Chapter 9

28 4 0
                                    

ADDISON'S POV

Maaga pa lang ay gising na gising na ang diwa namin ni Allison. Nakaharap ako sa dressing table at pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon sa maliit na salamin na nakapatong dito. Samantalang si Allison naman ay nakatayo sa aking likuran at katulad ko ay pinagmamasdan din niya ang repleksyon ko sa salamin. Naniningkit ang kaniyang mga mata at bahagyang nakatagilid ang kaniyang ulo habang sinusuri niya ang kabuuang ayos ko.

"What?" nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin.

"Parang may kulang." Mas itinagilid niya ang kaniyang ulo at muling pinag-aralan ang aking repleksyon sa salamin.

Napaikot na lang ako ng mga mata dahil sa ginagawa niya.

"I knew it!" bulalas niya.

Mabuti na lang at nakapagpigil ako, kung hindi ay baka namura ko na siya sa bigla-biglang pagsigaw niya.

"Allison, lower your voice! Hindi bingi ang kausap mo!" saway ko sa kaniya.

Sa halip na sagutin ako ay lumipat siya sa tabi ko at sumampa sa dressing table. Nakaupo siya paharap sa 'kin habang pinaniningkitan ako ng mga mata.

"Come closer," utos niya sa 'kin at sinenyasan akong lumapit.

Kahit na hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isipan niya ay tahimik ko na lang na sinunod ang gusto niya. Inusog ko palapit sa kaniya ang upuan ko para magkalapit kami.

Halos magsalubong ang kilay ko nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.

"Stay still. Don't move," malamig na utos niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagtanong pa. Nagpatianod na lang ako sa kung ano mang binabalak niya.

Naramdaman ko ang paglapat ng hinlalaki niya sa magkabilang sulok ng labi ko. Pilit niya akong pinangiti.

"Hindi pa rin e. Halatang peke," komento niya habang titig na titig pa rin sa mukha ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong matigilan nang sampalin niya ako.

"What the fudge, Allison! What was that for?" sigaw ko sa kaniya dala ng gulat dahil sa ginawa niyang pagsampal sa 'kin.

"Ngumiti ka kasi," naiinis nang sagot niya na halatang naiinip na sa tagal ng pag-aayos ko para kopyahin siya.

"Kailangan talagang manampal?" naiinis na ring tanong ko.

"Hmm... hindi," parang batang sagot niya na ikinairap ko na lang.

"Tsk."

Bumaba siya mula sa kaniyang pagkakaupo sa mesa at nakapamaywang na tumayo sa harapan ko.

"Get up. Magpalit ka na ng damit. Hindi ganiyan manamit si Allison. Masyadong sunod sa uso," puno ng awtoridad na utos niya.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagngiwing ginawa niya habang pinagmamasdan ang ayos ko mula ulo hanggang paa.

"Do I really have to dress like you? Hindi naman siguro niya mahahalata na hindi ikaw ako," wika ko sa pag-asang papayag siya sa gusto ko.

I don't like the way she dress. So plain and... boring.

"I doubt that. Hindi pa natin alam kung gaano tayo kakilala ng buwisit na 'yon. Baka una pa lang ay makilala ka na niya kung ganiyan ang suot mo," aniya at ngumiwi nang muli niyang balingan ang suot ko.

I am wearing a white cropped mini top and faded blue denim skirt. I must admit that she's allergic to my clothes and fashion.

Hindi ko naman maiwasan ang mapairap dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin ay para siyang diring-diri sa suot ko.

The Wicked Twins: Who's Who? (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon