Chapter 17:
Clyde POV
Mahigit kalahating oras na akong nakaupo dito sa loob ng bus at inaantay na lang na umalis ito. Umupo ako malapit sa may bintana. Masakit ang ginawa kong pagtulak kay sir palayo pero iyon ang tama ang dapat na gawin ko para sa ikabubuti namin.Ramdam ko ang mainit na likido ang umagos sa pisngi ko. Gusto kong bumalik pero di talaga pwede. Sumilip ako sa bintana at umaasang darating sya para habulin at pigilan ako.
Makaraan lang ang ilang minuto ay umandar na paalis sa terminal yung bus. I am going back home.
"Goodbye sir..... I love you" bulong ko sa hangin habang papalayo doon.
Wala pang limang minuto ang nakakaraan ay isang pamilyar na kotse ang sumagi sa gilid ng mata ko.
Mabilis ang tabo nito patungo sa terminal na pinanggalingan ko. Nanikip agad ang dibdib ko dahil doon at mas lalong pumatak ang luha sa mga mata ko. Sorry sir.....Makaraan ang halos tatlong oras ay narating ko na yung probinsya namin. Di kasi ako sanay matulog sa byahe kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa nasa labas ng bintana.
Matapos ang ilang minuto ay tumigil ito sa terminal sa bayan. Kaagad akong naghanap ng tricycle na masasakyan papunta sa baranggay namin. At saktong may papaalis patungo roon.
Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko habang papalapit ako ng papalapit sa bahay namin. Kinakabahan ako sobra. Ano kaya ang reaksyon nina mama at papa. Magagalit kaya sila. Dapat kasi noong niyaya pa lang ako ni sir uminom ay tinanggihan ko na. Ang tanga ko kasi masyado.
Kaagad akong bumaba at nagbayad doon sa tricycle ng matanaw ko na ang bahay namin. Ayaw kong bumaba sa mismong tapat kasi baka makita agad ako ni papa. Natatakot ako ngayon..... Di ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanila. Natatakot ako para sa baby namin ni sir.
Nanginginig ang tuhod kong naglakad papalapit sa bahay. Habang mas lumalapit ako ay mas nararamdaman ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Para na itong lalabas sa dibdib ko sa sobrang bilis.
Dahan dahan akong lumapit sa bahay saka mahinang kumatok sa pinto. Ilang saglit lang ay gumalaw yung pinto then my heart races again.
Napatungo na lang ako sa kinatatayuan ko. Sobrang nahihiya ako kina papa. Nanginginig ang tuhod kong itinaas ang mukha ko. Nasa kabila ng pinto si papa na bakas amg sobrang gulat sa mukha.
"C-Clyde....." nasasaktan ako dahil alam kong galit sya sa akin. Pinilit kong ngumiti kahit pumapatak ang luha ko sa sobrang hiya at lungkot.
Kaagad nanlaki ang mata ko ng idampi ni papa ang kamay nya sa mukha ko and wipes all my tears. Kaagad syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"I-I miss you n-nak" umiiyak na sabi ni papa habang yakap yakap ako. Niyakap ko na rin sya habang patuloy na umiiyak. Kahit di kami close ni papa masyado ay naappreciate ko ang ginawa nya. Kasi mommy's girl ako.
Agad din kaming kumalas sa yakap kaya umiiyak akong tumungo sa harapni papa.
"S-sorry p-po" nanginginig kong sabi. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon nina papa lalo at di pa nila alam na buntis ako.
"Ayos lang yun nak" nag-angat ako ng tingin dahil sa sagot ni papa. Halatang pinilit nyang ngumiti sa akin ng sinabi nya yun.
Kinuha bigla ni papa yung dala ko at ipinasok iyon sa loob ng bahay. Humarap siya sa akin saka sumenyas na pumasok na rin ako.
"Pasok nak....." mabilis akong pumasok saka naupo doon sa bangko.
Ilang saglit lang ay biglang dumating sina mama kasama ang mga kapatid ko. Mabilis na lumapit sa akin si mama na kinatulo na naman ng luha ko.
"Clyde..... Baby girl, Ayos ka lang ba? Inapi ka ba nila doon?" sunod sunod na tanong ni mama. Umiling ako saka pinilit sa kanyang ngumiti.
"Hindi p-po m-ma..... Ayos lang ako" di ko pinahalata ang kaba sa boses ko. Ngumiti si mama at hinalikan ako sa noo.
"Mabuti naman nak" nakangiting sabi ni mama saka tumayo at kinuha yung gamit ko.
"Dalhin ko na to sa kwarto mo Clyde..... Pahinga ka na rin at alam naming pagod ka" sabi ni mama saka pumunta sa kwarto ko.
Napangiti ako dahil sa ginawa nila pero hanggang kailan iyon. Pano pag nalaman nila na buntis ako. Tumayo na rin ako agad at nagtungo sa kwarto ko. Nakaalis na dito si mama kaya isinara ko agad yung pinto at nalugmok sa katre.
Agad kong kinuha yung cellphone ko at tiningnan ito. Umaasa ako na baka tumawag sya pero ni isang tawag o text ay wala. Is he busy..... O mahal nya kaya talaga ako.
Ipinikit ko ang mata ko dahilan para mabilis akong makatulog. Bahala na bukas.
*****
JK POV
Pakisap kisap ang mata inilibot ang paningin ko sa buong silid. Anong ginagawa ko dito sa kwarto ko sa loob ng mansion. Huling naaalala ko ay pumunta ako sa terminal ng bus para habulin si Clydeng biglang may tumaklob sa ilongkong panyo driving me unconscious.Kaagad akong tumayo at tinungo yung pinto. Kailangang ko na habulin at puntahan si Clyde. Pinihit ko yung door knob ng pinto pero gaya ng inaasahan. Shit its lock.
Mabilis kong kinapa yung bulsa ko para hanapin yung phone ko. Fuck bat ang tanga ko iniwan ko yung CP ko in my office, Fuck.
Lumapit ako sa kama at naupo sa tabi noon. Ilang minuto pa lang akong nakaupo rito ay bumukas bigla yung pinto at pumasok doon si dad kasama ang dalawa niyang body guard. Gaya ng inaasahan, He's the mastermind na gagawin ang lahat just for business. Sya ang may gawa kung bakit nakipaghiwalay si Clyde.
"Let me go!!" galit kong sigaw kay daddy pero di man lang sya natinag. Inayos nya ang salamin nya at tumingin sa akin.
"At bakit naman Jk, to betray me again" galit niyang sagot saka ako tiningnan ng masama.
"K-kailangan kong puntahan si C-Clyde" pinilit kong di umiyak ng alalahanin sya. I don't care kung ano ang sinabi nya.
"There's so many woman JK, Why do you want to stay with just one if you can have many..... Nandyan si Katrina Shizuna, she's beautiful, intelligent and seductive than your—"
"Shut up!!" galit kong sigaw kay daddy na kinatigil nya.
"Wala akong pakialam sa kung sinong babae pa yan si Clyde lang ang mahal ko" ngumisi lang si Dad sa sinabi ko saka tumalikod sa akin.
"By the way son, You'll stay in your room hanggang di ko pa naayos ang kasal nyo ni Katrina. Sisiguruhin kong makakasal ka sa kanya..... Your room is doble lock outside and your window is equipped with bulletproof glass. Di ka makakalabas ng kwarto mo hanggang di kayo kasal ni Katrina" sabi ni Dad saka isinara yung pinto. Fuck I need you Clyde, I need you more than anything.
*****
Dreamcatcher_ABZ

BINABASA MO ANG
My Possessive Gay Professor (Possessive Gay Series) [EDITING]
RomanceWhen a gay fall in love with a woman expect the unexpected. The well known professor, businessman and Asian Bachelor that is a gay fall to her new transferred student at its first day. That day also he give his virginity to the woman and he get also...