Chapter 7

25 3 0
                                    

ADDISON'S POV

Papunta na kami ng classroom ni Allison nang may bigla akong maalala kaya napahinto ako sa paglalakad. Mukha namang napansin ito ni Allison kaya napahinto rin siya sa paglalakad at nagtatakang binalingan ako ng tingin.

"Is there any problem? Bakit bigla ka na lang huminto?" takang tanong niya.

"May naiwan ako sa kotse. Babalikan ko lang," paalam ko sa kaniya.

"Samahan na kita," pagboluntaryo niya na kaagad ko namang tinanggihan.

"Hindi na. Mauna ka na sa classroom. Susunod na lang ako," pagtanggi ko sa alok niya dahil hindi naman ako magtatagal kaya hindi na niya ako kailangang samahan pa. May kukunin lang naman ako sa kotse.

"Hindi na. Samahan na kita," she insisted.

"Don't be stubborn, sissy. Sige na, mauna ka na," natatawang pagtataboy ko sa kaniya.

Saglit lang naman kasi akong mawawala kaya hindi na kailangang samahan pa niya ako. Saka malayo-layo na rin ang nalalakad namin mula sa parking lot. Tiyak na magrereklamo siya dahil sa pagod.

"Fine. Sumunod ka kaagad," mahigpit na bilin niya na nagpangiti sa akin.

Kaagad ko na siyang tinalikuran at tinahak ang daan pabalik ng parking lot. Nang marating ko ang sadya ko ay kaagad kong binuksan ang pinto ng kotse sa tabi ng driver's seat. Agad namang nahagip ng mata ko ang phone ko na nasa maliit na compartment ng kotse. Mabilis kong kinuha ang phone ko at isinilid ito sa bulsa ng aking pantalon. Agad na rin akong umalis ng parking lot pagkasara ko ng pinto ng kotse.

Naglalakad na ako papunta ng classroom nang mapansin kong nakatayo pa rin si Allison sa kaninang pinag-iwanan ko sa kaniya. Tatakbo na sana ako palapit sa kinaroroonan niya nang may mapansin akong kausap niya. Hindi ko maaninag kung sino ang kausap ni Allison dahil natatakpan niya ito. Tanging gilid lamang nito ang nakikita ko.

Dala na rin ng kuryusidad ay binilisan ko ang paglalakad ko para makalapit ako sa kanila. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanila ay natigilan na ako sa sigaw ni Allison.

"I already accepted it. Now, get lost!" Allison shouted.

Buong akala ko ay matatakot ang kausap ni Allison at kakaripas ng takbo palayo. Ngunit laking gulat ko nang hindi ito natinag sa kaniyang kinatatayuan at sa halip ay tinapatan nito ang katarayan ni Allison.

"I'll just see you around then. Goodbye," paalam ng kausap ni Allison na boses-lalaki.

Hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko palapit sa kanila ay muli na naman akong natigilan. Nagsimulang humakbang pasulong ang lalaki. Patungo ito ngayon sa direksiyon ko. Hindi nito kaagad napansin ang presensya ko dahil bahagya siyang nakayuko at pigil ang sariling ngumiti. Kagat-kagat niya ang kaniyang labi at iiling-iling.

Nang isang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa ay biglang tumigil ang lalaking kanina ay kausap ni Allison at nag-angat ito ng tingin.

"Good morning, Addison," bati niya sa akin at ngumiti saka ako nilampasan.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa inasal nito. Ngunit agad din itong namilog nang may mapagtanto ako.

"What the hell! Did he just call me by my real name?" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Ngunit sa halip na sundan ng tingin ang lalaki ay marahas kong ipinilig ang ulo ko para iwaksi ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ito ang oras para mamangha ako. Malamang ay sinuwerte lang siya kaya nahulaan niya kung sino ang sino.

Nang mapansin kong paalis na si Allison sa kinatatayuan niya ay tinakbo ko na lang ang aming pagitan. Agad ko siyang inakbayan nang makalapit ako. Halatang nagulat si Allison sa ginawa ko dahil bahagya siyang natigilan at nagtatakang binalingan ako ng tingin.

Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang nag-iwas ng tingin at itinuon sa daan ang kaniyang atensiyon.

"Who is he?" tanong ko na halatang ikinabigla niya.

"Who?" walang ganang tugon niya.

"That guy a while ago," ani ko na ang tinutukoy ay ang lalaking kausap niya kani-kanina lang.

"Nakita mo pala," halos pabulong na lamang na wika niya.

"Yeah. Now, answer my question. Who is he?" muling tanong ko.

"Bug," tipid niyang tugon na ikinasingkit ng mga mata ko.

"Bug? Akala ko ba tumigil na sila?" takang tanong ko.

Magmula kasi nang kumalat sa buong campus ang ginawa ni Allison kay Bernard ay wala nang umaligid pa sa amin. Ni wala na ngang nag-iiwan ng kung ano-anong basura sa locker namin. Lahat sila ilag na sa amin.

"Akala ko rin," mahinang wika ni Allison.

Mabigat ang bawat paghinga niya. Halata rin sa mukha niya ang pagkainis sa kaninang kausap niya.

"By the way, whose bug? Mine or yours?" pang-uusisa ko.

"Mine," tipid niyang tugon.

Hindi ko naman maiwasan ang magulat dahil sa sinabi niya. Nakakagulat lang at tamang tao ang nilapitan ng lalaking 'yon. I wonder what his basis are in identifying who among us is Allison. But maybe it's pure luck. No judgement involved.

"Ano raw ang kailangan niya?" muling tanong ko para iwaksi ang paghangang unti-unting nabubuo sa loob-loob ko.

"He gave me this." Ipinakita sa akin ni Allison ang hawak-hawak niyang cookies sa kanang kamay niya na ngayon ko lang din napansin.

Mas lalong dumami ang tanong na gumugulo sa isipan ko nang may mapagtanto ako.

"The fudge! Does he—"

"Yeah. Alam niyang ako ito at alam din niya kung anong gusto ko," sagot ni Allison bago ko pa man matapos ang tanong ko.

"Seriously?" gulat pa ring tanong ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Inirapan niya ako bago niya isinilid sa kaniyang bag ang hawak niyang cookies.

"Woah! I'm impressed!" naibulalas ko na lang dala ng labis na paghanga.

Agad namang nabaling sa akin ang atensiyon ni Allison dahil sa sinabi ko.

"Don't be," mariing wika ni Allison at muli akong inirapan.

"No wonder he called me Addison earlier," namamangha pa ring sambit ko.

"Hindi naman halatang namamangha ka," sarkastikong wika ni Allison dahilan para matawa ako.

"Hindi nga. Marami pa siyang dapat patunayan at pagtagumpayang hamon bago niya ako mapabilib totally," wika ko na kahit papaano ay totoo naman. Oo nga't napabilib ako ng lalaking 'yon pero kulang pa.

"Yeah, right. Maybe he's just lucky enough to approach the right person at the right time," pagsang-ayon niya.

"Hmm. That's not impossible," wika ko at ipinagkibit-balikat na lamang ito.

"Now, let's see how long he will lasts." Sumilay ang malad*monyong ngisi sa labi ko nang may maisip akong kalokohan.

'Tingnan nating kung gaano mo kami kakilala at kung hanggang kailan ka tatagal,' I thought to myself.

"You don't have to get yourself involved, Addison. I can handle this," pigil sa akin ni Allison na halatang ayaw akong madamay.

"I doubt that. I heard and saw how pissed you are earlier. Ito ang unang beses na nagkaganiyan ka. No one ever made your blood boil in annoyance. He's the first," I pointed out.

"And what are you trying to say?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata na animo'y binabasa niya kung anong nasa isip ko.

"It won't be easy for you to get rid of him. You'll need a hand, sissy," pangungumbinsi ko sa kaniya.

I thought she would allow me to help her but she just heaved a deep heavy sigh and declined my offer.

"Stay out of it. I am warning you," she warned me with finality in her voice.

Hindi na niya hinintay pang sumagot ako at nauna na siyang maglakad.

'I'm sorry but I can't do what you asked me to do. I can't let a mere guy pester you. It is now my turn to take an action to get rid of that annoying bug as soon as I can,' I thought to myself before I ran after her.

The Wicked Twins: Who's Who? (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon