Chapter 4

77 9 3
                                    

~Unknown Feeling~

Maaga ako nagising kaya eto ako, kumakain ng breakfast. Nagtext naman sakin si Trace na pupunta daw siya dito. Alangan namang pigilan ko pa, eh kapitbahay lang namin yun. Tapos, exclusive village kasi yung tinitirhan namin kaya mayayaman lang yung nakakatira dito. Wala eh! Mayaman kami. *smirk*

"Goodmorning Panget! Pwedeng pumasok?"

"Hindi. Bawal ang panget dito."

"Eh bakit nandito ka?"- sarcastic niyang sabi kaya binato ko siya ng orange.

"Aw! Grabe ka naman panget!"- tapos lumapit siya sakin at ibinalik ung orange sa lalagyanan ng prutas.

"Pakain!"- sabi niya tapos upo sa harap ko.

"Aywan!"- sabi ko kaya tumawa siya ng bahagya.

"Oo nga pala panget. Last practice na natin ngayon. Galingan mo ha?"

Nagpunas ako ng table napkin sa bibig,"Matagal na akong magaling Panget."

Tapos nagtawanan kami. Nagkwentuhan lang kami about sa practice, ung mga songs at ung mga chords. Tapos paminsan minsan, kumukuha siya ng kutsara at kakain sa bowl ng koko crunch ko.

"Oi Panget!"

"Hmm?"

Tapos pinunasan niya ung gilid ng bibig ko kaya medyo parang may kakaiba na naman akong nararamdaman. Eto na naman! Ano ba kasing nangyayari sakin?? Hindi ako masyadong makahinga. Sumisikip ang dibdib ko.

"Ui Panget, para kang bata! Hahah----H-hoy.. A-anong nangyaya-ri sayo?"

Tumayo ako at dumiretso sa ref para uminom ng tubig. Bakit ba ganito? Anong nangyayari sakin? Hindi kaya namana ko ang heart attack na meron si Papa? Naku. Please wag naman sana. Marami pa akong pangarap sa buhay ko.

"Panget, anong nangyari sayo?"

I smiled sadly,"Wala.. uhm.. Nabulunan lang ako. Ha-ha-ha. Tara na."

"Oh Moira, Trace. Aalis na ba kayo?"

Kinuha na ni Trace ung bag niya,"Yes Tita. Last practice na po kasi namin ngayon sa band eh."

"Ah ganun ba? Osha. Take care ha! Wag magpapatuyo ng pawis Moira ha!"

Naparoll eyes ako at kinuha na ung bag ko at isinukbit sa balikat ko at dahil wala akong balak magsalita ay si Trace na yung nagsalita.

"Ako na pong bahala sa kanya Tita. Sige po, una na kami."

"Oh sige.. Bye."

"Bye po!"

Lumabas na kami at dumiretso naman ako sa kotse ni Trace. Hawak ko pa rin yung dibdib ko. Hoy! Hindi yung b**bs ha! Ung chest na nga lang! Sheez. Nakalimutan kong magtanong kay Mama tungkol sa sakit ni Papa. Sana hindi namamana. :(

Sumandal muna si Trace sa may hood ng kotse,"Ui. Pa-check up tayo mamaya."

"H-ha? Pinagsasabi mo? Wala lang to nuh."

"-_- Panget, kanina ka pa kasi nakahawak sa dibdib mo eh. *sabay tingin dun*"

Hinampas ko naman siya,"Hoy! Iba na ata ung tinitignan mo ha! Bwst ka!"

Tapos sumakay na siya sa kotse,"Hoy! Feeler ka panget ha! Hindi kaya un!"

"Eh pano mo nasabi na yun ung tinutukoy ko?"- pangungulit ko habang nagsusuot ng seat belt.

Tapos napaiwas siya ng tingin,"H-ha? Hoy Lara ha! Kung anu-anong iniisip mo.Daldal mo talaga!"

Sinapak ko naman siya ng mahina,"Tara na nga! Dami mong satsat. Late na tayo oh! 6:45 na."- then he started the engine.

Love or Infatuation? [LaRace]Where stories live. Discover now