Kabanata L

1.4K 16 0
                                        

Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila. Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila. Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa. Nahatulan din siyang paluin. Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

Noli Me Tangere Where stories live. Discover now