasurer, todo effort din ang pagsaway. Si Auditor, quiet lang na parang ang paligid niya ay hangin. Si Muse, feeling chicks pero walang kokote. Si Escort na leader ng mga lalaki, ang pasimuno ng gulo. May isa din akong kaklase na kung magalit ay feeling president. Eto naman, sarap ipakain sa ghoul. Kung nandito lang si Rize o si Uta o si Kaneki, pinakain ko na sana sa kanila.

Nang minsang nagkaroon kami ng quiz, naniwala na ako sa kasabihang "Not all surprises are surprising." Isa sa mga examples ay ang surprise quiz. Natapos ang surprise quiz. Lahat kinakabahan, siyempre di kami naka-review. Laking gulat namin na isa lang ang nakapasa. Hindi si Prez, Vice Prez, kundi ako. Outside, poker face ako. Inside, parang may ipis na gumagapang na biglang lumipad at bigla akong napatalon dahil sa sobrang tuwa. Si Top 2 naman, isang point na lang pasa na siya. Oh kay saklap ng kapalaran.

Naranasan ko na din na ma-bully ako sa school. Lumang style pero minsan effective. Yung magsusulat ka sa isang pirasong papel ng "Kick Me" tas ididikit kapag inakbayan ka. Buti na lang na-discipline committee yon. Kinakabahan ang klase pag may exams, lalo na pag quarterly test. Huling test sa isang quarter. Of course, highest ako.

Nakakalungkot talaga pag dumating na ang Graduation Day. Bigla kong naalala ang kasabihang "Always look to the bright side." Nakakalungkot din kasi yung mga kaplastikan, biro, at asar ng mga kaklase mo ay nakaka-miss. Umiyak din ako kasi mahirap pigilan ang "Tears of Joy."

Simula na ng summer. Of course, after elementary, high school na. Bigla kong naalala, "Syet! Mas mahirap pala ang buhay high school!"

I ignored it. Syempre, unli Fb, unli Google, unli anime and manga. In short, unli Internet. Nagdodrawing din ako pag may oras, di tulad noong bago ako mag-grade 6, mga dalawa o tatlo ang natatapos ko sa isang araw, kasi naghahanap ako ng mas mahirap na i-drawing sa Google. Natural, anime pics ang hinahanap ko. Yon ang daily routine ng buhay ko noong summer.

Konting linggo na lang at malapit na ang pasukan. Of course makikita ko ulit mga kaklase ko. Makikita din ng mga kaklase ko ang kanilang senpai. Siyempre, pag high school, maraming transferee. Binilhan na ako ni tita ng mga libro para sa buong school year. Apat na araw na lang at malapit na ang pasukan. Nagpa-panic ako. Vh4akh@a mh4@ayh thumh4alh0u sa'kin.

Dumating ang araw bago magpasukan. May kumatok sa pinto namin. Binuksan ko. Noong binuksan ko, nakita ko may sulat. Binasa ko. Eto ang nilalaman:

Dear Makoto,

Hi phoeh. Kh4amhushtha phoeh k4ayoe? Naka-usap ko si senpai ko. Ayyy!!! Keneleg tuloy ako!! Hanggang ngayon wala ka pa ring senpai ahh... Kaibigan mo 'to. Sorry kung naistorbo kita. Kita kitz na lang tayo sa pasukan

Love,

Mh3erh3edvy

Jejemon, ampupa. Senpai niya, anu pake ko kay senpai niya? Ehh, bespren ko yon. Now the day ends here.

Makoto Adventures series (ft. Bleach, Kuroshitsuji, Fairy Tail)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon