Chapter 18:
JK POV
Mahigit tatlong linggo na akong nakakulong dito. Di ko na alam ang gagawin. At miss na miss ko na rin si Clyde. Di na pumasok si Daddy dito simula noong kinulong nya ko dito. Hinahatiran lang ako ng pagkain dito ng mga kasambahay namin. Pero wala akong pake doon si Clyde lang ang kailangan ko at hindi ang kung ano.Kaagad kong nilagok yung beer na hawak hawak ko. At ibinalibag yung basyo nito doon sa isang tabi. Ito lang ang ginagawa ko pampatulog at pangpalipas oras. Ang uminom ng uminom.
Mabilis akong tumayo at binalibag ang lahat ng aking mahawakan. Naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Clyde. Pinaglalaruan nya lang ako. Hahaha, ang tanga tanga ko at di napansin yun. All the time. Pero bat ganun imbis na magalit ako mas lalo ko pa syang hinahanap. I badly need her.
Naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na likido sa pisngi ko at di ko iyon magawang pigilan.
Ilang minuto lang ay biglang bumukas yung pinto at pumasok yung isa naming malanding kasambahay.
"Sir narito na po yung pagkain nyo" malandi nyang sabi saka dinilaan yung labi nya. Kaagad nag-init ang ulo ko dahil sa ginawa nya.
Ipinatong nya agad yung tray doon sa table malapit sa akin. Dahan dahan syang lumapit sa akin at nang-aakit na hinawakan ang bewang nya.
"Kumain na daw po kayo sir o ako ang kainin nyo" napakalandi nyang sabi saka pinalandas yung kamay nya sa dibdib nya revealing her cleavage.
Kaagad kong kinuha yung pinggan doon sa tray at ibinato sa kanya. Gumuhit ang gulat sa mukha nya dahil doon sa ginawa ko.
"Lumayas ka nga ditong hayop ka!!" galit kong sigaw saka ibinalibag ng malakas yung tray sa harap nya. Kung akala nya maaakit nya ko gaya ni kuya Alexander nagkakamali sya. Para kay Clyde lang ang katawan ko.
Dali dali syang lumabas at sinara yung pinto. Nahiga na lang ako sa kama at natulog.
*****
Jane POV
Seeing my brother like that hurts me. Nagyon ko lang sya nakita na ganito. He's a mess. Sobrang baliw na baliw sya kay Clyde na kahit yung sarili nya ay napapabayaan na nya.Dahan dahan akong pumasok sa kwarto nya. Alas dose na nang gabi kaya sinigurado kong tulog na ang lahat. Shit mas malala pa sya sa inaasahan.
Nagkalat lahat ng gamit nya at nagkabasag basag. Marami ring basyo ng beer ang basag at nagkalat sa buong kwarto. Even the flat screen TV na regalo ko sa kanya ay durog na durog. Parang dinaanan ng bagyo with matching ipo-ipo samahan pa ng lindol ang tumama sa kwarto nya. Kawawang kwarto.
Nakadapa sya ngayon sa kama at halatang tulog na tulog na. Sa isang araw na ang itinakdang kasal ni papa para kay JKat tutol ako doon. Ayaw kong magaya si JK sa akin na arrange marriage din. At di natin alam kung same kami ng destiny na magiging masaya sa napili ni Dad sa kanya.
Lumapit ako agad sa kanya at inog-og sya. Mukhang malalim ang tulog nya sa alak kaya tinadyakan ko sya ng malakas dahilan para malaglag sya sa kama.
"Shit..... ARAY!!" mura nya. Kaagad ko syang hinila patayo at mukhang inis sya sa ginawa ko. Sobrang talim ng tingin nya sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ko nangingisay.
"Ano na naman!?" galit nyang tanong saka naupo sa tabi ng kama.
"Condolence JK..... Musta?" natatawa kong tanong dahil doon mas tumalim yung titig nya sa akin.
"Di mo ba ko nakikita..... Parang okey lang ako ate , I'm fine" sarkastiko nyang sagot saka nag-iwas ng tingin. Napansin ko agad ang pamumuo ng luha sa mga mata nya. So di pa nga sya nakakamove-on.
"Move on na..... Ikakasal ka na ehh" I reply. He face at me at mukhang sasabog na yung tinitimpi nyang galit.
"Pak yu ka!!" tumawa lang ako sa sagot nya saka umayos ng tayo.
"Mahal mo pa ba sya?" seryoso kong tanong. Halatang nagulat sya sa tanong ko kaya sumeryoso bigla yung mukha nya.
"Pinagtulakan nya ko palayo k-"
"Kung mahal mo pa sya?" ulit ko sa tanong ko na pumutol sa sasabihin nya.
"Oo!!" sabi nya sabay sa pagpatak ng mga luha nya. Umiwas sya ng tingin saka pasimple iyong pinahid.
"Bat di mo pakasalan?" gusto kong magising sya at ipaglaban yung pagmamahalan nila.
"Hahaha..... Niloloko mo ba ko te" sarkastiko nyang sagot saka muling nahiga.
"Nope di kita niloloko" seryoso kong sagot. Bumaling sya sa akin saka tumingin ng direkta sa mata ko.
"Umalis ka na nga walang patutunguhan tong usapan natin..... Di mo ba nakikita nakakulong ako dito" asar nyang sagot saka tunalikod sa akin.
"That's why I left the door open" nakangisi kong sagot saka tumalikod sa kanya.
"What!?" humarap ako sa kanya at nakatayo na sya ngayon sa may harapan ko.
"Decide kung pupuntahan mo sya..... Binuksan ko yung pinto para free ka, Para mapuntahan mo si Clyde..... At ng mapakasalan mo na sya" nakangiti kong sagot saka lumapit sa kanya. Nanatili syang nakatingin doon sa pinto at mukhang nagdadalawang isip pa.
"Lalabas ka ba o hindi?" tanong ko uli at imwenestra yung pintuan.
"You mean-"
"Yes JK tinutulungan kita. Ayaw kong matulad ka sa akin kasi di ko alam kung sasaya ka sa pinili ni papa. Akong bahala sayo JK wag kang mag-alala..... May tauhan ako at kotse na ring nag-aantay sayo sa baba at ako na ang bahala sa lahat kaya magdesisyon ka na" saka ko sya niyakap ng mahigpit. Binata na talaga sya.
"Pero pano kung ipagtulakan nya ako" natatakot nyang tanong. Alam kong nasaktan sya sa ginawa ni Clyde ngunit ginawa lang yun ni Clyde para sa pamilya nya.
"Give it a try....." nakangiti kong sagot.
"Pupuntahan ko sya" sagot nya saka tumakbo palabas.
Gaya ng inaasahan ko pupunta at pupunta sya. Mahal na mahal nya si Clyde kaya di nya toh matitiis. Lumabas agad ako ng kwarto nya at isinara iyon.
Tumakbo ako ng mabilis palabas para havulin sya. Shit I forget to give tis to him. At sakto lang dahil di pa sila nakakaalis.
"Jk" habol ko kaya napalingon sya sa akin. Kinuha ko agad yung papel sa bulsa ko at iniabot iyon sa kanya.
"Ano toh?"
"That's her address..... Sa probinsya ka lang ihahatid ni manong..... find her" sako ko sinenyasan na umalis na sila.
Ilang saglit lang ay umandar na palayo yung kotse. Kinuha ko kaagad yung CP ko at may dinial doon. Sana masaya kayong dalawa JK.
"Hello..... Atty. Lance Neous Flavier speaking" sagot nito sa kabilang linya.
*****
Dreamcatcher_ABZ

BINABASA MO ANG
My Possessive Gay Professor (Possessive Gay Series) [EDITING]
Storie d'amoreWhen a gay fall in love with a woman expect the unexpected. The well known professor, businessman and Asian Bachelor that is a gay fall to her new transferred student at its first day. That day also he give his virginity to the woman and he get also...