gay ♡ four

109 3 1
                                    

Nakarinig na ako ng footsteps sa likod ko at saka nakita ang isang lalaki, kaya naman nalaglag ang panga ko. Ma'am BoA!!!!

"Hello, I'm-" sasabihin sana niya, kaya lang ay inunahan ko na siya.

"I don't talk to guys, unless you're gay," I cleared, "Gays are good friends."

"-gay." Sabi niya, at nanlaki naman ang mga mata ko.

"Y-You're gay?! Aren't you that Daehwi guy-" sabi ko, sabay takip ng bibig ko, dahil hindi ako makapaniwala. Hala, e diba habulin din ng babae to?!

"Shh, teh! Ang ingay, huh? Secret nga lang kasi! Ikaw at si Somsoms lang nakakaalam! Ugh, gigil mo ako, cyst," pag iinarte niya, at saka inihawi pa ang buhok, kaya naman natatawa akong nakanganga sa kanya.

God?! Jusko HAHAHAHAHAHA. Closeted gay?! Omg, ang cuuuute niyaaaaa!

"Omg, Hwi, can I call you that? Omg, let's be friends! Jusko, nastress ako sayo, ha? Ang triggered ko pa naman," sabi ko, and he chuckled.

"Hmp! Tara na sa Neo Academy. Manghahunting ako dun ng guys," sabi ni Daehwi, and I laughed saka hinampas siya.

Hala, ang cute! Huhuhuhu.

"Baklang to, ang tagal mo cyst! Anong tinatayo mo pa?" Sabi niya, kaya naman sinundan ko na siya.

Walking distance lang naman ang Neo Academy, kaya nilakad nalang namin. Nang makarating na kami dun ay nginitian naman niya ako, so I did the same.

Bakla naman siya so I guess that there is nothing wrong with being friends and being close with him...?

"Let's go, teh?" Sabi niya, and I chuckled saka tumango.

Nakapasok kami sa gate nang sabihin namin sa guard na may ipinapadala si Ma'am BoA, kaya naman hinila ko na si Daehwi palayo dun. I saw a few students, pero puro lalaki sila kaya naman nilagpasan ko na sila.

"Cyst, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Daehwi, and I pouted.

"Class 1-1 daw. Sabi ni ma'am," sabi ko, and he nodded.

"Wait lang, teh, magtatanong ako," sabi ni Daehwi, at bago pa ako makapagprotesta na sasama nalang ako ay iniwan na niya ako.

Anak ng gago? HOY BAKLAAAAA! BALIKAN MO AKO!

"R-Ria?"

I froze. It can't be...

gay ♡ lee daehwiWhere stories live. Discover now