Chapter 1

145 3 0
                                    

Chapter 1

"Wag mo kong iiwan ha?"

Narinig ko na naman ang boses niya. Yung boses na matagal-tagal ko ng hindi naririnig. Namiss ko yung boses niya. Namimiss ko na siya. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita ko ang mukha niya.

'Hindi naman talaga kita iiwan eh, pero bakit ako? Ang dali mo kong binitawan?' 

Yan ang tumatakbo sa isip ko pero hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. Nakatingin lang siya sa akin pero nakikita ko sa mga mata niyang malungkot siya 

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. God knows I'd give up everything for this moment na mayakap siya ulit.

"Wag mo kong ipagpapalit ha? Lagi lang akong nandito. Babantayan lagi kita, promise. Mahal na mahal kita."

Niyakap ko lang siya ng napakahigpit pero pagdilat ko, hindi ko na siya makita. Biglang nagbago yung paligid. Yung kaninang malawak na magandang lugar, napalitan ng isang silid na pamilyar sakin.

Nagulat na lang ako ng may marahas na kumapit sa braso ko.

"Hindi ka na makikipagkita sa kanya naiintindihan mo? Mula ngayon ay puputulin mo na ang ugnayan niyo!"

Marahas niya rin akong binitawan. Nakita ko ang mga nanlilisik na mga mata ng demonyo sa harap ko. Gusto kong lumaban sa kanya pero nanghina ako ng makita ang lalaking sa di kalayuan na sugatan at lupaypay ang katawan habang hawak ng mga tauhan ng demonyong 'to.

"BRYCE!!" 

Tumakbo ako papalapit sa kanya pero nahawakan ulit ako ng demonyo. Nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala.

"Bitawan niyo siya! Parang awa niyo na bitawan niyo siya!"

Wala akong nagawa kundi ang humagulgol habang nakikita ko ang mahal kong hirap na hirap.

"Lumapit ka sa kanya at mamamatay siya." Sabi ng demonyo sa tabi ko.

Binitawan niya ako. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at agad akong lumapit kay Bryce pero hindi ko pa nararating ang pwesto niya ay may dalawang lalaking lumitaw sa likod niya na may hawak na bakal na tubo. Inangat ng isa ang hawak niya, hinihintay niya na lang ang hudyat mula sa demonyong nasa likod ko na ngayon.

Tatlong hakbang na lang ang layo ko. Malapit na ko Bryce. Malapit na k---"BRYCEEEE!!!!"

*huff huff*

Napabalikwas ako sa kama ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinahabol ko ang hininga ko. Tagaktakan ang pawis ko samantalang napakalamig ng kamay ko.

"Anikka? Anong nangyari sayo?"

Agad na lumapit sa akin si Manang Ising at pinunasan ang pawisan kong mukha.

"M-manang nakita ko siya. N-nakita ko siyang nahihirapan. T-tapos.....t-tapos......" Yumakap ako kay Manang at saka umiyak. 

"Shh. Tama na iha. Panaginip lang yun. Tahan na." Hinagod ni Manang yung likod ko hanggang sa kumalma ako.

Sana nga panaginip lang yun.

Sana panaginip lang lahat ng nangyari.

Sana panaginip lang na nangako siyang di niya ako iiwan.

Sana panaginip lang na nasaktan ako. 

Sana panaginip lang.

***

loveless note: Okay na po ang Revised Chapter na 'to. Naisipan ko na siyang i-post kasi may konek naman siya sa susunod na chapters so, ayun. Sana po comment your reactions. It would be really great kung malalaman ko yung reactions niyo. :)

[2∞&↑]

loveless_lunatic

The Bitch's Tale [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon