Chapter 13

5.3K 127 7
                                    

Chapter 13:
Clyde POV
Mabilis akong bumaba ng sasakyan ni sir. Ilang oras ang inabot namin bago makalabas ng banyo. Sya kasi isa pa ng isang round.

Patakbo akong pumasok sa loob ng mall ng biglang may humatak sa kamay ko. I face at him and I saw his dark aura.

"Magkasama tayo Clyde" iritadong sabi nya saka ako hinatak palapit sa kanya.

"Kaya nga po, Di na—"

"Sa tingin mo hahayaan kitang mag-isa dito. Sa dami ng lalaki dyan, di ko alam kung ano ang plano nila. At kung makatingin sayo, gandang basagin ng bungo" naiinis nyang sabi saka pinagdakop ang mga palad namin. Hinigpitan nya ito na di ako makakabitiw. Hahaha...... Here we goes again so possessive.

Di na lang ako umimik at patuloy na naglakad kasama sya. Nagtingin-tingin ako sa mga nadadaanan naming stall at tindahan. Window shopping lang talaga dayo ko dito. Wala kasi ako ngayong pera.

"Ano ba ang gusto mong bilhin?" kalmado nyang tanong habang patingin tingin doon sa mga stall na tinitingnan ko. And I saw some of girls are looking towards him. At gwapo sya ngayon kahit sobrang simple lang ng attire nya ay talaga namang kapansin pansin, dagdagan mo pa noong nakataas nyang buhok.

Tiningnan ko agad ng masama yung grupo ng babae na secretly taking a picture of him. Peste sila, akin lang si Mr. John Kevin Mendez. Umalis na nagbubulungan yung mga babae habang masamang nakatingin sa akin.

"Pfff......." biglang hagikhik ni sir. Nagtaas ako ng tingin at tiningnan sya ng masama. Kaagad syang nagpigil ng tawa na mas kinakunot ng noo ko.

"WHAT!?" masungit kong tanong sabay irap sa kanya.

"Are you jealous?" diretso nyang tanong. Kaagad uminit ang pisngi ko at ramdam ko ang pamumula noon kaya nag-iwas ako agad ng tingin.

"H-hindi noh, Pelengero" saka ako nagtuloy-tuloy maglakad at dahil hawak nya yung kamay ko ay mabilis syang nakasabay sa akin. Pero Oo, selos talaga ako.

"Hahaha..... Okii babe, sabi mo ehh" nanloloko nyang bulong sa akin kaya tiningnan ko sya ng masama.

Ilang minuto lang ay hinatak nya ko bigla papunta sa isang fast-food. Nagpahatak na lang ako dahil gutom na rin naman na ko. Humanap agad kami ng table na mapwepwestuhan saka sya omorder ng pagkain namin.

Tiningnan ko lang sya habang omoorder at pansin ko na kinikilig yung mga babae na omoorder din sa likod nya. Peste akin lang sya.

Kaagad uminit yung ulo ko dahil doon sa mga babae nakatayo lang naman sya doon at walang pakialaman. Tatayo na sana ako ng biglang may lumapit na lalaki sa table namin.

Sinuri ko sya mula ulo hanggang paa at gwapo sya. Matangos ang ilong, mapula ang labi, maputi din sya at katamtaman lang ang katawan.

"Hi!! Miss, Are you alone?" tanong nito sa akin, sasagutin ko na sana sya ng biglang may humawak sa balikat nya at ramdam ko ang dark aura nito. Shit, galit na galit na yata sya.

"No!! She's not alone. She's with me" maotorisadong sabi ni sir saka inilapag yung order nya at lumapit sa akin. Sya naman ang selos ngayon, now were tie.

"Oww, Sorry. I thought your alone" sabi noong lalaki saka mabilis na umalis.

Bigla akong tiningnan ni sir ng masama at ramdam ko ang galit at selos sa boses nya. Pakiramdam ko ay tinitunaw ako sa masasamang mga titig ni sir sa akin.

"K-kain n-na p-po tayo" kinakabahan kong sabi na parang lalabas na ang puso ko sa kaba.

"Okey" maikli nyang tugon ngunit ramdam ko pa rin ang inis sa boses nya. Sabay kaming umupo at kinuha ko na agad yung pagkain ko. Shit, I can feel the pressure..... Katakot.

"Sorry" bigla kong sabi sa kanya. Di ako tumingin sa kanya dahil baka kainin ako nito ng buhay. Oppss.....

Ramdam kong biglang pumulupot yung braso nya sa likod ko.

"It's fine, Sorry din" bulong nya saka ako hinalikan sa pisngi. Kaagad akong napangiti dahil doon sa ginawa nya. Why he is being so sweet even his so jealous.

Mabilis naming inubos yung pagkain namin at magkahawak kamay na lumabas ng fast-food chain. Hayss, busog na busog ako.

Nagsimula na uli kaming maglakad pauli doon sa mall. Window shopping lang uli.

"May bibilhin ka na ba?" biglang tanong nya saka mas lalong hinigpitan ang hawak nya sa akin.

"Wala pa po sir"

"Don't worry ako ang magbabayad" saka bigla akong hinatak sa dress section.

"Pili na" utos nya sa akin. Pero nahihiya talaga ako kaya mabilis akong umiling.

"W-wag na po sir"

"Nope, Pumili ka na kahit alin..... Babayaran ko" saka mabilis na kinuha yung wallet nya.

Di na ko tumanggi pa sa alok ni sir. Mabilis akong nagtungo doon sa dress section at nagsimulang pumili. Nagtingin tingin agad ako ng mga damit doon. Kinuha ko kaagad yung isang dress na above the knee ang sukat at mabilis akong bumalik kung nasan sya. Pinakita ko agad yung damit na kinuha ko at pinakita kay sir.

"Ito kaya sir, bagay ba sa akin?" kaagad nangunot yung noo nya ng makita yung damit na napili ko. Tumayo sya agad sa waiting area at sinuri yung damit na hawak ko.

"Nope..... pangit, parang nakalabas na yung kaluluwa mo sa sobrang ikli" tugon niya saka pinapili uli ako ng iba. Hay, maganda naman yung damit eh.

Kaagad akong bumalik doon sa kinuhaan ko at ibinalik yung damit na napili ko kanina. Naghanap uli ako ng damit doon. Mabilis kong kinuha yung isang nagustuhan ko na labas ang balikat, above the knee ang sukat na kulay pulang dress. Bumalik agad ako kay sir at pinakita uli yung bagong damit na napili ko.

"Ano yan!? Hindi!! Pangit lalo" naiinis na nyang sabi kaya inilabas ko yung back-up. Hanggang tuhod yung sukat pero sexy dress.

"Ito kaya?" tanong ko na ikinailing na naman nya. Putek, ano ba ang gusto nya.

"Pangit din yan"

"Pangit din po ito?" matamlay kong tanong.

"Yup....."

"Maganda naman po sa akin ehh"

"Nope!! Ako ang magaling sa fashion at pangit yan"

"Samahan nyo na lang kaya ako sir pumili" sabay hatak ko sa kanya doon sa dress section. Putek sabi nya kahit anong piliin ko.

Lalapitan ko na sana yung mga dress ng bigla niya akong hawakan sa braso at hatakin palayo doon. Nagpunta agad kami doon sa section ng mga pantalon at sweater. Putek taglamig na ba?

"Ito maganda toh" masaya nyang turan saka kinuha yung isang pantalon.

"Ilan ang gusto mo?" dagdag nya saka namili doon sa nakasalansang pants.

"Kahit ilan po" walang gana kong sagot. Parang di ako ang namili at saka madami na kong pantalon at sweater, dress ang kelangan ko.....

Kumuha agad si sir ng tig sampung pantalon at sweater saka ako hinatak patungo sa counter. Binayaran nya agad lahat ng binili namin ng biglang tumunog yung cellphone nya.....

*****
Mag-iwan naman kayo ng feedbacks..... Thanks for advanced.

-Dreamcatcher_ABZ

My Possessive Gay Professor (Possessive Gay Series) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon