Chapter 4

37 5 0
                                    

ALLISON'S POV

Ngayon ay araw ng linggo. Ako ang naunang magising ngayon at kasalukuyang inaalog si Addison para gisingin siya. Nakailang alog na ako sa kaniya at kulang na lang ay ihulog ko siya sa kama pero ayaw pa rin niyang magising. Sa inis ko ay buong lakas ko siyang sinipa dahilan para mahulog siya sa kama.

"What the hell!" she hissed which made me smirk wickedly.

Serves her right.

Hinintay ko siyang makabangon at nanatili lamang akong nakaupo sa ibabaw ng kama. Nang makatayo na siya at magtama ang mga mata namin ay pinamaywangan ko siya.

"Gigising ka rin pala e. Gusto mo pang masaktan," kunwaring nagtataray kong sabi na ikinairap naman niya.

"Kailangan talagang manipa? Ano ka, kabayo?" she asked in a sarcastic voice.

"Hindi. Pero kapag hindi ka pa nakabihis in an hour, sisipain talaga kita palabas ng bahay," may tono ng pagbabantang sabi ko.

"And why would I dress up?" balik-tanong niya.

"Just do as I say. Maligo ka na. Kakain lang ako sa baba. Pagbalik ko, ako naman ang maliligo," sagot ko saka ako tumayo at bumaba ng kama.

"Fine. Siguraduhin mo lang na hindi masasayang ang oras ko or else, I'll bring you to hell," banta niya na bahagyang ikinatawa ko.

"We are already in hell, sissy. Have you forgotten?" nakangising tugon ko.

"Yeah, yeah, yeah. Whatever," she said in a mocking voice as she turned her back and headed towards the bathroom.

Katulad nga ng sinabi ko ay bumaba ako para mag-agahan. Hindi ko na siya inabala pang yayaing sumabay sa akin dahil nga sa wala naman siyang ganang kumain ng agahan. Saka tiyak na mas lalong nawalan 'yon ng gana dahil ginising ko nang maaga.

Now, we're even.

Matapos kong kumain ay kaagad akong umakyat ng kwarto kung saan naabutan ko si Addison na abala sa pag-aayos ng kaniyang sarili sa harapan ng dressing table. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa banyo.

It's a relief that there's already a towel inside the bathroom and a small cabinet for undergarments, so no need to prepare anything. Saka kung sakali mang may kailanganin ako, wala ring magiging problema dahil isang sigaw ko lang ay kaagad nang matataranta si Addison para iabot ito sa akin. We have a strong bond after all and it is one way to strengthen it to the fullest.

Nang makabihis na kami't lahat ay kaagad kaming bumaba ng unang palapag ng bahay kung saan ay nakasalubong namin si mommy na paakyat ng hagdan.

"May lakad kayo?" takang tanong ni mommy.

Nanatiling lamang na tahimik si Addison at parang walang balak na sumagot kaya ako na ang nagkusa.

"We're hanging out. Girl bonding," kibit-balikat kong sagot.

"Why so sudden?" mom asked with a frown.

"We just want to unwind, mom. Wait, where's dad?" I diverted the topic when I noticed dad's absence.

"He's in the kitchen. Have you eaten?" malambing na tanong ni mommy na ngayon ay mayroon ng masuyong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Yeah. We're good," sagot ko at tipid na ngumiti.

"O siya, mag-iingat kayo sa lakad ninyo," nakangiting bilin sa amin ni mommy.

"We will," I answered as Addison and I gave mom a peck on her cheeks.

Kaagad na kaming dumiretso ni Addison sa garahe at sumakay sa kotse. Hindi na kami nag-abala pang puntahan si daddy sa kusina para magpaalam.

"Where are we heading to?" kaagad na tanong ni Addison nang makasakay kami ng kotse at buhayin ko ang makina nito.

The Wicked Twins: Who's Who? (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon