~~ Denise’s Point_of_View ~~
It’s my 19th Birthday! =)
And wala akong idea kung ano ang mangyayari ngayon, ang alam ko lang busy ako at kakain kami mamaya sa labas nina mommy at Eleigne. Syempre kasama si Red at Jia. Family narin namin sila by affinity. At ang alam ko kasama pa yung isang friend nilang si Keith. Syempre ok lang din naman sakin na sumama sya. Wala namang masama eh.
Kahit birthday ko ngayon napaka busy ko parin..
Schedule for today:
9am – Photoshoot for our school catalogue.
(Isa po kasi ako sa mga models ng school namin. Kasama ko si Jia.)
1pm – Meeting with my co-journalist.
(Kung hindi niyo nalalaman, isa kasi akong journalist sa school.)
3pm – Psych Class.
(I’m taking Psychology. Ang nakakabaliw daw na course. HAHa!)
7pm – Dinner with my family in Tagaytay.
(Sosyal diba? Haha. Sa Tagaytay pa, ewan ko ba kay mommy.)
Grabe. Pengeng lakas pwede?
Partida yan, nabawasan ko pa ng dalawang schedule for today yan. Syempre birthday ko ngayon, kelangan ko ng panahon sa sarili ko with the ones that I loved. =)
Ayieeeee. Cheeeeessy ko! Hahaha..
Anyway, highway..
Magkikita kami ngayon ni Jia. Kung hindi nyo pa sya kilala. Her real name is Jill Angel Smith aka ‘Jia’ ang kakambal ni Renzo Dave Smith aka ‘Red’ na bestfriend nang kapatid kong si Eleigne Amster.
Ako ba kilala mo na? Ako nga pala si Denise Alonzo Amster, anak nina William Amster and Allia Alonzo-Amster. Hahaha.. Nakatira kami dito sa Bacoor, Cavite. Nag-aaral sa St. Dominic College of Asia, taking up BS in Psychology. Bakit yun ang kinuha ko? Sabi kasi nila, mahirap daw yun. Edi ma-try nga.. Para magka-thrill naman ang buhay ko.. =)
Ayan na yung personal data ko ah.
“Girl, hop in!” Sigaw sakin ni Jia.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa waiting shed. Hindi naman dapat ako maghihintay kasi may kotse naman ako, may lisensya at marunong magdrive. Ewan ko ba dito kay Jia, ayaw ipagamit sakin. Ibigay ko nalang daw kay Eleigne. Tutal lagi naman kami magkasama, kaya hindi ko na daw kaylangan yun.
Eh syempre diba? Mas maganda parin kung may own car ka.
“Kala ko mamaya ka pa dadating eh..” Inayos ko ang seatbelt ko.
“Si Red kasi, parang timang lang. Yung mga gamit pinabayaan nalang basta dun sa sala.”
Close din sina Red at Jia sa isa’t-isa tulad namin ni Eleigne.
Kung bestfriend ni Red ang lil’sister ko, pwes bestfriend ko naman ang twin sister nya.. =)
“Hayaan mo na yun. Di ka pa nasanay dun..”
“Oo nga eh, napakakulit talaga. Ay, bessy.. Tumawag nga pala si daddy, gusto nya ako papuntahin uli ng America. Ehh alam mo naman na ayoko eh.. Kainis tuloy..”
“Bakit naman daw?”
“Ikakasal daw si Tita Amy.” Kapatid ng Dad nila. “Sabi ko, bakit ako lang? Sabi nya, mangungulit lang daw naman dun si Red at hindi naman importante kung hindi na pumunta yun.”
BINABASA MO ANG
Bakit bestfriend ko pa?
Teen Fiction"Bakit bestfriend ko pa?" It's a phenomenal line by someone who loves his/her bestfriend. But, there's one thing.. What if, he/she think the same way too?