CHAPTER 2

20 4 5
                                    

ACE

Nagmimeeting na kami about sa gathering na magaganap this week. With our leader -- Min Teraphot, he is half Thai. 

"So, are you agree?" tanong ni Min.

"Agree ako dun, para naman medyo masaya ang freshmen gathering ngayon" pagsang-ayon ni Nick. He is Nick Cervantes -- our nerd secretary but responsible to all tasks given to him.

"Ikaw, Ace?" tawag sa'kin ni Nick.

"I agree!" tugon ko. Medyo lutang ako, hindi ko kasi makalimutan ang mukha ni Sin, yung nakabungguan ko kanina. Sinabi ko naman yun sa kanila kung bakit ako nalate dahil dun. 

"So, this meeting is now dismissed" maawtoridad na sabi ni Min.

After the meeting kinausap ko sila Min at Nick kung sasama sila sa'kin.

"Sama kayo?" tanong ko sa kanila. Alam ko naman hindi sila tatanggi, basta pagnagyaya ako, ako ang taya.

"Oo naman. Tinatanong pa ba yan!" tugon ni Nick -- ang pinakaburaot sa'ming tatlo. 

Kaming tatlo ay magtotropa since highschool at napagplanuhan namin na mag-aral sa T.U. dahil gusto namin na gumraduate ng magkakasama at magkakaklase. We're second year college students and we come from faculty of Fine Arts and Communication.

"Tara na!" sigaw ni Min. Isa pa 'tong  buraot na 'to. Hmmmm. Nevermind!

Pumunta na kami sa cafeteria pero bago ako pumunta dun tinawagan ko muna sila Mongk.

Nagriring lang yung phone ni Mongk but suddenly he answer it.

"O, Sino 'to?" tanong ni Mongk sa telepono.

"Si Ace 'to. Saan na kayo?" tanong ko.

"Nandito na sa cafeteria. Nandito kami sa gitnang lamesa. Kakaway na lang akokung nakita ko na kita" tugon niya.

"Sige, malapit na rin naman kami" tugon ko.

"Kami? May kasama ka?" tanong sa'kin ni Mongk. Rinig ko yung boses ni Sin na parang may kausap din ata sa phone niya.

"Ay, oo meron. Mga kaibigan ko" tugon ko. "Anong ginagawa ni Sin? May kausap ba siya?" dagdag ko.

"Oo e, kaya hindi ka niya makakausap ngayon" tugon niya. "Sige Ace. Hintayin ka na lang namin dito" binaba na ni Mongk yung telepono niya. Sino kaya kausap ni Sin?

Habang naglalakad, nag-aasaran yung dalawa sa likod ko. Ang ingay nila.

"Bakit kaya ang liit mo Nick?" pang-aasar ni Min kay Nick. Nick is the smallest among us at sumunod ako dun, ang pinakamatangkad sa'min ay si Min.

"Pakialam mo ba? Ganito yung binigay ni Lord e" tugo ni Nick pero halata sa mukha niya na naaasar na siya kay Min. Parang gusto na niyang batukan pero hindi niya magawa dahil hindi niya abot. Hahahahahaha!

Nakarating na kami ng cafeteria at may nakita akong nakaway. Sila na nga! But Sin is talking to someone on his phone. -_-

"Ace!" sigaw ni Mongk. Nahiya ako ng konti dahil nagtinginan sa'min halos lahat ng tao sa cafeteria pero hindi ko na lang pinansin. Nako Mongk, ugali mo bang sumigaw?

"Ahmmm. Sorry late kami" pagpapasensya ko. Kanina pa ata sila naghihintay sa'kin.

"It's okay, kakarating lang din namin" tugon ni Sin. Ngayon ko lang napagtanto na wala na siyang kausap sa phone niya. At kinausap niya ko ng hindi nakasimangot.

"Hmmm.." ay nakalimutan ko pala.

"Ay, sorry.Oo nga pala, mga kaibigan ko. Si Min at si Nick" turo ko sa kanila at nginitian nila sila Mongk at Sin and for the first time I see Sin smiled at them. Unfair -_-

Twilight LoveWhere stories live. Discover now