gay ♡ eighteen

84 2 0
                                    

"Owemji, yes!" Sabi ni Daehwi, nang bumaba na kami sa may amusement park. Nasa Japan na kami ngayon at tapos na ring makapagpahing sa hotel, kaya naman oras na para magpunta kami sa amusement park.

Sa Group 1, meaning kami, ang guides namin ay sina Ma'am BoA at si Sir Geunsuk, at ang sa Group 2 naman ay sina Sir Seunggi at Sir Dongwook.

Nangunguna kami ni Daehwi sa paglalakad, at nakahawak pa ako sa braso niya dahil napakahyper na niya.

"Beeeee, saan tayo?" Tanong ko, at tinuro naman niya yung roller coaster, kaya naman ngumiti ako ng malawak.

"Yey! Sige." Sabi ko, at saka tinignan sina Guanlin na nasa likod.

After the hotel and the plane ride, I found myself being friends with them, kahit paano. Ganun lang pala kasimple ulit? Kailangan ko lang palang makilala ang Wannatwoball squad nila para malaman na hindi lahat ay tulad ni Chenle? Malakas naman ang kutob ko na hindi sila mga manloloko, sadyang mga maloko lang.

"Saan kayo?" Tanong ni Guanlin, and I grinned.

"Sa roller coaster. Kayo?" Tanong ko, and he grinned sabay hinila si Minhyun oppa.

"Hyung! Sama tayo!" Sabi ni Guanlin, at saka napabuntong hininga naman si Minhyun oppa bago tumango.




"Ayoko na cyst, wag na tayong sasakay dun, ever! Huhuhu, I thought I was gonna die," pag iinarte ni Daehwi, at saka nagpunas pa ng mga patulong luha pa lang.

Literal na natakot siya, lalo na nung nagkunwari akong may hawak na insekto saka isinaboy sa mukha niya. Ang cute niya na ewan, kaya naman natawa ako. Si Guanlin na nasa likod namin kanina ay hinatak naman si Minhyun oppa palayo, kaya naiwan nanaman kami ni Daehwi.

"Saan mo nalang gusto?" I calmly asked him, and he pouted saka inilibot ang paningin.

"Sa... Sa ferris wheel. Dun nalang tayo cyst, kalmado dun," sabi niya, and I chuckled at tumango.

Pumunta na kami sa ferris wheel and sakto naman na kami na ang last na sasakay kaya agad kaming nakasakay. Inalalayan ko siya, dahil mukhang natatakot siya mula pa sa kanina, and then naupo na kami.

His hair was pretty much messy, but it looked perfect the way it is. His grey hoodie made him look comfy, and the way his eyes showed his emotions lured me in.

Bakit ko ba pinag iisipan ng ganito si Daehwi? God, Ria, kalma nga! Bakla yan, teh!

Ilang minuto na rin ang lumipas, and mukhang kalmado naman na si Daehwi. I smiled as I watched him admire the night sky. Gabi na kasi nang makaalis kami sa hotel at makalibot dito, kaya naman mas maganda ang view because of the starry skies.

"The sky is beautiful, isn't it?" Tanong ni Daehwi sa akin, pero nakatingin pa din siya sa sky.

"Yeah," I whispered, and then I felt him hold my hand.

For some reason, I felt some electricity, pero hindi ko yun binigyan ng pansin dahil baka isipin niya ay gusto ko siya. Daehwi, ano ba to? Bakit ganito?

I remember the last time I felt this. It was when I was with Chenle. The same electricity, the same protective feeling. Pero bakit ganito? Kaibigan ko lang si Daehwi, at higit sa lahat, bakla siya. Bakla.

And yes, I'm telling myself. Hindi pa ako handang makipagrelasyon muli. Siguro ngayon, nakapagwarm up na ako sa mga kaibigan niya at kaya ko naman na makipag usap sa mga lalaki dahil na rin sa effort nila na kausapin ako at ipakita ang good sides nila. Pero yung pakikipagrelasyon, ayoko muna.

Teka nga, bakit ba pumapasok sa isipan ko to?

"I always wanted to hold someone's hand under the night sky," sabi ni Daehwi, at hindi nakalagpas sa akin ang boses niyang iba sa boses niya na parang bakla sa dati.

"Daehwi..." sabi ko, and he gave me a sad smile.

"This night is flawless," bulong niya. "Except for the fact na pinahiya ko yung sarili ko sayo. Mas natakot pa ako sayo."

"Huy, Daehwi, be, ang drama, ha?" Kinakabahan na sabi ko, and he just chuckled at me.

"Joke lang, cyst. Keri ba yung acting ko? Pwede na bang mafall girls sa akin, teh?" Sabi niya, nagbabalik ang tono, pero hindi nakatakas sa akin ang malungkot na boses niya.

Daehwi, ano ba? Ano to?

gay ♡ lee daehwiWhere stories live. Discover now