Chapter 2: Welcome Grade 7. 1st Quarter Files

41 0 0
                                    

Monday. Shortest Horror Story......

Pag gising sa umaga

Idilat ang mata

Bilisan mo na

Dahil male-late ka na.

Hayy nako. Tapos na pala ang summer. May hangover pa rin ako sa bakasyon. Di ko din namalayan na umaga na pala.

Kumain na ako

Ang ulam ay adobo

Naligo na ako

Anlamig ng tubig ko

Bakit nga pala ako kumakanta? Huwat the hell. Sa totoo lang, gusto ko pa matulog. Inaantok pa ako. Di nga ako makatulog kagabi, di ko din alam ang dahilan, excited o hindi inaantok? Basta. Pagkatapos kong maligo, nag-toothbrush na ako. Siyempre, nagbihis din ako. Oras na para umalis sa bahay.......

Eto na. Of course, pagdating ko may tao na sa room. Yung dating Escort, tapos yung dalawang bagong estudyante. Just when I got inside the room, pinili ko yung upuan sa dulo malapit sa pinto. Yun na lang ang pinakakomportableng pwesto. Isa-isa na dumating ang mga old classmates ko. Ang huling dumating ay yung isa kong bagong kaklase. Akala ko marami, as in 6 new classmates. Tres lang pala. Dumating na yung adviser namin.

Of course, ang simula ay intro ng teacher, magdadasal para sa guidance. Everyone needs it. Tapos sumunod na ang intro ng students. Noong malapit na ako, malapit na akong makatulog. Noong ako na, pumunta ako sa harap at tinanong ko sa teacher ko......

Me: Sir. Bakit kelangan pong i-introduce ang sarili?

Sir: *nagtaka* May problema ba?

Me: Kasi po yung mga classmates ko ngayon, last semester ko pa po naging classmates.

Tumawa ang klase. Sinabi ni sir...

Sir: Shut up, students! I-introduce mo na lang yang sarili mo!

No choice. Recess na namin. Kinausap ng mga kaklase ko yung bagong estudyanteng babae. Eto ang conversation nila......

Classmate 1: Saang school ka galing?

New Student: Sa Cainta din..... Public school....

Naka-upo ako sa upuan ko, curious ako at di lang nagpapahalata, hanggang sa may nagtanong.....

Classmate 2: Anu top mo?

Sagot niya....

New Student: Top 1

Nagkagulo yung mga babae kong classmates. May nagsabi nga na hindi na daw ako magiging top 1. Hayy. May tatalo na daw sa'kin. Medyo nainis ako, hindi sa transferee, kundi sa mga asar ng mga kaklase ko. Tapos sasabihin nila, joke lang daw yon. Gusto ko ngang sabihin na "Everybody shut the fv(k up!" I can't because may fines yon.

I'm so nervous. I just fv(k1n' hate it. Tapos na recess. Balik sa upuan. Checking of requirements na. May binigay sa'ming papel. Maglalagay daw kami ng tsek kung meron na kami ng gamit na 'yon. Tsinek ko lahat, maliban sa sci. calculator, crayons, at TLE paraphernalia. May mga bago akong teachers: teacher ko sa AP at Filipino. Ok naman ang simula, hanggang sa mag-1st quarterly test. Bago ko ikuwento ang tungkol sa 1st Q.T, nagkaroon kami ng mga clubs. Dalawang clubs. Sa Cooking Club ako sumali dahil ayoko sa Glee Club. Kung tutuusin, mas madali pa yata ang buhay sa Cooking Club kaysa sa Glee Club, although magastos lang sa Cooking club. Sa 2nd group ako napunta. Nagplano kami. Ang una naming gagawin ay egg sandwich. Siyempre dapat may gulay, di pa naman ako kumakain ng gulay. Gagawin namin 'to sa next Friday.

Nagsimula na. Of course, we dunno huwat will happen kung magiging successful o hindi. Noong natapos na yon, we presented it. Buti na lang tagumpay kami. After one week, nag-meeting ulit ang Cooking Club. Yung president ng club, may inihandang report tungkol sa mga masustansyang pagkain. After that, gumawa kami ng summarization tungkol sa report. Nagplano na ulit kami para sa susunod na lulutuin. Dapat daw native, kaya napili namin ang lomi. Of course gagawin yon next week, Friday. Dumating na ulit ang araw at nagluto na kami. Tagumpay.

Palapit na ang Buwan ng Wika. Nagplano kami. Ang lulutuin namin ay siomai at ang inumin ay gulaman. Siyempre, pagandahan ng booth design. Ilang araw din kaming gumawa ng booth design. Mga 4 na araw bago ang Buwan ng Wika, tinapon yung unang design kasi pumanget. Pagkatapos, wala na kaming maisip na design, hanggang sa nagtanong sa'kin ang assistant leader ng group namin.

A.L: Makoto, may naisip ka bang design?

Me: Wala pa po.

A.L: Ehh yung lettering na 3d. Kaya mo?

Me: Try ko po.

Ohh, I forgot to say to you, guys. Kilala din pala ako dahil magaling ako mag-drawing at mag-lettering. Lalo na pag may project ang klase at kailangan ng lettering at comic strips, nagpapatulong sila sa'kin. Ginawa ko yon. Nag-lettering ako. Ayun, sabi ni assistant leader....

A.S: Uy, pwede 'to. Eto na lang kaya yung sa banner.

Secretary: Ok.

So ginawa ko 'to bilang assignment. Nagpuyat pa ako para gawin yon. Natapos ko naman. Si Secretary ang nagsisilbing leader namin. The day of submission of design to the group arrived. Noong clubs na, akala ko sisikat na ako, hindi pala. May naisip na pala silang design. "Curse you!," sabi ko sa isip ko. Nagsayang pala ako ng papel. Pasensya, mga mahal kong puno. Siyempre, di ko matanggap. Isang karangalan pa naman yon para sa'kin. Uwian na. Nakaupo lang ako sa bench. Pinag-iisipan ang mga nangyari. Dumating yung kaklase ko na kasama sa Glee Club at umupo sa tabi ko. Napansin niyang may problema ako. Sinabi ko...

Me: *halos maiyak* H-Hindi nila tinanggap yung lettering ko.

Glee C.M: Ok lang yan. *hugged me*

As in hinding-hindi ko talaga matanggap. Watdafak. Bago dumating si service, I stopped crying. Whew. Buti na lang si Glee classmate lang ang nakakita sa'kin. Umuwi ako nang masaya para lang maitago ang lungkot na nadarama ko. Para mas masaya, gumawa ako ng loom band kit na gawa sa kahon. Sorry kung medyo cheap, pero ok lang, kahit papaano, nabawasan din ang lungkot. The day ends.

Malapit na ang BNW!!!! Patapos na kami sa paggawa ng booth. Ilalagay na lang. I feel like I don't want to help, kasi naman di tinanggap yung lettering ko. Hahaha. Mahirap talaga maka-move on. Ahh, malapit na uwian. Omygoshohmygoshohmygoshohmygoshohmygosh, ahh, uwian na.

BNW na! Of course, antayan ng groupmates. Nahati kami sa apat na division;

Preparing/Squad 1

Squad Captain: A.L

Members: Me and my female classmate

Cooking/Squad 2

Squad Captain: Secretary

Members: Leader and my male classmate

Decorating Booth/Squad 3

Squad Captain: Female Grade 9 Student

Members: Female and male Grade 8 Students

Cleaning/Squad 4

Squad Captain: female Grade 8 Student

Members: Male Grade 9 Students

Ganun din sa ibang group.

Let's get it on!!

Unang sasabak sa laban ang Preparing Division. Handa, ingredients! Cut, mince, dice, mix; yun ang unang ginawa. Sumunod nang kumilos ang Cooking Division, para sa uling. So kelangan ko dito ng flashcard na may "One Hour and 30 Mins. Later."

One Hour and 30 Mins. Later

Natapos din sa wakas. Ok, tinda time. Nakalimutan ko sabihing yung ibang grupo nauna na. Naging ok naman. Habang nagtitinda kami, dumating si tita, brought my iPad. Kinuhanan niya kami ng pics, pero stolen. Tapos na ang bentahan. Naging successful naman lahat. So pwede na naming panoorin ang Glee Club. Noong natapos ito, release of report card na. Kinakabahan ako. Halos maiyak ako noong tapos na si tita. Noong lumabas na siya ng room, teary eyes na. Akala ko top 2 ako, yes! I still have the crown! I'm so happy. Yay!! That ends the 1st Quarter.

Makoto Adventures series (ft. Bleach, Kuroshitsuji, Fairy Tail)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon