~First Fight~
Moira's POV
"Romero, Perez, Blancio, Salvador at Enriquez in my office now. Class dismissed."
Pagkasabi nun ni Sir Moreno ay tumayo na agad si Trace at lumabas agad. Tss. Sige lang! Kanina pa siya sa klase at hindi man lang ako pinapansin. Hello! Ako nga dapat ang gumagawa nun sa kanya! Tuloy, nawalan ako ng gana kumain. Ok lang sana kung isa lang siya pero hindi eh! Ang saya saya nila. Tin-reat niya pa ata ung girl. Pero kapag kami ang magkasama, ako lagi ang nag-lilibre sa amin. Pasalamat siya, one thou ang allowance ko kada araw. Peste! Isinukbit ko na ung bag ko sa balilt ko. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Phoenix Kyle kasama ang barkada niya na kasama rin ata sa bandang The Fierce Stream.
"Angele!"
Ngee! Mukha ba akong anghel? Siguro oo.. Anghel na pinabagsak sa lupa dahil sa katigasan ng ulo. Haha.
"Oh, Phoenix."- tapos nagpaalam muna siya sa mga kasama niya kaya kami nalang naiwan dito.
"Uwi ka na?"
I smiled,"Hindi pa. Ikaw?"
"Hindi pa rin. Mall tayo?"
Waah! Is he asking me on a date? Bopols! Sa mall lang date agad?
"Sur---"
"Ah dude. Hindi siya makakasama sayo. Next time nalang pare."
Napalingon ako kay Trace na bigla nalang nahihila.
"T-trace! Bi-tawan mo nga ako!"
"Sige Angele. Maybe next time. Bye."
"P-pero!"
Tapos hinila ako ni Trace palabas ng gate.
"Trace ano ba! Ang bastos mo! Naguusap kami nung tao eh!"
"I don't fckn' care, Lara! Get inside!"
"B-bakit ba?"- natatakot na ako. Ang dami nang nakakakita samin.
"Just get inside!"
Kaya no choice ako kaya pumasok na ako. Nakakatakot ung itsura ni Trace. Ano bang nangyari at nagkaganito to? Basted? Nagdrive lang siya at hindi ko manlang alam kung saan kami pupunta. Ayoko na magsalita. First time kong makitang ganito si Trace eh. Pero, lalakasan ko ang loob ko na magtanong.
*inhale, exhale*
"San tay----"
"Hindi ko alam."
Ha? Alam niya na agad ung sasabihin ko? Imba. Tapos maya maya'y hininto niya na ung kotse sa gilid pero hindi siya lumalabas.
"Ba't hindi ka kumain kanina?"
O-m-g Don't tell me ito ang ikinagagalit niya?
"Kumain kaya ako!"- palusot ko pero binigyan niya ako ng death glare kaya napalunok ako.
"Don't lie to me Lara! Imbes na kumain ka kanina, inuna mo pa ung paglalandi mo! Ibinilin ka sakin ng Mama mo! Kaya dapat kumain ka!"
Ano daw? Ako nakikipaglandian? Nakita niya ako na kasama si Kyle?
"Ako? Ako pa ngayon ang nakikipaglandian ha? Sino kaya satin ang may pa alalay alay pa sa pagupo at patreat treat pang nalalaman? Ha? Ako pa ba? Hindi mo ba alam na nakakadisappoint ung ginawa mo? Akala ko may malaking rason kung bakit hindi ka sumabay sakin. Yun pala, ipagpapaliban mo ung dapat na lunch nating dalawa para lang makalunch mo yung babae mo!"
Napahawak siya sa manibela at tumingin sakin,"Lara hindi mo ba naiintindihan? Halos araw araw na tayong magkasama! Hatid sundo magkasama tayo! Lunch lang sa iba ipagdadamot mo pa sakin? Lara hindi sa lahat ng oras magkasama tayong dalawa! Bigyan mo naman ako ng kahit na kunting oras para sa iba hindi puro ikaw at ako lagi! Sanayin mo naman ang sarili mo nang wala ako pwede?"
Hindi ko inaasahang sasabihin niya ito sakin. Tumulo ang luha ko. Hindi lang isa. May sumunod, sunod, sunod, sunod at sumunod pa.
"Fine! If that's what you want! You wanna know the reason kung bakit hindi ako kumain? Coz I saw you! and worse with that girl! Nawalan ako ng gana kumain! Naiinis ako! Hindi ko kasi kaya na kahit isang oras wala ka sa tabi ko! Hindi ko kaya na makitang may kasama kang iba kasi nasanay ako! Nasanay ako na ako ang laging nagpapasaya sayo! Nasanay ako na ako at ikaw ang laging magkasama! Nasanay ako na ako ang palaging nanlilibre sayo! Kaya pala, kaya pala nagmamadali ka kanina dahil may kadate ka! Oo na! I have no right para itali ka sakin! I'm just your bestfriend diba? Mas pipiliin mong sa kanya ka kesa sakin!" - I face nalang yung window para dun umiyak. Ayoko kasing sa harap niya.
"I-uwi mo na ako Trace. Pagod na ako."- tapos nag-buntong hininga siya bago niya paandarin ang kotse.
Oo na! Nagseselos ako! May karapatan namang magselos ang isang bestfriend na katulad ko diba?
Humihikbi pa rin ako at paminsa'y tumutulo pa rin ang luha pero sa bintana pa rin ako nakaharap. Nang mapansin kong nasa village na kami ay isinukbit ko na ung bag ko sa balikat ko at bababa na sana nang magsalita ung katabi ko.
"Lara, sana maintindihan mo. Nakakainit rin kasi ng ulo eh!"
"As you've said, sasanayin ko ang sarili kong wala ka sa tabi ko. And I'm sorry kung nagseselos ako sa babae mo. Nasanay kasi ako!"- sarkastic kong sabi at bumaba na ng kotse. Nakakainit pala ng ulo edi palamigin mo! Bwst. Tumakbo na ako papasok ng gate at pinunasan muna ang mukha ko bago pumasok sa loob.
"I'm home----Ma, bakit?"
"Si Silver, nasa ospital.."
"A-ano?"
--------*
"Doc, how's my daughter?"- nag-aalalang tanong ni Mama. Lumapit naman kaming dalawa ni Gold.
"She's now okay. Inatake lang siya ng asthma. Buti nalang at naisugod siya agad dito."
Napatingin ako kay Mama. May asthma si Silver? Bakit hindi ko alam?
"Salamat po Doc."
"Sumama po muna kayo sakin para sa inhaler at mga gamot ng bata."
Sumama na si Mama kay Doctora Legaspi. Naupo muna kami ni Gold sa may bench malapit sa kwarto ni Silver.
"May asthma pala si Silver. Bakit hindi ko alam?"
Nag-shrug si Gold,"Ate, tuwing gabi madalas inaatake si Silver tapos si Mama ung nagpapatahan sa kanya. I thought alam mo."- malungkot na sabi niya.
"Hindi ko alam Gold. Ngayon ko lang nalaman."
"Anak, pwede na daw tayong pumasok sa loob."- sabi ni Mama kaya tumango nalang kami at pumasok na sa loob.
Grabe! Ang lungkot naman ng araw ko..:( Nagaway kami ni Trace and this is the very first fight na seryoso at hindi kami nagkabati. Tapos, inatake si Silver ng asthma.
Haay. Ang problema, hindi yan natatapos sa isa, madami yan kapag nilista.
YOU ARE READING
Love or Infatuation? [LaRace]
Teen FictionKanya-kanya sila ng nararamdaman. Hindi nila maipaliwanag kung ano yun. Siguro nga baliw na sila. Pero sino nga bang mas baliw? Ang may pakiramdam na love or infatuation?