~~ Eleigne’s Point_of_View ~~
“Akalain nyong nanalo pa kayo? Hahaha.. If I know, ginamitan nyo sila ng gayuma..” I was laughing. Nasa bench parin kami.
Kakatapos lang ng laban nila. Saktong 8am nagstart ang game. At sa hindi makapaniwalang dahilan, nanalo sila! Haha. Joke ^_^
Sa totoo, kala ko talaga matatalo na sila. Pano ba naman, 14 pa lamang ng kalaban, last two minutes nalang.. Tapos… Nahabol pa nila, last 20 seconds, isa nalang ang lamang. Grabe kung nakapanood lang kayo, hindi kayo makakaupo sa ganda ng laban! Muntik pang ma-technical ba yun? Yung coach nung kabila kasi may foul daw si Red dun sa star player nila.
Eh sila nga eh, kung makabantay kay Red at Keith, parang mga linta na hindi mo malaman. Nakailang tumba kaya yung bes ko, kakatulak nila eh! Tapos sila pa yung nagrereklamo. Gusto ba nila makatikim ng suntok galing sa kamao ko? Hmp.
Ayun nga, edi lamang ang kalaban ng isa, nag time-out yung coach nina Red. Nakita ko kung gano kaseryoso yung mga mukha nila. At gano nila kagusto manalo, if ever na manalo kasi sila, pasok na sila sa Semi Finals. Eh malaking pusta nga naman yun diba? Karangalan narin yun sa School. Dahil bagong Sali palang ang school sa gantong competition.
Sobrang kabado ako. Kahit hindi naman ako kasali..
Pagkatunog nung buzzer, means tapos na ang time-out na hiniling nila, tumingin sa pwesto ko si Red. His mouth said..
“Mananalo kami, bes..” Then smiled at me.
Ewan, pero parang natuwa ako sa ginawang yon ni Red. Hindi ko alam. Basta, natuwa talaga ako. Nawala yung kaba ko, dahil dun. Feeling ko, mananalo talaga sila. Kaya naman, kahit 20 seconds nalang. Inubos ko yung tili ko para sa kanila. Halos mawalan na ko ng lalamunan kakatili.
“Number 13, fires.. 19 meters away from the ring…..
…..shoot!”
Halos lumipad na ko kakatalon. At hindi ako makapaniwalang na-shoot ni Red yun. Lahat ng ka-team mate nya at coaches ay nagtakbuhan papunta kay Red. Binuhat nila si Red.
Grabe.. Sayaaaaa! ^_^
Then nag-salute ako kay Red.. He said in return..
“Thank you, bes..”
I smiled at him. Wala naman akong ginawa para sya mag-thank you sakin, kaya tinanggap ko nalang din. At dahil dun..
Nagparamdam na naman si SOMETHING..
Napakabilis ng tibok ng puso ko..
Ano bang ginawa mo sakin, Red? Hay..
“Magaling lang talaga ako, Eleigne. Kaya kami nanalo..” Pagmamayabang ni Red.
O--k. Pagbigyan, dahil naman talaga sa kanya kaya nanalo sila eh. ^_^
Tumawa kami ni Keith. Magaling din naman tong si Keith. Halos silang dalawa lang ni Red ang nag-shoot ng nag-shoot. Para lang tuloy palamuti yung iba, pero syempre diba, hindi sila mananalo kung walang teamwork? Kaya naman, malaki rin ang naitulong ng iba, kahit mukha silang palamuti kanina. Haha..
“Alam ko na, tara Tagaytay tayo!”
(Eto na naman tayo sa mga faces, wala lang natutuwa ako. Haha..)
Me --> o_o
Keith --> o_o
Hindi ba sya nakakaramdam ng pagod?! Grabe naman tong tao na to. Ilang banig ba ng Enervon ang nainom nito?! Luuuuuhhh..
“Tara, treat ko to this time. Dahil sa galing ko kaya tayo nanalo eh..” At narinig ko na naman ang mala-demonyo nyang tawa. -___-
Wala kaming nagawa ni Keith. Hinila na nya lang kami kasi basta sa kotse nito. Mabuti nalang at walang dala rin si Keith na kotse o motor.
After 3 ½ hours, nakarating kami ng Tagaytay. 2pm na kami nakarating. Galing pa kasi kaming Ynares, sa Antipolo yun. Malayo yun.. Tas may mga traffic pa kaming nadaanan.
Dinala nya kami sa isang Restaurant.
Napakaganda ng View. Kitang-kita mo ang whole view ng Laguna Lake, kung nasaan ang Taal Volcano.
“Wow! Ganda..”
“Ang ganda naman dito..”
Nasa isang clif kami, parte rin ng Restau kung san maganda talaga ang view. Hindi matatawaran ang ganda talaga na nilikha ni God. ^_^
“Dito magcecelebrate ate mo eh..”
Napalingon ako kay R ed. Sinong ate ang tinutukoy nya? Si ate Denise ba? Eh tapos na naman mag Debut Party si Ate last year ah? Ano party uli sya?
“Sinong ate?” si Keith.
“Si Denise.” Humarap sya sakin. “Kinausap ako ng mom mo. Kasi last year, wala syang nagastos sa Debut ng ate mo. Lahat sagot ng Dad mo. Kaya gusto nyang paghandaan yung magiging birthday ng ate mo.”
Wah! Talagaaaaa?! Hala.. Ang sweet naman ni Mommy! *_*
Totoo yun. Last year kasi nag Debut si ate sa isang kilalang hotel, laki din ng nagastos dun. Sagot lahat ni Dad. Nag-away pa nga sila ni mommy nun, kasi syempre kahit papano gusto ni mom, hati sila ni Dad. Kasi may family narin si Dad sa Australia at may ginagamitan narin na family ang income nya.
You see, hindi naman talaga sila makaaway sa lahat ng bagay. Hindi lang sila magkasundo dahil nga gusto ni daddy na isama kami ni ate sa Australia. Ayaw ni mommy. Kaya ayun, yun ang lagi nilang pinagtatalunan. SYEMPRE, sinong ina ang gustong mawalay sa kanya ang sarili nyang mga anak diba?
Kami naman ni ate, hindi sa ayaw namin sumama sa kanya sa Australia ayaw lang namin maiiwan si mommy dito mag isa. One time, inalok sya ni daddy na sumama narin. Ayaw nya rin, kasi hindi nya daw kaya na makasama yung babae ni dad.
Halata namang, love pa ni mommy si dad eh. Hindi naman namin masisisi si dad sa ginawa nya. May magagawa ba kung magalit pa kami? Kasal na sila nung kabit nya eh. Tss..
“Ang galing..”
“Yun nga lang..
……surprise to.”
Napalingon ako bigla kay Red. Sa isang araw na ang birthday ni ate. Ibig sabihin pala wala pa syang idea dito? OmGosh! Ate would be really surprise, at palagay ko, maiiyak pa yun!
“K-kelan pa to? I m-mean.. Kelan pa to p-pinalano?” Hindi ko alam kung bakit nanginginig ako. Siguro dahil excited na ko? Excited na kong makita ang mgiging reaksyon ni ate. ^_^
Natawa si Red sabay kamot sa ulo.
“Actually, kagabi lang..”
Napatigil ako sa paghinga. Kagabi lang?! Nagloloko ba sila?! Naloloko na ba si mommy? 2days for preparation? Hala! KALOKA! @_@
BINABASA MO ANG
Bakit bestfriend ko pa?
Teen Fiction"Bakit bestfriend ko pa?" It's a phenomenal line by someone who loves his/her bestfriend. But, there's one thing.. What if, he/she think the same way too?