gay ♡ twenty six

70 2 0
                                    

Since magkaayos na kami ni Chenle ay niyaya niya akong makipaghang out. I accepted, dahil holiday naman kinabukasan at wala kaming projects na kailangang gawin.

So heto kami ngayon, naglilibot saan saan at nagshoshopping sakaling may madaanan kaming shops dito.

"Tara na kasi sa Gucci?" Sabi ni Chenle, pero umiling ako.

"Ang mahal mahal, Lele. Ikaw lang bibili, e," sabi ko, and he pouted.

"Tsk. Treat ko ngaaaa. Since ayos na tayo. Gift ko lang," sabi niya, at saka umiling pa din ako.

"Hala, edi gagastos ka? Wag nalang," sabi ko, but he grinned at me bago ako binuhat saka tumakbo siya.

Tumatawa pa siya kaya naman napatawa nalang din ako at hinayaan siya. Nang makapasok na kami, he laughed at ibinaba ako. Isang tingin mo palang, alam mo na agad na mamahalin ang mga bagay dito.

Pero hindi yun yung naisip ko.

Naalala ko si Daehwi.

Bakit ba si Daehwi nanaman?

"Huy, Ria, ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" Sabi niya, at saka ko lang napansin na umiiyak na pala ako.

Napapunas ako sa mga luha ko at saka binigyan siya ng ngiti, kaya lang ay hindi ko na nagawa pang magpanggap nang yakapin niya ako.

"Shh, tama na. Napano?" Sabi niya, and umiyak muna ako nang umiyak.

"Lele, miss ko na siya. Miss na miss ko na si Daehwi. Bakit ganun?" Sabi ko, and then naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. "Siya na nga yung nagsinungaling sa akin at nagpanggap na bakla, then he turned out to like me daw, pero bakit ako nasasaktan? Dahil ba pinaranas niya sa akin yung mga bagay na hindi ko na naranasan? Dahil ba napapasaya niya ako? Dahil ba nasanay akong siya yung bumubuo na sakin? Le, bakit?"

I heard him sigh, at saka hinagod ang buhok ko.

"Then maybe you like him, Ria. Kahit gaano mo gustong magalit sa kanya pero mas nananaig yung pagkamiss mo sa kanya, then maybe you want him in your life too much to even think na galit ka sa kanya. Let me guess, Daehwi is that guy na kasama mo sa Neo dati, no? Yung nagbato sa akin ng forms?" Sabi ni Chenle, at tumango ako.

"But... how can I like him, Lele? Niloko nga niya ako, e. Pinaniwala nga niya akong bakla siya, e." Sabi ko, but he chuckled.

"But did those things change how you felt when you were happy with him? Would you prefer to lose him than fix things with him and be happy again?" Sabi ni Chenle, at natahimik naman ako.

Tama nga naman siya.

Pero paano?

Daehwi, bakit mo ba ako ginugulo ng ganito? Gulong gulo na ako sa nararamdaman ko. Naloloka na ako sayo, sa totoo lang.

"Yuck, cyst, pinagnanasaan mo ba ako?"

"Mas bagay kami ni Baejin! Hmp!"

"Yung peach, teh. Bagay sayo,"

"Naloka din ako sa sarili ko, teh, pero di ko sinabi sayo,"

"Omg, cyst! Ang lakas ng dating ko dun! Pak, bet na bet!"

"Pa, this is Ria Ahn, the girl I like."

"So I like him?"

"Yes, Ria. You like him."

gay ♡ lee daehwiWhere stories live. Discover now