[[ X. ]] *bbkp*

4.8K 44 0
                                    

Ako, si Jia at Keith ang magkakasama sa isang kotse. Syempre, dala ni Keith ang kotse nya.

Red, my lil’sister Eleigne and mommy sa kabilang car. Kotse ni Red gamit nila.

On our way na kami sa Tagaytay! =)

Feel na feel ko ang birthday ko, nakakatuwa. Hahaha.. Parang debut ko uli.

Last birthday ko kasi, ang saya sobra… Kumpleto ang kaganapan, at ang lalong nagpakumpleto ng kaarawan ko, eh yung kumpleto kaming pamilya. Saya diba? ^_^

Minsan nalang kasi mabuo ang family namin kasi si daddy, madalas nasa Australia.

Hindi naman pumapasok sa isip ko na-divorse na sila eh. Kahit ang totoo, OO.

“Keith, stop over muna tayo sa madadaanan nating Restaurant. Cr na cr na kasi ako..” Kalabit ni Jia na nasa passenger seat.

“Ako rin nga eh..” Sabi rin ni Keith.

Makalipas ang limang minuto.. Ayan na si Restaurant! Hahaha..

Lumiko si Keith doon.

“Ikaw bessy, si-cr ka din ba o papaiwan ka dito?”

Umiling ako. “Hindi ako nasi-cr pero hindi ko gustong magpaiwan dito. Magstretch ako sa labas..”

“Oh sige, tara na..”

Sabay-sabay kaming bumaba ng kotse, tinext na ni Keith sina Red na susunod nalang kami kasi nag-stop over pa kami.

Pag pasok ko sa restau, maraming kumakain. Most specially mga foreigner. Umupo ako malapit sa door, para hintayin doon sina Keith at Jia na sabay nag Cr.

Bakit bestfriend ko pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon