Ako si Eleigne A. Amster.
Marami na akong pinagdadaanan sa buhay kahit na 17 years old palang ako. Unang-una na, ang magulong pamilya ko. Hindi ko naman sila masisisi sa nangyayari kung bakit hindi sila magkasundo-sundo. Hindi kasi Filipino ang dad ko. Isa syang Australian.
Gusto ng dad ko na dalhin na kami ng ate Denise ko with him in Australia pero ayaw ng mom ko dahil may asawa daw ang dad ko sa bansa nito at hindi kayang makisama ng mom ko sa isa pa nitong babae. Gulo no? Wait, ganto kasi yun. Una kaming naging family ng dad ko, nang umuwi sya ng Australia ay nakilala nya dun ang asawa nito ngayon. Nung nalaman ng mom ko, nakipag associate kagad sya sa lawyers nya para sa annulment.
4 years ago, dun officially annulled na ang kasal nila.
But we still communicate with our dad. Hindi naman tutol ang mom ko dahil kasama rin iyon sa arrangement nung na-annulled sila. Hindi naman nagkukulang ang dad ko sa presence at moral support. Katulad ng, pagka-graduate ko nung Highschool. Nandun sya pero tulad ng sabi ko, hindi sila magkasundo.
Minsan naiisip ko, hindi ba pwedeng one-big-happy-family kami? Yung magkakasama kami sa isang bubong at masayang nagba-bonding. Yung mag a-out-of-town kami sa isang lugar. Hindi ba pwede yun??
Hay..
BINABASA MO ANG
Bakit bestfriend ko pa?
Teen Fiction"Bakit bestfriend ko pa?" It's a phenomenal line by someone who loves his/her bestfriend. But, there's one thing.. What if, he/she think the same way too?