Chapter 6 *Hey! We Meet Again...Part II*

70 4 0
                                    

{Chapter 6 | Hey! We Meet Again...Part II}

"It's hard to forget the person who gave you so much to remember."

Yan ang motto ng mga taong sawi at hindi pa rin maka-move on sa nakaraan nila. Tama naman kasi diba?

Masarap balikan ang mga masasayang alaala...

pero masakit...

Kasi, you know, at the back of your mind...

Alaala na lang sila.

Alaalang hindi na mauulit pa.

 Kahit anong pilit mo.

ANYA'S POV

"Young Lady, gumawa na naman po kayo ng scene and may mga media na naman pong nakakuha ng scoop. Baka po makarating ito kay Madam." Mr. William na worried na naman ang mukha.

"Alam mo na ang gagawin Mr. William. Bayaran mo ang mga dapat bayaran nang matahimik. 50 thousand should be enough for their silence. Don't worry I can handle my mom if ever..." sabi ko at binigyan ko siya ng assuring smile.

Pagkatapos ng eksena ay dumeretso na lang ako sa school.

... 

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako sa GHL U. 

Sa mall na rin ako nag-lunch. Buti nga't bago ko pa makita yung stupid slut eh nakakain na ako at hindi ako nawalan ng gana. 

"Young Lady, anong oras po namin kayo susunduin?" tanong ng driver ko. 

"Tatawag na lang ako sa inyo." ako 

"Sige po. Goodbye Young Lady." driver at saka nag-bow. 

Dumeretso na ako sa building namin and as usual, lahat ng mga mata ay nakatingin na naman sa akin. Lahat ng estudyanteng madadaanan ko, umaalis sa daan at tumatabi. 

For three years nasanay akong ganyan sila...mailap at takot sa akin. Psh! Alam kong I'm a Bitch pero hindi naman ako nangangain ng buhay. =______= 

Pagkarating ko ng room....nagmistulang mga kiti-kiti yung mga nasa loob na mga ka-blockmates ko. 

Wala pa yung Prof namin pero pag ako na ang dumating....lahat sila daig pa ang nasa PMA na naka-attention at nag-hihintay ng orders para kumilos. Psh! =______= 

"Okay. Goodmorning." sabi ng Prof namin na kararating lang.

Psh! Sa wakas! Dumating na yung prof 'cause I'm starting to get bored. Kung hindi ko lang gusto ang ginagawa ko hindi talaga ako aattend sa klase ng matandang professor na to.

Well, two-year course lang naman ito kaya konti na lang ang titiisin ko tutal ito na ang last year ko dito. Balak kong kumuha pa ng ibang course pagtapos nito. I'm thinking Buisness Management, gusto ko in the near future na mag-tayo ng sarili kong resto.

Tsk. Ang daldal ko na. Boring kasi tong matandang to. =______=

"Goodmorning Mrs. Serano." bati nila except me. 

"First of all, I have an announcement. I know you're all aware of the Annual Competition of the different School of Elites here in the Philippines and that would be a big event dahil this is the 25th year na gaganapin ang event at bukod dun, kung tayo ulit ang mananalo sa ika-sampung pagkakataon ay maitatanghal na tayong Hall of Famer for winning a decade." Prof 

"Just tell us what's this all about. Alam na namin yang Annual competition. Just get straight to the point." ako with a bored look. Psh! Ang dami pang sinasabi! 

The Bitch's Tale [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon