Chapter 2

48 5 0
                                    

ADDISON'S POV

"Sissy, can you do me a favor?" Allison asked all of a sudden with her eyes still fixed on the books and papers in front of her.

It's break time and we are the only persons left in the classroom. Lahat ng kaklase namin ay nasa cafeteria at kumakain na samantalang kami ay gumagawa ng activity namin. I mean si Allison lang pala ang gumagawa. Nanonood lang ako. Madali lang naman ang activity namin. Kaya na niya 'yon mag-isa.

"What favor?" tanong ko habang nakatuon pa rin sa kaniya at sa ginagawa niya ang buong atensiyon ko.

Nag-angat muna siya ng tingin bago sumagot.

"Pakuha naman ng book ko sa Ethics. Nakalimutan ko kasing kunin sa locker," she asked for a favor.

Sinagot ko na lang siya ng buntong-hininga bago ako tumayo mula sa pagkakaupo ko.

"Fine. Give me your keys," pagpayag ko at inilahad ang kamay ko sa harapan niya, waiting for her to hand me her keys.

Tinapunan lang niya ng tingin ang kamay kong nakalahad bago niya ako muling binalingan ng tingin.

"May duplicate ka, hindi ba?" takang tanong niya na ikinaikot ng mata ko.

Duh! Hihingin ko ba 'yong susi niya kung dala ko 'yong akin?

"I left mine at home," I said dryly.

"Nasa bag 'yong akin. Kunin mo na lang. Ikaw na ang bahalang maghanap. Basta nandiyan lang 'yon," sagot niya at bumalik na ulit sa ginagawa niya.

Haist! Pagkakalkalin pa ako ng mga gamit niya.

Sa halip na magreklamo ay tahimik ko na lamang na inabot ang bag niya na nasa tabi niya at sinimulang halungkatin ito. Medyo nahirapan pa akong maghanap ng susi dahil sa sobrang kalat at gulo ng mga gamit niya. Maraming crumpled paper ang nakasilid sa bag niya at mga balot ng junk foods. All in all, parang basurahan ang bag niya.

Nang mahanap ko na ang susi ng locker niya ay agad ko itong kinuha at ibinalik sa tabi niya ang bag niya.

"I found it. Alis lang ako saglit," paalam ko sa kaniya at akmang aalis na nang bigla siyang magsalita.

"Dalian mo. Ikaw ang tatapos nitong activity natin. Pagod na ako," she said without giving me a glance.

Tss. Sa pagtulong sa iba hindi napapagod. Kapag sariling activity, laging pagod.

Pumayag pa rin ako kahit wala naman talaga akong balak gawin ang activity namin. Alam ko rin namang siya pa rin ang tatapos ng activity namin. Sa aming dalawa kasi ay siya ang mas subsob sa pag-aaral kaya hindi na nakakapagtaka na nagtapos siya as valedictorian at ako naman ay salutatorian ng batch namin sa high school.

Iniwan ko na muna siya sa classroom at nagtungo na ako ng locker area para gawin ang ipinag-uutos niya.

Nang marating ko ang locker niya ay agad ko itong binuksan. Kaagad ko ring kinuha ang librong sinasabi niya. Isasara ko na sana ulit ito nang may mahagip ang mata ko na ikinasalubong ng kilay ko.

Kinuha ko ang bagay na nakaagaw ng pansin ko para masiguro kung tama nga ba ang hinala ko. And yes, it's a movie ticket indeed. A ticket for the movie entitled "Hello, love, goodbye."

"What's this? Who put it in here?" I asked myself.

Wala naman kasing hilig sa romance movie 'yong si Allison maliban na nga lang kung anime kaya imposibleng siya ang bumili nito. At kung bibili man 'yon, palaging dalawa para tig-isa kami. So what's with this ticket? Did someone left it here?

Wait. Is someone trying to hit on her again? May dadagdag na naman ba sa listahan ng mga lalaking na-busted niya?

As if on cue, my question was answered when someone talked from my side.

The Wicked Twins: Who's Who? (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon