Prologue

18K 320 14
                                    

Prologue:
Clyde Alison POV
Agad akong tumakbo papasok sa aking room. Buti at nakita ko sya agad.

Isa kasi akong transfer sa University na to. Kasi lumipat kami sa probinsya malapit rito. At dahil dito ang pinakamalapit na University doon, dito na ako pumasok.

Patakbo akong pumunta sa upuan ko. Saktong pagka-upo ko ay pumasok na yung professor namin. Halos malaglag ang panga ko sa mukha nya. May mala-adonis na kagwapuhan na kahit sino ay papangarapin sya.

"Ok class stand up" may pagka manly ang boses na sabi ni prof. Baritono iyon at napakasarap pakinggan. Nakakapaglaway ding titigan ang katawan nya.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko sa naisip. Kung ano ano na naman naiisip ko.

Nagsitayo kaming lahat at humarap sa kanya. Tumama agad sa tenga ko ang mahinang bulungan noong nasa tabi ko.

"Sayang si sir gwapo pa naman, bakla lang" mahina nilang sabi sa isat isa.

Bahagya akong natigil sa nadinig. Nanlalaki ang mata kong sumulyap sa kanila. Ano daw? Bakla si sir. Pero ayos lang yun. Sino ba ako para makialam doon.

"Ms. Garcia maaari ka ng umupo"

Napatingin ako sa direksyon ni sir. Direkta syang nakatingin sa akin.

"Po?"

Pansin ko ang pagtingin ng iba kong kaklase sa akin. Lumiyab ang pisngi ko at uminit ang tenga ko. Parang umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko. Ano ba kasi ang naiisip ko. Nakakahiya, first day ko pa lang dito ay napahiya na ko.

"Sabi ko Ms. Garcia maupo ka na" ulit nya. Pasimple akong sumulyap sa paligid ko. Nakaupo na lahat ng kaklase ko at ako na lang ang natatanging nakatayo. Grabe nakakahiya talaga bakit ba kasi Clyde pinagnanasaan mo si sir.

Lalong lumiyab ang pisngi ko at nag-init yung tenga ko. Baka kasi isipin nila na type ko si sir. Type ko naman sya. Pero bat ko nga ba sya pinagnanasaan ng ganun.

Mabilis akong umupo. Hindi na naman nagsalita pa si sir at nagsimula nang magdiscuss.

Pagkatapos ng napakahabang discussion ay nagsitayo na kaming lahat. Kita ko sa sulok ng mata ko ang pag-akbay nang isa naming kaklaseng lalaki kay sir pero kumawala din siya agad.

Agad tumingin si sir sa akin at sinenyasan akong lumapit. "Ms. Garcia pakikuha ng gamit mo at sumama ka akin"

Mabilis syang tumalikod at lumabas ng room. Bakit kaya ako sasama sa kanya, may problema ba? May nagawa ba kong mali? Di naman siguro dahil yon sa nangyari kanina.

"Ms. Garcia come on" bigla nyang tawag mula sa may pintuan. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko at agad na tumakbo papalapit sa kanya.

Napako ang tingin ko sa mukha nya. Ang gwapo nya lalo na sa malapitan. Sir bat ang gwapo nyo.

"Stop staring at me Ms. Garcia"

Nanlaki ang mata ko at muling lumiyab ang mukha ko. Mahina akong napamura. Bakit ba kasi ako titig ng titig sa kanya. Dapat tinitigil ko na ang pagpapantasya sa kanya.

Mabilis akong umiwas ng tingin. Bisto na naman ako. Bat di ba kasi ako nag-iingat nakakahiya na ang ginagawa ko.

"I-I'm not" gusto kong sapakin ang sarili ko sa pagka-utal.

Inilayo ko na lang ng tingin sa kanya hanggang makarating kami sa office nya.

Pagdating namin doon ay agad kaming pumasok. Tumama agad sa mata ko ang ilang basyo ng bote ng alak. May problema kaya sya.

"Maupo ka"bigla nyang sabi.

Napalingon ko sa kanya. Nakaupo na sya sa swivel chair sa kabila ng table nya.

Mabilis akong naupo sa bangko sa harapan nya saka tumingin sa kanya ng diretso.

"Ms. Garcia isinama kita rito dahil may mga pag-uusapan tayo" panimula nya.

"It's all about po ba sa pag transfer ko?"

"Oo, Ms. Garcia una ay ang Rules and Regulations ng University na ito at pangalawa ay ang tungkol sa scholarship mo" dagdag nya pa.

"Mag-aral ka ng mabuti Ms. Clyde. No failing grades dahil siguradong mawawala ang scholarship mo"

Natapos lahat ng sasabihin nya sa akin ay halos alas syite na ng gabi. Tumayo ako para umuwi na. Since gabi na at delikado dito sa syudad na. Saktong pipihitin ko napabukas yung doorknob ng pinto ng biglang tumikhim si sir.

Lumingon ako sa direksyon nya at nagtatakang tumingin.

"Uhm pwede samahan mo muna ako, kailangan ko lang ng kausap"

Direkta akong humarap sa kanya. Nakapinta ang pagmamakaawa sa mukha nya. At parang lumambot ang puso ko doon. Di ko alam kung bakit parang excited ako na makausap sya. Personally.

Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa harap nya. Magkaharap kami sa sofa ngayon.

Tumayo bigla si prof at kumuha ng alak mula doon sa ref at inabot sa akin yung isa. Alak baka may...

Agad kong ipinilig ang ulo ko at inalis ang masamang laman ng utak ko. Clyde Alison Garcia wag masama ang iniisip diba nga bakla si sir John Kevin Mendez.

Hahang nag-iinom kami ay kinuwento nya lahat ng problema nya. Ramdam ko ang bigat noon. Yung problema sa tatay nya, sa pamilya nya dahil bakla sya, yung kakabreak lang nila ng boyfriend nya. Kaya sobrang naawa ako sa kanya.

Pero habang patagal ng patagal ang pag-uusap namin ay mas naramdaman ko ang epekto ng alak. Ilang minuto lang ay huminto na sya sa pag-iinom kaya tumigil na rin agad ako. Direkta syang humarap sa akin at tumitig sa mata ko.

*****
Follow nyo po ko.....
Vote and feedback
Negative or positive feedback ayos lang pero tungkol dito.
-Dreamcatcher_ABZ-

My Possessive Gay Professor (Possessive Gay Series) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon