Chapter 14

1K 31 7
                                    


Nathalie's PoV

Hindi ako makapakali ngayon. Hindi ko alam kung kailan ako makakachempong umalis sa bahay na ito para puntahan ang lugar na sinabi ng tumawag. Buti nalang at walang oras na binigay na palugit pero iyon lang pala ay pagkakamali.

Unknown

You must be here in 10 pm.

Napatingin ako sa oras ng cellphone ko. 7 pm tatlong oras nalang ang natitira. Nagbugtong hininga ako.

"Kaylangan nating magingat ngayon." Napatingin ako kay Zero ng magsalita sya na nakatingin din sa akin. Nasa sala kami ngayon. "May mga masasamang tao na magpapanggap na nasa kanila ang nawawalang tao, kahit wala naman. Baka maghingi ang mga ito ng malaking halaga para sa kapalit. Kaya, magingat tayo sa mga nagtetext o tumatawag." Mahabang pahayag nya na sinangayunan naman ng iba. Ako lang ba? O guni guni ko lang na parang para sa akin ang sinabi nyang yon?

Napaisip ako sa tumawag sa akin kanina. Nagpapanggap lamang ba sya? Pero kung hindi ko siputin at nasa kanya si Zyre, naka ano pang gawin sa kanya. Kaya mas maganda na ang sigurado kaysa magsisi sa huli.

Nasa kwarto ako ngayon at hinihintay na matulog ang mga tao para makaalis. Ilang minuto at oras pa ang lumipas...

9 pm.

Lumabas ako na ako ng kwarto at bumaba. Lalabas na sana ako ng bahay ng may magsalita sa likod ko.

"Saan ka pupunta?" Napatingin ako kay Zero na kagagalaling lang sa kusina ng bahay namin.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" Balik Tanong ko sa kanya at hindi sinagot ang tanong nya. Akala ko umuwi sya kanina pa. Hindi ko akalaing nandito pa sya sa mga oras na to.

"Mayamaya na." Sagot nya sa akin. "Again. Saan ka pupunta? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nya ulit.

"S-Sa labas, magpapahangin lang. Hindi ako makatulog." Pagdadahilan ko sa kanya na sana umipekto. Lalabas na sana ako ng magsalita sya ulit.

God Zero! Huwag ka ng magsalita!

"Samahan na kita." Sabi nya at maglalakad na sana palabas ng pigilan ko sya. Nagtataka syang tumingin sa akin.

"Huwag na. Gusto kong m-mapagisa." pinalungkot kong sabi sa kanya.

"A-Ah sige, ikaw bahala." Tumango na lang ako at bagsak ang balikat akong lumabas ng bahay.

Nakahinga ako mg maluwag ng makalabas ako ng bahay. Buti nalang at hindi na nagpumulit pa si Zero. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa parking lot at sumakay sa sasakyan kong nakaparada. Tumingin muna ako sa bahay namin bago sumakay at pinaandar ito palayo at papunta sa lugar na pinagusapan namin ng tumawag kanina.

Habang papalapit ako sa lugar ay bumunugnos ang matinding kaba sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila kay Zyre. At sana okay lang sya kung nasaan man sya.

Hindi kaya trap lang to? Pero paano kung totoo? Paano kung nasa kanila talaga si Zyre? Kailangan ko na talagang pumunta don para malaman kung na sakanila ba talaga si Zyre.

Napatingin ako sa harap ng makita ang lumang building. Kumirot ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Pinagpalipas ko muna ito ng ilang oras bago ako lumabas ng sasakyan. Naglakad lakad ako ng konti. Tumingin ako sa cellphone ko. Sakto ng 9 pm. Nandito na Kaya sya? Linibot ko ang paningin ko pero wala akong makitang tao. Napatingin uli ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

"Hello?"

"Hindi ka tumupad sa usapan." Sabi nito bago pinatay ang tawag.

Nagtataka akong napatingin sa cellphone ko. Ano ang sinasabi nyang hindi ako tumupad sa usapan? Ano ang ibig nyang sabihin?

PAN 2: Finding my Love (The Forgotten Memories) √Where stories live. Discover now