TEKA LANG? IBIG SABIHIN? NANDITO AKO SA SINAUNANG PANAHON? PANO TO NANGYARI? NO! IT'S A NIGHTMARE!
"Maria? Halika ka na! Baka makita ka ng mga kalaban!" Sigaw pa ng isang babae na nasa damuhan.
"Sino ka? Don't touch me!" Sabi ko sa babae. At sabay takbo papalayo. Nakatingin lang sakin yung babaeng nang-aalok sakin ng tulong, pero di ko nalang pinansin. Habang papalayo ako sa kanila, biglang may humampas sa ulo ko na agad akong napahiga at nahilo. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na may bumubuhat sa akin, pero di ko alam kung sino kasi nakapikit ang mga mata ko.
Ilang saglit pa ang lumipas, nagising ako at laking gulat ko na nasa madilim na kwarto ako. Amoy na amoy ang paligid na ang luma, amoy bato at mga lumang libro. Maya-maya pa ay may narinig akong boses ng babaeng nag-uusap papalapit sakin. Agad akong nagtulug-tulugan katulad ng ginagawa ko kina Mom at Dad kapag may nagawa akong kasalanan.
"Teresa? Mabuti nalang at may naligtas tayong isang dalaga" Ahh! Teresa pangalan nung isa...
"Oo nga Maria, kung hindi natin siya naligtas, baka ngayon ay pinapahirapan na siya ng mga kalaban" Ano? Pinapahirapan? Kalaban? Di ko maintindihan!
May natanaw akong konting ilaw na galing sa isang lalagyan at ito ay papalapit sa akin. Nilapag nila ang kanilang ilaw at kumuha sila ng panyo na pinigaan sa tubig. Ilang sandali pa ay nagkunwari akong nagising habang ginagamot nila sugat ko kahit na kanina pa naman ako gising
"Ouch! Becareful naman!" Nakatulala sila sakin habang hawak ang basang panyo.
"Binibini? Saan mo nakuha yang lengwahe mo? " Gulat na gulat sila sa sinabi ko. Oo nga pala sabi ng Prof namin, kung di ako nagkakamali, di pa nila alam ang salitang Ingles kasi nasa loob pa sila ng pananakop ng mga Espanyol. Ang pagkakatanda ko pa ay nagsimulang sakupin ng mga kastila ang pilipinas sa napakatagal na panahon, at ang panahon na iyon ay 1521! Teka! Nandito nga ba ako sa sinaunang panahon? Pero bakit? Pano?
"Ako na ang bahala diyan at asikasuhin nyo nalang ang kaniyang kakainin" Sabi ng isang babaeng naka pang madre. Agad sumunod yung dalawang babaeng na naka barong at saya. Pagkalabas ng dalawang babae, lumapit naman sakin yung madre.
"Sofia? Nakabalik kana! Pero bakit? Akala ko ay sa ika-4 na buwan pa ang pagbabalik mo?" Anong ika-4? Anong pinagsasabi mo? Baliw kaba?
Wait?
KILALA NYA AKO?
"What?! Bakit mo ako kilala?" Sagot ko naman sa madre. Kung kilala nya ako ibig sabihin alam nya rin na nakatira ako sa kasalukuyan at matutulungan nya ako makabalik.
"Ayos ka lang? Hindi ito magandang biro Sofia. Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna. Bukas nalang kita kakausapin dahil alam kong napagod ka sa iyong misyon" Anong misyon? Di ko na alam ang nangyayari! Ahhhh!
At iniwan na akong mag-isa dito sa madilim at malamig na kwarto na ito. Infairness ah! kahit ganito dito, komportable ako dahil malambot ang higaan katulad ng higaan ko, pero ang pagkakaiba parang balahibo ang laman nito. Hindi ko lang maintindihan, bakit kilala ako nung matanda? At ano yung misyon na pinagsasabi nya? Kanina nasa kwarto lang ako tapos dumating si Mom, pero sinermunan nya ako tungkol dun sa Libro. Baka panaginip lang to! Pero hindi eh, kasi naramdaman ko yung pagdampi panyo sa sugat ko kanina eh...
Wait...
Oo tama! Yung Libro! Yun yung puno't dulo ng lahat kung bakit ako nandito. Kailangan kong alamin kung bakit ako nandito at kung pano ako makakaalis. Wait lang, nasan yung cellphone ko? Bigla kong naalala na wala pa palang gadgets dito sa sinaunang panahon. Ang daya naman!
Kinabukasan. Nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas. Agad akong bumangon at sumilip sa maliit na butas dito sa pader.
"Pano na? Ano nang gagawin natin ngayon pinuno?" Sabi ng isang matandang lalaki, puti ang buhok at medyo mahaba ang balbas at naka suot sya ng pang-magsasaka.
BINABASA MO ANG
Im Always With You (On Hold)
Historical FictionMeet Sofia Dela Peña, ang Maliciously spoiled na bitter sa pag ibig. pero nabago ang lahat ng ito ng napunta sya sa isang libro. Ang Libro sa taon ng nakaraan. Pero meron isang binata doon na napagpabago ng kanyang buhay. Walang iba kun'di si Jasin...