Bestfriend?
Eto yung taong kayang pasakitin ang panga mo sa kakatawa.
Eto yung taong pagnagdrama ka, buburaotin ka.
Eto yung taong pagbumili ka ng pagkain, aagawin nya sayo tapos sya na ang kakain.
Eto yung taong hindi marunong kumatok, basta dire-diretso lang kung makapasok sa bahay nyo.
Eto yung taong ilalaglag ka sa taong hinahangaan mo.
Eto yung taong gagawin ang lahat para inisin ka tapos tatawanan ka.
Eto yung taong kung makatawag sayo, pati middle name mo kasama.
Eto yung taong pag nakarinig ng ‘libre kita.’ nagiging mas excited pa sayo.
Eto yung taong kung makakalabit sayo, wagas.
Eto yung taong pag may camera ka, ‘kuha dito, kuha doon’ kala mo sya may ari.
Eto yung taong pagdating sayo, walang hiya. I mean, walangya.
Eto yung taong kukulitin ka ng bonggang bongga, samahan mo lang sya.
Eto yung taong lahat ng kalokohan gagawin, lalo na kung ikaw ang kasama. Pakapalan lang ng mukha.
Eto yung taong kahit di sya yung kaylangan mo, laging nandyan.
Eto yung taong papaiyakin ka kahit ayaw mo.
Eto yung taong iintindihan ka kahit wala naman talaga syang maintindihan.
Eto yung taong kahit pagtabuyan mo, hinding-hindi ka iiwan.
Pero..
Eto rin yung taong mahal na mahal mo at gustong-gusto mong sana mahalin ka rin pero natatakot ka dahil baka sa isang iglap, mawala lahat ng pinagsamahan nyo.
Handa ka bang masaktan? Lalo na kung malaman mong..
Gusto nyang ligawan ang isang taong di mo inaakala na liligawan nya at sayo sya humingi ng tulong para maging sila?
Tatanggapin mo nalang ba ang katotohanang hanggang BESTFRIEND ka nalang, o ipaglalaban mo ang nararamdaman mo?
BINABASA MO ANG
Bakit bestfriend ko pa?
Novela Juvenil"Bakit bestfriend ko pa?" It's a phenomenal line by someone who loves his/her bestfriend. But, there's one thing.. What if, he/she think the same way too?