Chapter 3

42 5 0
                                    

ALLISON'S POV

Naalimpungatan ako at nagising mula sa mahimbing kong pagtulog nang maramdaman ko ang marahang pag-alog sa akin ng katabi ko sa kama na walang iba kung hindi si Addison.

"Sissy, gising," panggigising niya sa akin sa antok pang boses.

"Hmm?" I just hummed in return to let her know that I'm still sleepy and it's too early to wake up.

"Gising. May lakad ka pa," muling panggigising niya sa akin.

Magtatalukbong pa sana ako ng kumot nang maunahan niya ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay ko at pilit na hinila paupo habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"What time is it?" antok na tanong ko na may kasama pang paghikab.

"It's quarter to seven," humihikab niyang sagot.

Kahit na inaantok pa rin ako at gusto ko pang bumalik sa pagtulog ay wala na akong nagawa kung hindi ang magmulat ng mga mata nang alugin ako ni Addison sa balikat. Sa pagkakataong ito ay malakas na ang pagkakaalog niya sa 'kin.

"Anong oras nga ulit ang usapan ninyo ni Bernard?" tanong ko sa kaniya.

Nawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Bernard kagabi gamit ang phone ni Addison. Matapos ko kasing gisahin si Addison at alamin ang lahat-lahat tungkol sa Bernard na 'yon ay nag-text pa ako sa lalaking 'yon para alamin kung anong oras at saan kami magkikita.

"Usapan namin? May I just remind you that you were the one who agreed to date him? So why ask me about your date when I'm not the one who's meeting him anyway? You are Addison today, remember?" she reminded me with every emphasis on the words she uttered.

Napaikot na lamang ako ng mga mata ko dahil sa sarkasmo sa boses niya. Tss. I'm doing this for her but here she is, treating me this way.

"Yeah, yeah. Whatever," I just muttered while rolling my eyes in so much irritation.

Haist! I should still be in bed right now. That Bernard will surely face hell for ruining my sleep.

Hindi na ako nagprotesta pa at walang imik na lamang akong bumaba ng kama at nagtungong banyo. Pero bago ako tuluyang pumasok sa nakabukas nang pinto ng banyo ay nilingon ko muna sa aking likuran si Addison para utusan.

"Prepare the clothes that I am going to wear. I want it simple... and oh! One more thing. Get some cookies for me downstairs. I want a breakfast in bed," malambing kong utos sa kaniya ng may ngiti sa mga labi ko. A triumphant smile.

"Hey! I'm not your servant!" she hissed at me which made me chuckle.

Ang pikon talaga ng isang 'to. Para naglalambing lang e. Saka minsan lang 'tong mangyari na pwede ko siyang mautusan dahil wala siyang pamimilian lalo pa't may gagawin pa ako kung saan siya rin naman ang mag-be-benefit kaya nilulubos-lubos ko na.

"But I'm your sissy. Do you want me to leave this house with an empty stomach? Do you want me to go to the man of your nightmares or you want to be on my place instead since it was you whom he really wanted to date to begin with?" nangongonsensyang tanong ko habang bahagya na akong nakanguso para mas madala siya sa acting ko.

I know her too well. She can't resist me. All I have to do is to be childish like what I usually do when no one is around aside from us.

"Fine! I'll get you something. Now, bath yourself," pagpayag din niya sa huli kaya muli akong napangiti.

"Yey! Thank you, sissy!" I squealed in delight.

"Tss!" she just hissed in return.

Napapailing na lamang akong pumasok ng banyo para maligo.

The Wicked Twins: Who's Who? (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon