“Nag mumukmok na naman po sya dito sa taas.”
Napalingon ako sa likuran ko. “Pano ka nakapasok sa kwarto ko? Naka-lock yung pintuan nun ah.”
Lumapit sya sakin. “Di mo ba alam, dati akong active member ng akyat-bahay Gang..” bulong nya.
“Loko!” natawa ako.
“Hindi, seryoso ako..”
Napatigil ako sa pagtawa. Seryoso ba talaga sya?? Pano kung..
“Oh, patola!” Sabay hilamos ng kanang kamay nya sa mukha ko.
“Yuuuck! Red naman eh!” Amoy kalawang!!! Pano ba naman pinangtalungko na nya yun sa bubong. Nakakainis talaga to si Red.
“Ay sorry. Kala ko basahan..” tapos tumawa sya ng malakas. Grabe, masaya pa sya na ginawa nyang basahan yung mukha ko. Huhu. Wala syang awa.
“Ang sama mo talaga! Kala mo nakakatuwa ka ah!” Galit galitan lang ako. Sabay tinalikuran ko sya. Para naman kahit konti, konti lang talaga, maawa naman sya sakin at makunsensya sa mga pinaggagagawa nya sakin sa araw araw.
Oo, tama ang nabasa nyo. Araw araw nya kong niloloko, inaapi, ina-alaskador, inaasar, at kung anu-ano pang pang-iinis sakin. Hindi man lang sya makaramdam. Hmp!
“Oh oh oh! Galit ka na nyan?! Bahala ka..”
Hmp talaga sya! Bakit parang sya pa yung galit at tila kala mo sya pa yung naiinis?? Kaloka. “Sana mahulog ka dyan!” Mahinang sabi ko habang patalikod na naglalakad pabalik sa bintana.
“Ahh.. Ah.. AHHH.. Eleigneeeeee!!!!”
Hala, si Red! Omg! Baka nahulog nga sya. Joke lang naman yun.. Kung gano kabilis ang pagpikit ko, ganun din kabilis na humarap ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bakit bestfriend ko pa?
Teen Fiction"Bakit bestfriend ko pa?" It's a phenomenal line by someone who loves his/her bestfriend. But, there's one thing.. What if, he/she think the same way too?