Chapter 15

4.9K 121 18
                                    

Chapter 15:
Clyde POV
Ilang minuto na kami ni sir na nakaupo at nag-aantay dito sa waiting area ng clinic ng OB-Gyne ko. Check up daw kasi ngayon para update kami sa status ni baby. Kaagad kaming tumayo ng kami na ang next. Pumasok agad kami sa loob at nakita ko doon yung isang lalaking doktor. Nagtaas sya ng tingin sa amin saka imwenestra yung bangko.

"Have a sit, Maam and Mr. Mendez" uupo na sana ako ng makita ko si sir na masama ang tingin doon sa doktor.

"Where is Dr. Nate Mendez" seryosong tanong ni sir. Humarap ito kay sir saka inayos yung suot niyang salamin.

"Uhm..... Sorry, By the way I am Dr. Nataniel Alvarez but Dr. Nate Mendez is not available right now. She's on a seminar outside the country..... Hope you understand" seryosong sabi nito sabay balik doon sa kanyang  ginagawa.

"Wala bang ibang doktor na babae dito?"

"Wala Mr. Mendez"

"Then I will reschedule the check-up" biglang sabi ni sir saka bigla akong hinatak palabas. Sabi ko na nga ba ehh. Ang possessive attitude na naman nya.

Kaagad kaming naglakad papunta sa kotse ni sir. Inalalayan nya uli akong sumakay saka sya umikot sa drayber sit.

"Saan tayo sir?" nagtataka kong tanong. Humarap sya sa akin saka hinagod ako ng tingin dahan dahan.

"Sa tita kong OB Gyne" seryosong sagot ni sir saka tinapakan yung gas.

"Bat di na lang po tayo kay Dr. Nat—" bigla syang tumingin sa akin ng masama dahilan para di ko maituloy yung sasabihin ko.

"I don't trust him!" halata ang inis sa boses nya kaya di na ko sumagot.

Ilang minuto lang ay tumigil kami doon sa isang clinic. Dali daling bumaba si sir saka ako pinagbuksan ng pinto at saka ako inalalayang lumabas.

"Sorry nga pala, Clyde" biglang sabi nya habang naglalakad kami papunta sa clinic ng tita nya.

"Bat po kayo nag-sosorry" nagtataka kong tanong. He face at me saka hinawakan yung pisngi ko.

"About sa nangyari sa kotse kanina. Naibunton ko yung inis ko sayo na hindi naman dapat" ngumiti ako sa kanya saka hinalikan sya sa pisngi bilang sagot.

Pumasok agad kami ni sir sa loob ng clinic kaya nakita ko doon yung isang babae na naka lab gown at busy sa mga papel na nakapatong sa table nya. Siguro nasa mid 50 na sya pero maganda pa rin sya.

"Ehemm....." tawag pansin ni sir. Halatang nagulat yung babae at agad nag-angat sa amin ng tingin.

"Owww..... JK, Ano ang dahilan at naligaw ka dito?" nakangiting sabi nito saka inalis yung suot nyang salamin.

"Musta Auntie....."

"Ayos lang naman..... Ikaw Jk" saka ito tumingin ng diretso sa akin. Ngumiti ito bigla ng makita yung kamay namin ni sir na magkahawak.

"Ayos lang po naman, By the way may schedule ba kayo ngayon?" tanong ni sir na mas kinangiti noong tita nya.

"Wala naman, Di mo ba sya ipapakilala sa akin?" sabay turo nito sa akin. Pinilit ko sa kanyang ngumiti kahit kinakabahan ako. I feel her presence that make my heart beat than normal.

"Sorry about that, Auntie. This is Clyde my girlfriend and Clyde this is Auntie Thel" saka nya imwenestra yung tita nya sa akin. Hinila nya agad ako paupo doon sa couch na kinagulat ko.

Tumayo bigla yung tita ni sir at pumasok doon sa isang kwarto. Ilang minuto lang ay lumabas sya at tinawag kami.

"Come-on lets start the check-up" nakangiting tawag nito sa amin kaya bigla akong napatayo.

"Okey Auntie" sagot ni sir saka tumayo na rin.

Lumapit agad kami sa kanya at pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ay pinahiga na nya ko doon sa may ultrasound.

May pinahid sya sa tiyan kong parang gel at ilang saglit lang ay gumamit na sya ng apparatus.

"The baby is healthy, Jk" masayang sabi nito kay sir. Masayang lumapit si sir at parang batang tiningnan yung monitor kung nasan yung baby namin. Awww, ang cute ng daddy nya.

Ilang saglit lang ay natapos na yung ultrasound at payo na lang daw noong tita ni sir. Dali dali akong lumabas ng biglang tumunog yung cellphone ko. Tiningnan ko agad kung sino yung tumatawag. I was shocked ng makita kung sino yun. What the si papa.....

"Hello pa" masaya kong bungad sa kanya. Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako. Hindi pa kasi alam nina papa na buntis ako. Di ko alam kung pano sasabihin sa kanila.

"H-Hello nak....." Shit umiiyak ba si papa sa kabilang linya. Ikinalma ko ang sarili ko at pinigil ang luhang papatak sa mata ko. Ito ang ayaw ko sa lahat yung ang usapan ay tungkol na sa pamilya. I am so emotional pagdating doon.

"Musta po pa? Ayos lang ba kayo?" tanong ko habang pinipigilang manginig yung boses ko.

"A-ayos lang naman k-kami anak? I-ikaw ba d-dyan?" kinig ko sa boses ni papa ang pagpigil sa panginginig nito. Ano kaya ang problema doon.

"Ayos lang po ako dito pa" sagot ko. Tumingin ako sa likod at baka tapos na sina sir pero wala pa naman sya doon at nasa loob pa sya.

"Mabuti naman anak" masaya nyang sagot. Di ko na masyadong nadinig ang pag-aalala sa boses nya. Pero alam ko talagang may problema. Ayaw lang munang sabihin ni papa.

"M-May problema po ba pa?" bigla kong tanong na kinatakimik nya. Mukha ngang may problema.

Sandali syang di sumagot at nadinig ko pa syang tumikhim na parang naghahanda sa sasabihin.

"Anak....."

"A-ano po yun?" kinakabahan ko nang tanong. Di kaya..... No! Impossible yun.

"May di ka ba sinasabi sa amin?" seryoso nyang tanong na nagpatigil sa akin.

"A-ano po ang ibig nyong sabihin?" paniniguro ko. Baka iba ang ibig nyang sabihin..... Sana nga—

"May relasyon ba kayo ng propesor mo" tanong nya na nakapagpatigil sa akin.

Ramdam ko ang biglang pamamawis ng kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko na parang lalabas na sa dibdib ko dahil sa sinabi ni papa. Pero paano? How come na nalaman niya iyon? Pero baka nagkakamali lang naman ako ng dinig sa sinabi ni papa.

"P-Po?" paniniguro ko sa sinabi nya. I can't calm my self.

"Alam kong nadinig mo naman ako Clyde, pero uulitin ko. May relasyon ba kayo ng propesor nyo?" ulit nya sa sinabi nya kanina. Dahan dahan akong napaupo sa couch dahil kanina pa nanginginig ang tuhod ko.

"S-sorry p-po" tanging sabi ko na lang. Di ko na nagawa pang magdahilan at mag-sinungaling sa kanila. Utay utay pumatak ang luha ko dahil doon.

"Hiwalayan mo na sya Clyde at umuwi ka na rito" seryosong sabi ni papa. Alam kong galit sya pero mahal ko si sir at nangako ako na di ko sya iiwan.

"P-Pero pa—"

"Iwan mo na sya at bumalik ka na dito anak..... Please" nagmamakaawa na nyang sabi. Pero bakit? Bakit ayaw nila na masaya kami?

"Mahal ko po sya pa" umiiyak ko nang sabi. Di ko na napigilan ang sunod sunod na patak ng luha ko dahil sa sinasabi ni papa. Patuloy lang ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko.

"Kahit na!! Maraming plano ang daddy nya sa kanya at ayaw nya na naroon tayo, naroon ka..... Clyde, wala na kong trabaho dahil doon at binawi na nila ang scholarship mo anak. Baon na tayo sa utang..... Naiintindihan ka namin pero mas nakakabuti sayo ang iniisip namin. Umuwi ka na please" umiiyak na sabi ni papa saka ibinaba ang tawag.

*****
Ang gwapo nyong author (Oppss, Typo) ay humihingi ng sarili nyong opinyon(Feedback) sa MPGP:PGS1(My Possessive Gay Professor: Possessive Gay Series1).
Sana mag-iwan kayo mga binibini at ginoo
Salamat.....
Dreamcatcher_ABZ


My Possessive Gay Professor (Possessive Gay Series) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon