Kabanata 11

4.9K 30 0
                                    

Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at si Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.

Kabanata 11: Mga Hari-Harian
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra, hindi siya ang kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kaniya. Sa kabila ng kabusilakan ng kaniyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.
Si Kapitan Tiago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag na Sakristan Tiago.
Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kaniyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Padre Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Padre Salvi ay ang Alpares at ang kaniyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kaniyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang alpares at Padre Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang alpares at Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique.

Noli Me Tangere Where stories live. Discover now