{Chapter 11 | Revealed}
"Now...let the revelation begin."
NOBODY's POV
Pagkasabi ng mga katagang ito ay sabay-sabay na nagtanggal ng mga maskara ang mga guests. Nanatili namang nakatutok ang spotlight sa Star of the Night.
"Oh my God...this is not happening." hindi makapaniwalang bulalas ni Rhia ang Star of the Night nga daw. She was standing in the middle of the crowd with a capital SHAME written all over her face.
"Babe??" the guys said in unison na parang pinag-practisan sa pagkaka-sabay nila. Nagkakagulo na sa loob at nagtataka na rin ang ibang guests na walang kinalaman sa issue. Kitang-kita naman sa mukha ni Anya ang nakakakilabot na mga ngiti nito dahil alam niyang nagtagumpay na siya kahit di pa natatapos ang plano niya.
May video namang ipinalabas sa screen. Mga kuha ni Rhia na kasama ang iba't ibang lalaki na nasa party na kung hindi nakikipaghalikan ay nakayakap rito o kung anu pa man na ginagawa ng normal na couple. Sa bawat picture ay nakalagay ang date kung kailan ito kinunan na halos magkakalapit lang ang pagitan. Pumailanlang sa hall ang bulungan ng mga bisita.
"No!! Stop that thing!! Please!!" pagmamakaawang sigaw ni Rhia. Sa mga sandaling yon ay hindi niya na alam ang gagawin niya. Hiyang hiya siya para sa sarili niya.
"Babe??!! What's going on??!! Every guy in this goddamn party calls you babe??!! Fvck! Rhia answer me!!" ikinagulat ng lahat ang pagsigaw ni Myrko kay Rhia. Hindi na nila napansing lumapit ito dahil sa pagkabigla sa pangyayari. Niyugyog niya ito upang magsalita ngunit walang lumalabas na kahit ano sa bibig nito kahit gustuhin niya. Natatakot siya kay Myrko dahil kitang-kita mula sa mga mata nito ang galit at tila ba makakapatay na ito. Hindi na niya mapigilan ang mapaluha.
"Woah woah...chill Mr. Xavier. I thought you knew about this? Well, I guess this was a surprise then." sumingit si Anya sa eksena. Nanatili pa rin siya sa stage at aliw na aliw na nanunuod sa isang mala-telenobelang palabas.
"SHUT UP!!" sigaw ng binatang galit na galit. Inaawat na siya ng mga team mates niya. Napa-smirk lang lalo si Anya sa reaksyon ni Myrko.
"You!! You haven't answered my question yet!" dinuro naman ni Myrko si Rhia na patuloy na sa pag-iyak. Hindi nito alam ang sasabihin niya. She can't just tell him that she was cheating all along. Of course that's absurd. Kapag ginawa niya yun ay ipapahiya niya lang ang sarili niya. Bukod din sa takot niya kay Myrko, ikinatatakot niya rin ang magiging reaksyon ng mga magulang niya dahil ayon nga sa mga nakalap na impormasyon ni Mr. William, hindi basta-basta ang pamilyang kinabibilangan niya. May-ari sila ng isa sa mga sikat na clothing line sa bansa at sa sandaling makarating ito sa magulang niya ay hindi na niya alam ang mangyayari sa kanya.
"B-babe...p-please l-let m-me explain..." pagmamakaawa ni Rhia kay Myrko. Hinawakan niya ito sa braso ngunit agad na tinabig ang kamay nito.
"Babe?! Seriously?! BULLSH*T!! Ilang lalaki ang tinatawag mong BABE?! Ha?! And look at the dates Rhia.....tayo na niyan..." tinuro naman ni Myrko ang nagp-play na video sa screen. "Minahal mo ba talaga ako Rhia o isa lang ako sa mga lalaking niloko at pinaglalaruan mo?!!" pagtataas ng boses ni Myrko. Tahimik lang na umiiyak si Rhia at hindi alam ang isasagot nito.
Sa totoo lang ay wala naman siyang minahal ni isa sa mga naka-relasyon niya. Para sa isang Rhia Famorcan, laruan lang ang mga lalaki at tagasunod ng mga gusto niya. Hindi kasama ang love sa bokabularyo niya kaya naman minabuti na lang niyang manahimik sa harap ni Myrko.
"Just as I thought.." Myrko said with dismay. Hindi na niya pinilit pang pasagutin si Rhia dahil nasa harap na naman niya ang proofs na niloko lang siya nito at hindi kailanman nakuhang mahalin. Tumalikod ito at akmang aalis na..
"Hey bakulaw! Leaving so soon? The party has just begun. You in a hurry?" nasa harap na ngayon ni Myrko si Anya at inismiran pa ito na lalo namang kinainis ni Myrko. Sa ngiti nito, alam na niyang pinlano ito lahat ng babaeng nasa harap niya.
"You!! You Bitch planned all these shit!! How dare you??!!" hinablot naman ni Rhia si Anya at akmang sasampalin na..hahawakan pa lang sana ni Anya ang kamay nito pero naunahan naman siya ni Myrko kaya ikinabigla ito ng lahat lalo na niya. Hindi niya inaasahang ipagtatanggol pa siya ng lalaking iyon matapos ang ginawa niya.
"No Rhia! You made all these! So stop acting like it's not your fault!" malakas ang pagkababa ni Myrko sa kamay nito at muntikan ng matumba. Inalalayan lang siya ng ibang team mates ni Myrko.
"Captain..tama na." pag-awat sa kanya ni Kyle at tinap ito sa balikat. Si Kyle ang bestfriend ni Myrko mula pagkabata at alam nitong sobrang nasasaktan ang kaibigan kaya hindi na nito alam ang mga ginagawa niya.
"Hah! Poor stupid girl..I suppose now you know who is Anya Trinidad?" nagpakawala naman ng isa pang mapang-asar na ngiti si Anya.
"You...it's enough." mahinahong sabi ni Myrko kay Anya. Punong-puno ng lungkot at sakit ang boses nito kaya naman hindi alam ni Anya kung ano bang mararamdaman niya para dito. Kung magg-guilty ba siya, malulungkot para dito, o maawa sa kanya. Dito napatahimik si Anya.
"As for you...Rhia Famorcan...don't you ever come near me again. You know what? I love you...and for that I was so stupid! I was a fool to believe you. I thought you oare different." mataman nitong tinitigan si Rhia. Nakakatakot talaga ang mga tingin niyang iyon. Sabi nga nila 'if looks could kill' ay di malabong sa oras na yon ay patay na si Rhia. Ngayon lang nakita ng lahat na ganun si Myrko bukod kay Kyle. Ikinabigla ito ng mga team mates niya at walang may lakas ng loob na lumapit sa kanya.
"B-babe....a-are y-you....?" nangangatal na sabi ni Rhia pero hindi na siya pinatapos ni Myrko.
"Stop calling me babe! Playtime's over Rhia!" matigas na sabi ni Myrko at agad na tinalikuran ito pero wala sa sarili niyang hinigit si Anya. Naiwan naman si Rhia doon na wala ng mukhang ihaharap sa lahat.
"Hey! What the?! Let go! Ano ba?" pagmamataktol ni Anya habang patuloy lang si Myrko sa pagkaladkad sa kanya palabas ng hall. Nahihirapan siya sa paglakad dahil bukod sa bilis ng lakad ni Myrko ay naka-killer heels pa siya.
"Shut up! Just....just shut up." bahagyang nilingon ni Myrko si Anya. Sa paglingon nito ay nakita ni Anya ang mukha nito na puno ng lungkot, napatahimik ulit si Anya dahil dito. Hindi naman siya ganun kasama kahit pano, may natitira pa rin naman siyang awa at ngayon ito ang nararamdaman niya para kay Myrko.
Nanalo siya. Her plan was a success. She should be celebrating by now pero may parte sa kanya na nararamdaman din ang sakit na nararamdaman ni Myrko. And she knows its because of her past.
________________________
~loveless note: yehbah! Nakapag-UD din sa wakas haha. Ilang days na-stuck sa utak ko to ah XD ayan pambawi sa ilang days na di nakapag-UD si author. Nitamad kasi hoho. Hindi pa dito natatapos ang mga REVELATIONS nako! Baka next UD ma-reveal na rin ang mystery behind Anya's bitchyness..yun yung iniisip ko XD BAlak ko nang ilantad ang PAST ni Anya so abangan mwahahaha .
COMMENT
VOTE
BE A FAN
xoxo
loveless_lunatic
BINABASA MO ANG
The Bitch's Tale [UNDER CONSTRUCTION]
Teen FictionATTTENTION: Not an R18 story, just plain LOVE STORY! Watch how PAIN can change a person into a BITCH and how LOVE can put the SWEET PRINCESS back.