gay ♡ three

132 1 0
                                    

Naglalakad ako sa Produce Academy papasok, nang biglang may humablot sa akin. Sisigaw na sana ako, kaya lang ay si Ma'am BoA lang pala.

"Ma'am naman! Kinabahan ako sayo!" Sabi ko, at nagshrug lang siya.

"Kailangan lang kitang makausap," sabi ni ma'am, kaya naman tumango ako, at saka inayos ang buhok ko.

Dinala niya ako sa guidance, at ayos lang naman kasi maaga pa at hindi pa time para sa klase. Maaga lang akong pumasok.

Nandun na din sina Sir Dongwook, pero sa ibang desk.

"Ria, I want you to go to Neo Academy, tapos ay iabot mo ito sa Class 1-1. Okay? Hanapin mo lang yung nakalagay dyan, kasi dapat secret lang ito. Since I trust you, I let you do this. Wag ka na rin pumasok sa hapon, and just enjoy yourself. Ako na mageexcuse sayo." Sabi ni ma'am, at dahan dahan naman akong napatango.

"Ma'am. Di ba halos lalaki dun?" Sabi ko, at tumango naman siya.

"Oo, kaya mag ingat ka din. Kay gandang bata mo," sabi ni ma'am, and I dropped my jaw.

"Ma'am, kahit isang kasama lang?" Sabi ko naman, and she laughed.

"Buwisit ka talaga sa mga lalaki, ano? Matapos ni-"

"Ma'am," sabi ko, and she smiled at me.

Kaclose ko kasi talaga si ma'am and nakukwentuhan ko siya, kaya naman alam niya ang tungkol dun. Kahit sa middle school campus ng Produce Academy, siya din yung nakakausap ko nun.

"Osige, magpunta ka na sa main gate, at papapuntahin ko nalang siya dun," sabi ni ma'am, and I nodded.

Okay. Alam ko namang hindi ako ganung ipapahamak ni ma'am BoA.

gay ♡ lee daehwiWhere stories live. Discover now