Kabanata XLVII

1.1K 7 0
                                    

Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo… Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikannaman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.

Noli Me Tangere Where stories live. Discover now