Chapter 22

4.8K 110 5
                                    

Chapter 22:
Clyde POV
Magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto. Lumapit agad sa pinto si mama at binuksan iyon. Nakatayo doon yung isang lalaki na medyo mestiso, nakaamerican suit sya at may dalang case. Kaagad pinapasok ni mama yung lalaki at pansin ko ang pagsulyap nya sa amin.

Lumingon ako sa direksyon ni sir at kita ko ang bakas ng gulat sa mukha nya. Do he know this man?

Magtatanong na sana ako ng biglang lumabas si papa mula doon sa kwarto nila at lumapit doon sa lalaki. Nakipagkamay si papa doon saka tumingin sa amin. Who is this man?

Lumapit agad ito sa pwesto namin saka ipinatong yung dala niyang briefcase. Inayos niya ang suot niyang necktie saka tuluyan nang tumingin sa direksyon namin.

"Good morning" bati nito saka sumulyap kay sir. Napasulyap din ako kay sir at kita ko ang pangungunot ng noo nya. Di kaya tauhan ito ng daddy ni sir. Pero bakit kilala ni papa. Sana mali ang nasa isip ko.

Lumapit si papa sa amin dala ang isang envelope. Umupo siya sa mismong harap namin at tumingin sa akin ng diretso. Pansin ko ang pag-aalinlangan ni papa sa gagawin nya.

"Siya nga pala si Atty. Lance Neous Flavier..... Siya yung abogadong pinadala ng ate ni JK" sabi ni papa saka sumulyap kay sir. What!? Pano nakilala ni papa si Ate Jane, at bakit may attorney pang kailangan.

"I-ikaw ang pinadala ni ate Jane?" gulat na tanong ni sir. Ngumiti ito ng malaki saka tumango.

"Yes Mr. Mendez..... Handa na po ba Mr. Garcia?" nakangiti nitong sabi saka tumingin kay papa. Ano ang handa na..... Ano ba ang plano nila. At bakit wala akong alam doon?

"About ba doon sa kontrata?" tanong ni papa. Tumango naman si Mr. Flavier saka maayos na umupo. I was already confused right now. Pano nila nakilala ang isa't isa. At anong kontrata.

Para akong sinibat ng mapag-isip isip ko kung ano ang ibig sabihin nila. Di kaya nakipagkasundo siya sa daddy ni sir. No!! Imposible na gawin ni papa yun. Di naman siguro sya nakipagkasundo sa Daddy ni sir.

Lumingon ako kay sir at nagtataka rin sya. Parang wala syang alam sa nangyayari. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni sir sa kamay ko.

"Stop!! Can anyone explain everything to me" sigaw ko na kinatigil nila. Humarap sila sa akon at napansin ko ang malaking ngiti ni Atty. Flavier.

"Ahh..... Mukhang di nyo pa alam, wala bang nagsabi sa inyo?" nakangiti nitong tanong saka pinagdikit yung kanyang kamay.

"Mukha bang alam ko?" sarkastiko kong tanong. Tumawa lang sya saka sumulyap kay papa. At alam kong may kung ano sa tingin na yun. Ano ba talaga ang pinaplano nila.

"Your marriage is planned Ms. Garcia, Your father prepare the marriage contact para hindi ito madaya ng kung sino man. Alam naman siguro natin ang kapangyarihan ng father ng mapapangasawa mo" pagpapaliwanag nito. So alam ni papa ang lahat.

"You mean ate Jane and Clyde's father plan everything" nanlalaki ang mga matang tanong ni sir.

"Exactly!!" nakangising tugon nito at tumingin kay papa. Tumingin na rin ako kay papa at pansin ko ang sobrang seryoso niya.

"Clyde..... Alam kong sobrang mahal mo ang professor mo at pansin ko yun simula ng dumating ka. Oo ayaw ko man sa kanya pero ayaw kong nakikita kang naghihihirap na wala man lang akong ginawa. Kaya noong dumating ang ate ni JK, sinabi nya na kailangan ka talaga ng lalaking yan, I made a decision..... Alam ko naman na ikabubuti mo iyon kaya pumayag ako na ipakasal ka na..... Sinabi ko na ako ang bahala sa marriage contract dahil natatakot ako na madaya iyon. Wala tayong pera na pangkuha ng abogado kaya noong sinabi ng ate niya na siya na ang bahala ay omoo na lang ako" nakangiting sabi ni papa saka inilabas yung laman noong envelope.

"Thanks papa" naluluha kong usal. Sumulyap sa akin si papa at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Iniabot agad ni Atty. Flavier sa amin yung papel kasama noong ballpen.

"All you need to do is fill up that paper and sign to the area that needs your signature and its done, simple"

Makaraan ang halos limang minuto ay natapos na naming fill up-pan yung papel kaya iniabot na namin ito kay Atty. Flavier. Inilagay nya ito sa loob ng briefcase saka tumayo.

"Ako na ang bahala sa lahat" nakangiting sabi nito saka umalis.

Kaagad akong sumulyap kay sir at nakita ko ang titig nya sa akin. My heartbeat goes crazy again. Sa wakas kasal na kami. Wala nang makakaagaw sa kanya sa akin.

"Baby....." bulong nya na pumukaw sa pag-iisip ko.

"Ano yun?" sabay harap ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin ng malaki saka hinalikan yung labi ko. Saglit lang yung halik nya kasi nandyan si papa.

"Honeymoon na ang next" nakangisi nyang bulong kaya agad ko syang binatukan at tiningnan ng masama.

"Baliw!!"

"Hahaha..... Bakit anong masama? Kasal na tayo tapos ang sunod ng kasal honeymoon" tumatawa nyang sabi.

Mabilis akong tumayo at iniwan sya doon. Ang loko talaga ni sir. Pumunta agad ako sa kwarto at pumasok doon. Nakakapagod ngayon.

Pinulot ko agad yung panty ko na inaamoy amoy kanina ni sir. Tsk. Maniac. Ramdam ko ang mabilis na pamumula ng pisngi ko ng maalala iyon.

Muntik na kong mapasigaw ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Pumasok agad ang amoy nya sa ilong ko mula sa likod na nagpakalma sa akin.

"Clyde....." mahina nyang bulong sa tenga ko. It sends a tickling sensation down to my spine.

"P-po?" nauutal kong tanong. Nanginginig pa rin ako dahil sa kanya. He's touches affect my whole body.

"I can't believe it" bulong nya pa rin. Humigpit ang yakap nya sa akin na parang ayaw na akong makawala pa.

"Saan po?" taka kong tanong saka dahan dahang kumalas sa kanya.

Humarap ako sa kanya at tiningnan sya ng direkta sa mata. Ngayon kita ko na ang lahat ng emosyon mula rito. Walang pag-aalinlangan tinitigan nya rin ako sa mata ko. Puno ito ng pagmamahal.

"I can't believe na kasal na tayo, hanggang ngayon ay di pa rin ma process ng utak ko na akin ka na at akin ka lang..... Yung parang kahapon lang ay di tayo magkakilala. Yung parang estudyante lang kita kanina at professor mo naman ako" seryoso nyang sabi saka utay utay akong iginiya sa katre.

"Ganun rin po ako" sagot ko saka inilagay ang mga braso ko sa balikat nya.

Utay utay nyang hinawakan ang pisngi ko at inilapat ang labi nya sa labi ko.

"I love you" usal ko ng maghiwalay ang labi namin.

"I love you too, Clyde" nakangiti nyang sagot saka sinimulan uli akong siilin ng halik.

*****
Dreamcatche_ABZ

My Possessive Gay Professor (Possessive Gay Series) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon