Chapter 21

4.6K 110 0
                                    

Chapter 21:
Clyde POV
Halos tatlongpung minuto na kong nakaupo sa gilid ng katre. Inaantay ko si sir. Gusto ko nang pumunta doon pero natatakot ako.

Patuloy sa pamamawis ang kamay ko and my heart beat is not normal. Sobrang bilis nito na parang lalabas na sa dibdib ko. Di ako mapakali ngayon. Lagi akong nasilip sa labas sa pag-asang babalik si sir sa kwarto ko. My whole body was trembling. Pano kung umalis na si sir? Pano kung iniwan na nya ko? Di ko alam ang gagawin ko.

Ilang minuto lang ay dumating si mama at pumasok sa loob ng kwarto. Umiwas agad ako ng tingin dahil nahihiya ako. Sobra sobra na ang ginawa ko.

Diretso si mamang lumapit sa akin at tumabi sa tabi ko. Hinawakan nya yung kamay ko at pinisil iyon.

"Clyde....." biglang sabi ni mama na pumukaw sa akin. Pinilit kong magtaas ng tingin at tumingin ng diretso sa kanya. Nahihiya na ko kina mama dahil sobra sobra na ang kahihiyang dulot ko sa pamilya ko.

"M-ma....." kinakabahan kong tawag sa kanya. Umiwas ako kaagad ng tingin dahil ayaw kong makita nya ang luhang namumuo sa mata ko.

"Ano yun nak?" kalmado nyang tanong saka hinawakan ako sa pisngi. My heart was beating so fast dahil sa kaba at takot.

"K-kamusta na p-po s-sya?" nauutal kong tanong. Patuloy lang ang tuhod ko sa panginginig. At ang taksil kong luha ay tuloy tuloy na pumatak dahil sa kaba. Di ko alam kung bakit iyon ang naitanong ko. Pero sobrang nag-alala ako para sa kanya, para sa amin. Pano kung iniwan nya ko at tinakbuhan ang responsibilidad nya sa akin. Natatakot ako para sa pagmamahalan namin.

Di sinagot ni mama yung tanong ko sa halip ay pinulupot niya ang braso nya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. What's wrong? Bumitaw sya agad sa yakap sa akin saka pinahid ang luha sa mata ko. I know there's something wrong. Pero bakit ayaw ipaalam sa akin ni mama. Bakit di nya sinagot yung tanong ko. Tumayo si mama sa katre at tumingin sa akin. May iba sa tingin ni mama na dumagdag sa takot at kaba na nararamdaman ko.

"T-tara na sa labas nak"

Nangangatog ang tuhod kong tumayo sa katre at utay utay na humakbang. Hinawakan ako ni mama saka ako inalalayan. Naglakad kami palabas ng kwarto ko. I was trembling in so much nervousness. Sa bawat hakbang ko ay mas lalo kong nararamdaman ang kaba. Ang bigat ng pakiramdam kong parang ayaw ko nang tumuloy. I was scared baka di ko kayanin na wala na si sir at iniwan na ako.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ni mama yung sala. Umagos agad ang mainit na likido sa pisngi ko. Tuloy tuloy ito na di ko mapigilan.

Naroroon si sir na inaantay ako. Ngumiti sya sa akin and mouthed 'I love you'. Hindi ko mapigilan ang luha ko, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya. Ipinaglaban ako ni sir. Ipinaglaban niya yung pagmamahalan naming dalawa.

Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Pinahid nya agad ang luha sa mga mata ko saka ako hinalikan sa noo. Then naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap sa akin.

"Bat umiiyak ang baby ko..... Natatakot ba sya na iwan ko" nanloloko nyang bulong kaya tinulak ko sya at tiningnan ng masama.

"K-kapal mo" nauutal kong sabi sabay irap sa kanya.

Tumawa lang ng mahina ang loko sabay hawak sa kamay ko. Sobrang higpit noon na parang ayaw na rin akong pakawalan pa. Natatakot din kaya sya?

"So para kanino yang luha mo?" nakangisi nyang tanong saka nilapit yung mukha sa akin.

"Paki mo ba?" sabay iwas ko ng tingin. Ayaw kong makita nya ang pamumula ng pisngi ko. My heart is beating so fast right now dahil sa hiya at kilig.

"May paki ako kasi ako ang mahal mo" nakangisi na naman nyang sabi saka hinuli yung mukha ko.

"I love you Clyde"

"I love you too JK my professor" natatawa kong sagot.

Hinawakan nya yung pisngi ko saka dahan dahang inilapit yung kanyang mukha sa akin.

"Ehemm....." biglang tikhim ni papa na nakapagpahinto sa amin. Sumulyap ako kay papa at ang talim na nang titig niya sa amin. Putek, nasa bahay pa nga pala ako.

Lumapit kami kay papa saka naupo sa harap niya. Literal na masama ang tingin niya sa amin. Over protected naman kasi sa amin si papa.

"Anak..... Let me ask you a question" seryosong sabi ni papa. Bumalik agad ang kaba na nararamdaman ko kanina. My heart is beating so fast like hell. Mabilis ding nawala ang kaba ko ng pisilin ni sir yung kamay ko.

Humarap ako sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. Alam kong kabado rin sya ngunit kung ipinaglaban nya ko. Ipaglalaban ko rin sya.

"Alam mo anak ang hirap ng ginawa nyo. Handa ka ba sa pagsubok?" direktang tanong ni papa. I was scared......

"O-opo, K-kahit anong p-pagsubok pa y-yan" nauutal kong sagot. Ngunit di man lang nagulat si papa sa sagot ko.

"Mahal mo ba sya?"

"Opo papa, Mahal ko sya" diretso kong sagot sa tanong ni papa. Ayaw kong ma-oppend sya pero mahal ko talaga si sir.

"Kaya mo bang talikuran ang pamilya mo at ang pangarap mo para sa kanya?" nanlaki ang mata ko at umawang ang labi ko sa gulat. Yan ang tanong na ayaw ko, ayaw kong pumili. I was scared na masaktan si papa at si sir.

Mas lalong nangatal yung kamay ko at ramdam ko ang mas lalong pamamawis noon. Halos isang minuto ko nang di nasasagot yung tanong and I can feel the pressure.

"Di po nya kailangang pumili, matutupad ang pangarap nya at di niya kayo tatalikuran..... I promise that sir, pero sana wag nyo kaming pigilan sa pagmamahalan namin" seryosong sagot ni sir and I can feel his sincerity on it.

Humarap ako kay sir saka pilit na ngumiti. Nandyan talaga sya sa lahat ng oras. At lagi nya kong sinasalo at pinagtatanggol.

"Kung gayon, you have my blessing" sagot ni papa.

Kaagad syang tumayo at iniwan kami doon. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang takot. Biglang hinawakan ni sir yung pisngi ko at iniharap sa kanya.

"Are you okey?" nag-aalala nyang tanong. Kaagad akong tumango sa kanya saka pilit na ngumiti.

"Opo, okey na ko..... Thanks"

Ilang saglit lang lumapat ang mainit na labi ni sir sa labi ko. Its just a peck pero parang iyon na ang pinakamasarap na halik sa lahat.

"I love you" bulong ko sa kanya. Kaagad lumawak ang ngiti nya saka hinawakan yung kamay ko.

"I love you too" he reply sincerely. Sumandal ako sa balikat nya saka pumikit.

Kinakabahan pa rin ako. Di pa rin sya talagang sa akin at ikakasal na sya sa isang araw. Di pa tapos ang kinatatakutan ko. Pano kung kunin na naman sya ng Daddy nya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto.

*****
Dreamcatcher_ABZ

My Possessive Gay Professor (Possessive Gay Series) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon