Kabanata 1

20.2K 132 10
                                    

Kabanata I
Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.

Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Isang marangyang salusalo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na populár sa taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kaniyang bahay na nasa Kalye Anloague (na ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok.

Ang paayaya ay madalíng kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitán ay kilalá bílang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukás ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabíng iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan.

Punô ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng maybahay. Kabílang sa mga bisita sina tenyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lámang sa Pilipinas.

Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kaniyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.

Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kaniyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababà. Lumitaw rin sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso. Kung kaya’t iniba ni Padre Sibyla ang usapan.

Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng dalawampung taon bílang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.

Pero, ito ay tinutulan ng tenyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tenyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre Damaso.

Ito umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na laláki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lámang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral.

Kung kayâ inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bílang parusa. Nagpupuyos sa gálit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.

Iniwanan na ni tenyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre Sibyla na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso.

Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.

Noli Me Tangere Where stories live. Discover now