Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman nananakit ng kapwa. Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
![](https://img.wattpad.com/cover/197837916-288-k347824.jpg)