Chapter 9

39 5 1
                                    

~Totally hate Her~

Natapos ang semestrial break namin ng walang nangyari. Sobrang bitin! Nakakainis. Ang boring din sa bahay kasi puro palaging brownout tuwing gabi. Eh! Yun na nga lang yung time ko para makapag-internet eh. Badtrip! Kaya ito, Monday na naman ulit. Kung tatanungin niyo kung anong nangyari nung time na iniwan ko si Trace sa Lib ay ito ang nangyari.

Flashback

O_O PISTINGKIRITKIRITPETCHAYMALUNGGAY!!!! Mag-iisang oras akong nakipagkwentuhan! Waah!

"W-wait! Trace huy!"- hinabol ko siya papasok ng library.

"Sssh...."

Fudge! Napa-punas naman ako ng mukha ko. Talsik laway oh! Bwst! Hala! Iniwan na ako ng Panget na un!!

"Trace! Hui wait!!!!!"- hinabol ko siya palabas ng gate.

"Hoy! Trace!"- tapos hindi ko na kinaya pa kasi nahihirapan na akong huminga. Nagpahinga muna ako saglit.

"Tra----"- napahinto ako sa pagtawag sa kanya kasi nakita kong kausap niya pala si Beyonce. Psh. Hindi talaga ako comfortable sa kanya. There's something sa kanya na ayaw ko eh. I just can't figure it out. At dahil sa wala akong hiya, nilapitan ko silang dalawa na pahawak hawak pa ng kamay. Psh. Lame.

"Eh? Sige na Trace, hatid mo na ako."

O_o Ano daw?! Aba! at siya pa tong nagiinsist na ihatid siya! Boo! Hindi ka Maria Clara! Boo! Huminto muna ako saglit para mapakinggan ang paguusapan nila.

"Eh. Ngayon na ba, Vian? Gagawa pa kasi kami ni Lara ng project namin eh. Anytime nandito na yun."

"I don't care! Ihatid mo na ako please! please!"

Pushang tipaklong oh! Masyadong argh! Tumingin muna ako sa paligid. Baka kasi may makakita saki--- Si Kyle ba yun? Wait. Saan siya nakatingi-- Oh. Tsk! Kaya pala gustong magpahatid kay Trace kasi pinapaselos si Kyle. At dahil sa may pagka-baliw ako, eh pinuntahan ko nalang si Kyle.

"Pst. Tinitignan mo?"- I asked kahit alam ko kung sino ang tinitignan niya.

"Ha? Ah wala. Uuwi ka na ba?"- ooh.. Iniiwasan niya yung question. So he's into her pa pala. Oh well, I'm not affected. Crush ko lang siya ibigsabihin, my feelings are just some sort of infatuation.

"Ah oo."

End of Flashback

Ayun, nagtext siya sakin kanina na after class nalang daw kami magawa ng project. I'm not mad at him. Haha. Lol.

------*

"Ok. Class dismissed."- yes! After 1 and half hour natapos na ang super boring na Filipino subject. Hindi naman sa boring, hindi lang talaga pumapasok sa isip ko ung mga sinasabi niya. Antok ako eh, anong oras na kami nakauwi galing horror tunnel kagabi. Haha! Happy Halloween pala.. :) Mayroon nga dung mga gwapong lalaki eh, mga sampu ata yun tapos may kasama silang girl. Ang ganda nga nung babae and she's so lucky kasi ang tawag sa kanya princess. Tapos, habang nasa pila naman, may nagasigaw doon ng "Paolo! Maylabs! Ang gwapo mo!". Paulit ulit nga eh. Tapos mukhang chick magnet pa yung lalaki pero gwapo naman. Anyway, kasama ko diyan ang mga kabanda ko. Mayroon pa ngang part na may nakabungguan si Blue at Grey and surprisingly, kambal din and their names are Liro at Greg.

Well, back to present. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ngayon kasi didiretso na daw kami ni Trace sa bahay nila.

"Dalian mo, Panget. Sa labas lang ako."- sabi niya at lumabas na. Makapagsabi naman ng 'labas lang ako' parang nagbibihis ako ah! Peeesh. Pagkatapos ko ay isinukbit ko na ang bagpack ko sa aking mga balikat at lalabas na sana nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Love or Infatuation? [LaRace]Where stories live. Discover now