Chapter 15

1.2K 39 2
                                    

Nathalie's PoV

Dumaing ako ng kumirot ang likod ko. Mga ilang beses na latigo ang aking natamo dahil sa kalupitan ang dimonyong Lalaine. Pagkagising ko lang kanina ay yun na ang ginawa. Mga latigong kasabay ang mga hinanakit nya sa akin mula noong nakaraan hanggang kasalukuyan. 

Napapikit ako ng maalala ang mga panaginip ko. Unti unti ng numabalik ang mga alaalang nagdaan na matagal na nawala mula sa akin. Pero mga alaalang tungkol kay Zero  ay hindi pa bunabalik.

Kung kanina ay nakahiga ako.  Ngayon ay nakaluhod ako habang ang dalawa kong kamay ay nakataas

Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. "Oh? Gising ka na?" nakangising sabi ni Lalaine. Lumapit ito sa akin habang dala dala ang latigo. Pagkalapit nya ay umupo sya sa harap ko.  "Ano kaya pa? " sabi nya at tumawa.

Hindi ako sumagot sa kanya. Pailing iling syang tumayo at paikoy ikot nyang hinahampas ang lativong hawak. Napasigaw na lamang ako ng ihampas nya sa akin ang latigo.

"Ahhhh!" sigaw ko ulit ng hinampas nya ang latigo sa aking likod.

"Bakit ka pa kasi bumalik!?" asik nya sa akin. Napapikit ako ng hinampas nya pa ang latigo.  "May dala ka pang bagahe huh?" napatigil sa paglalatigo S akin si Lalaine ng biglang bumukas ang pinto.

Isang lalaki ang nagmamadaling pumasok. "Laine!" sigaw nito.

"Ano!?" inis na sigaw nya pabalik.

"May mga pulis sa labas!"

"Ano!?" gulat na sigaw nya ulit. Hinapas nya ulit ang latigo na nagpasigaw sa akin.  "Busit! Maghanda kayo!" umupo sya sa harapan ko at hinawakan ang panga ko.  "Anong akala mo, maililigtas ka nila?" pailing iling syang ngumisi.  "Hindi." sabi nya at tumawa sya ng mala demonyo bago tumayo at lumabas ng kwartong kinalalagyan ko.

Nanghihina na ako pero kaylangan kong magpatatag.  Lalo na't may mga magliligtas na sa akin. Napapikit ako ng may mga narinig ako ng mga putok ng baril at bomba. Anong na ang nangyayari sa labas? Si Zero,  nandoon din ba sya?

Nakatingin lang ako sa pinto ng bumukas yun. Ang akala ko ay may magliligtas  na sa akin ngahon ngunit si Lalaine iyon at ang lalaki kanina.  Lumapit ang lalaki at kinalagan ako sa kamay at paa. Hindi ako nakapaglaban dahil sa paghihina kaya ng nakalag ako na itali nya ulit ang kamay ko na magkasama. Lumapit si Lalaine at hinablot ang buhok ko.

"Anong akala mo. May magliligtas sayo? Magkamatayan muna bago mangyari yun!" sabi nya at hinila ako patayo. Nanghihina akong tumayo. "Tara! Lakad!"

Kahit na nginginig ang mga tuhod ko pinilit kong maglakad. Pero bumigay ang mga tuhod ko.

"Walang kwenta! Bagal bagal!" sabi nya at pabagsak na binitawan ang buhok kong hawak nya kanina na muntik ng ikinasubsob ko kung hindi lang ako napahawak sa lapag. "Buhatin mo nga yang babaeng yan! Mabilis pa ang paggong sa kanya! Baka maabutan tayo ng dahil sa kanya!" utos nya na sinunod naman ng lalaki.

Nang makalabas kami ng lumang building isinakay ako sa passenger sit ng isang black na vios. Sumakay na rin si Lalaine.

"Ikaw na ang bahala! " sabi ni Lalaine sa lalaki.

"Bella!!!!!" Napatingin ako sa harap ng makita ko si Zero  na may hawak na baril. Nanlaki ang mata ko ng makita kong humugot ng baril ang lalaki kanina at pinaputukan si Zero. Hindi ko na nakita ang nangyari pa nang pinaharurot ni Lalaine ang sasakyan palayo sa lugar na yun.

Napatingin ako sa likod ng may police car na humahabol sa amin. Umahon ang pagasa sa akin sa nakikita. Ngunit nauntog ako sa headboard ng sapukin ako ng malakas ni Lalaine.

PAN 2: Finding my Love (The Forgotten Memories) √Where stories live. Discover now