EPILOGUE

62 6 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nang sandaling matapos ang klase nina Addison at Allison para sa araw na ito ay agad silang dumiretso ng parking lot. Naabutan nilang matiyagang naghihintay si Daniel habang nakasandal sa kaniyang kotse. Agad naman itong umayos ng tayo nang mapansin sila at mabilis silang pinagbuksan ng pinto at iginiya papasok.

Habang nasa biyahe patungo sa LyCan Restaurant ay hindi mapigilan ni Allison ang mapailing at maningkit ang kaniyang mga mata tuwing lilingon siya kay Daniel. Hindi kasi maalis ang ngisi nito at parang may kung anong binabalak. Para itong nasisiyahan sa hindi malamang dahilan. Samantala ay walang imik namang nagtitipa sa kaniyang cellphone si Addison at walang pakialam sa kaniyang paligid.

Nanatili na lamang tahimik si Allison at hindi na lang pinagtuunan ng pansin ang kakaibang ikinikilos ni Daniel.

Nang makababa sila ng kotse ay agad silang iginiya ni Daniel papasok ng nasabing restaurant. Pinili nito ang pang-apatang mesa na nasa pinakasulok.

Hindi pa man sila nakakaorder ay mabilis nang lumapit sa kanila ang dalawang waiter bitbit ang tig-iisang food tray na naglalaman ng mga paborito nilang pagkain at inumin. Maingat na inilapag ng dalawang waiter ang mga laman ng food tray at agad ding nagpaalam upang bumalik sa kanilang gawain.

Nang makaalis ang dalawang waiter ay binigyan ng magkapatid ng nagdududang tingin si Daniel.

"It seemed like you have prepared everything beforehand," wika ni Addison na ngayon ay namamangha nang nakatingin kay Daniel.

"Well, you can put it that way," kibit-balikat na sagot ni Daniel.

Walang imik na lamang na napailing si Allison. Nasa akto na si Allison ng pagkuha ng kutsara't tinidor na nasa kaniyang harapan upang kumain nang maramdaman niya ang pagsipa ni Addison sa kaniya mula sa ilalim ng mesa. Salubong ang kilay na binalingan ng tingin ni Allison ang kaniyang kakambal. Ngunit tiniyak niyang hindi ito mapapansin ni Daniel na ngayon ay abala sa paglalagay ng mga paborito niyang pagkain sa kaniyang plato.

Itinagilid ni Addison ang kaniyang ulo at pasimpleng itinuro ang daan patungong banyo sa pamamagitan ng paggalaw ng kaniyang mga mata. Agad namang naintindihan ni Allison ang nais iparating ni Addison kaya bahagya niyang tinanguan ang kaniyang kakambal bago binalingan ng tingin si Daniel.

"Dan, magbabanyo lang ako saglit," paalam ni Allison kay Daniel saka muling bumaling ng tingin kay Addison.

"Sissy, pwede mo ba akong samahan saglit?" kunwaring nag-aalangang tanong ni Allison sa kaniyang kakambal.

"Yeah, sure," pagpayag ni Addison.

Magkasabay na tumayo ang kambal at maingat na naglakad patungong banyo.

"What is this all about?" agad na tanong ni Allison nang maisarado nila ang pinto ng banyo.

"Let's prank Daniel. Let's see if he can still guess who's who like the back of his hand," nakangising sagot ni Addison na hindi na maitago ang excitement sa kaniyang mukha.

Noon pa man ay gustong-gusto na nilang pinagtitripan si Daniel sa pagbabaka sakaling magawa nga nila itong mapaniwala sa pagpapanggap nila katulad ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Hindi na nagdalawang sabi pa si Addison. Kaagad na pumayag sa plano niya si Allison. Nagpalit sila ng damit at maging ng ayos ng buhok. Tiniyak din nilang hindi magagawang basehan ang kanilang buhok ng paghula kung sino ang sino dahil pareho silang naka-bun kaya hindi makikita ang kapal ng bawat kulot ng kanilang buhok.

Nang matapos silang magpalit ng damit at sapatos ay saglit pang inayusan ni Addison si Allison habang siya naman ay binura niya ang kaniyang makeup.

The Wicked Twins: Who's Who? (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon