"Sofia? Tulungan mo ako"
"Sofia? Tulungan mo ako"
"M-Mom?!?"
"Sofia? Tulungan m..."
"Mom!? Saglit! Papunta na ko diyan!"
"Sofia? Tu..."
"Wait Mom!"
"Sof..."
"Mommmmm!"
"Gising na siya!" Narinig kong sabi ni Serya habang naka-hawak sa aking kamay. Bigla namang pumasok si Madam Emelda, Maria at Teresa.
"Hindi naman masyadong malalim ang tama ng bala sa kaniyang balikat at kung lumala pa ito, maaaring umabot ito hanggang sa kaniyang buto" Pag-aalalang sabi ni Madam Emelda. Napatingin naman ako sa aking balikat at nakabalot ng puting tela na may dahon ng bayabas. Hindi ko maramdaman ang aking kanang kamay dahil sa sugat na natamo ko. Ano bang nangyari?
"Mabuti't dumating agad si ginoong Jasinto at agad nadala dito si Sofia." Sabi naman ni Serya. Wait? Siya ba yung nagligtas sa akin?
"Nasaan si Jasinto?" Sabi ni Madam Emelda. Agad namula ang buong mukha ni Serya ng banggitin ang pangalan ni Jasinto. Ngayon alam ko na may gusto si Serya kay Jasinto. Hmmm...
"Serya? Hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Jasinto na nagligtas sa akin. Pwede bang ikaw nalang ang magsabi sa kanya?" Pagloko kong sabi kay Serya. Halos matawa naman ako ng makita ko ang mukha niya na parang kamatis na sa sobrang pula. Dagdag pa rito ang kanyang kaputian, kaya hindi ikaka-ila na kinikilig siya. Ang Landi!
Lumabas na silang dalawa at naiwan kami dito nina Maria at Teresa. Napansin ko ang kanilang mukha na parang confuse sa akin. Oo nga pala! Di ko nasagot ang kanilang tanong kanina kaya ganyan na lamang sila makatingin sa akin. Lumapit sila at binigay ang kanilang dala na saging at ubas.
"Maraming salamat sa in..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang magsalita si Teresa sa akin.
"Hindi mo na kailangang magpasalamat Sofia.. Ginagawa lang namin ang aming trabaho." Sabay alis. Galit ba sila sa akin? Ano bang ginawa kong kasalanan?
Ilang sandali pa ay may biglang pumasok na isang lalaking naka-puti at black pants sa kwarto ko. Agad akong napatingin sa mukha niya at nagulat ako ng...
"IKAW!?"
Pasigaw kong sabi at agad naman siyang yumuko at nag-umpisang magsalita.
"Alam kong hindi dapat ako nandito dahil sa ginawa ko, pero nais ko lamang ulit humingi ng tawad." Pagpapakumbaba niyang sabi. Bigla siyang lumapit sa akin at may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Nilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa sa tabi ko at sinabi ang katagang...
"Deseo que me perdones (I wish you will forgive me)" Pabulong niyang sabi. Kahit di ko maintindihan ang kaniyang sinasabi, bakas sa mukha niya na labis ang kalungkutan. Pero bakit siya humingi ng tawad? Whattt!? Oo nga pala! Nabunggo ko nga pala siya noong papunta ako ng cr. Siguradong nakita niya ang hita ko o kaya naman nahawakan niya, kasi kung hindi niya nagawa yun, hindi naman siya mag re-react ng ganyan sa akin eh.
Hindi ko namalayan na naka-alis na pala siya sa kakaisip ko. Aaahh! Di ko manlang natanong ang kaniyang pangalan! Sana sinabi ko narin na pinapatawad ko na siya! Boploks mo naman Sofia!
Nakatingin ako sa bintana at pinagmamasdan ko ang makulimlim na langit. Amoy na amoy ko ang malamig at sariwang hangin habang tumatama ito sa aking mukha. Hindi ko lubos maisip na nandito ako sa panahong ito na di kasama ang sarili kong pamilya. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito, siguro kapalaran na ang nag-plano sa aking kapalaran...
BINABASA MO ANG
Im Always With You (On Hold)
Historical FictionMeet Sofia Dela Peña, ang Maliciously spoiled na bitter sa pag ibig. pero nabago ang lahat ng ito ng napunta sya sa isang libro. Ang Libro sa taon ng nakaraan. Pero meron isang binata doon na napagpabago ng kanyang buhay. Walang iba kun'di si Jasin...