Chapter 8

29 3 0
                                    

ADDISON'S POV

Habang lumilipas ang mga araw ay napapansin kong mas napapadalas ang pambubuwisit ng lalaking 'yon kay Allison. Walang araw itong pinapalampas. Kung nasaan si Allison ay nandoon din ito.

Sa inis ko ay ilang beses kong sinubukang magpanggap na si Allison para tantanan na ng lalaking 'yon ang kakambal ko pero palagi akong bigo. Walang kahirap-hirap niya akong nakikilala. Tuwing magpapanggap akong si Allison ay kinakausap niya ako nang kaswal na tila ba ay nakikita niya ako bilang si Allison. Ngunit makalipas ang ilang minutong pakikipag-usap ko sa kaniya ay bigla na lang siyang tatawa. Tuwing tatanungin ko naman siya kung bakit siya tumatawa ay sasabihin lang niya na natatawa raw siya sa sarili niya. Kahit anong pilit niya raw kasing sakyan ang pagpapanggap ko ay hindi niya magawa.

Mas lalo niya akong pinapabilib ngunit mas nangingibabaw ang inis ko sa kaniya dahil sa pambubuwisit niya sa kakambal ko.

Nitong mga nakalipas na araw ay palaging hindi maipinta ang mukha ni Allison. Para niyang susunugin nang buhay ang sino mang matamaan ng nanlilisik niyang mga mata. Dahil dito ay mas naging ilag pa sa amin ang mga tao maging si Abby na siyang tanging magandang bagay na nangyari sa mga araw na lumipas.

Habang inaalala ko ang mga nangyari nitong nakaraang linggo ay hindi ko maiwasang maawa sa kakambal ko. She looked so pissed every single day and yet, here I am doing nothing.

Marahas akong napatayo mula sa aking pagkakaupo sa upuang kaharap ni Allison. I've had enough of being idle. I'm sick of staying in the corner while watching my twin suffer and dealing with this sh*t on her own. I have to make a move with or without her permission.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Allison na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

"Comfort room," tipid kong tugon.

Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong magtuloy-tuloy sa pagsasalita. Hindi niya pwedeng malaman ang binabalak ko. Tiyak na tututol siya.

"Sigurado ka? E sa itsura mo ay mas mukha ka pang susugod sa giyera kaysa magbabanyo," nagdududang wika niya at pinaningkitan pa ako ng mga mata.

She's trying to read what's on my mind but I won't let her have an access on it. She can't know what I am up to.

"Masakit ang tiyan ko. That's why," pagsisinungaling ko.

Mas lalo pa niya akong pinaningkitan. Halatang hindi siya naniniwala sa palusot ko.

Haist! Talagang kilalang-kilala niya ako. I can't make the fool out of her.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya hindi ko naman maiwasang mangunot ang noo ko. She's bothered. I can sense it.

"Fine. Just make it quick. Patapos na ako rito kaya ano mang oras ay uuwi na tayo," pagpayag din niya sa huli saka muling itinuon ang atensiyon niya sa mga nagkalat na papel sa harapan niya.

I heaved a sigh in relief. "I should go now. Just stay here. I'll just be gone for a minute," paalam ko sa kaniya.

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Kaagad na akong umalis ng classroom at tinahak ang daan patungo sa College of Law.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa building ng College of Law ay agad nang nahagip ng paningin ko ang sadya ko. Nakasandal ito sa pader at mukhang may hinihintay.

'Mukhang alam niyang parating ako. How impressive,' I thought to myself and rolled my eyes in annoyance.

"Hey there, bug. Do you have some time?" pagkuha ko sa atensiyon niya dahilan upang umawang ang bibig niya.

The Wicked Twins: Who's Who? (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon