8 "The Battle to Finish it All"

417 14 0
                                    

“Ang ingay naman…” Napabalikwas ako sa pagkakahiga at paghagulgol ko nang marinig ko ang boses ni Cindy.

“K-kanina ka pa ba nandiyan?” Tumango lang siya habang nagbabasa siya ng libro. “Uy baliktad ‘yung libro mo…” Dali-dali niyang binaligtad ang libro at kunyaring nagbasa ulit. Napatawa ako ng mahina. “Narinig mo lahat?” Tumango lang ulit siya. “Sa tingin mo, ano bang dapat kong gawin, Cindy? Sawang-sawa na akong masaktan ng iisang tao lamang. Ayoko na. Ilang beses na niyang pinaramdam sa akin na kahit kailan, hinding-hindi niya ko magagawang patawarin at mahalin, katulad na lang ng pagmamahal ko sa kanya…” Nananatiling tahimik si Cindy. “Masama bang maghangad na mahalin niya rin ako?”

“Hindi, pero kung talagang hindi mo na kaya, itigil mo na. “Yun ay kung ‘yun talaga ang sinasabi ng puso mo. Ano bang sinasabi ng puso mo sa’yo, Bell?” Napatingin ako sa kanya. Hinawakan ko ang puso ko at tumingin ulit sa kanya.

“Sinasabi ng puso ko?” At tumango lang ulit siya sa akin.

Ano nga bang sinasabi ng puso ko?

“Pakinggan mong mabuti, pero ‘wag mong maipagmamali ang sinasabi ng puso mo, sa sinasabi ng isip mo…” Tumayo na siya at umalis.

‘Wag maipagmamali ang sinasabi ng puso ko sa sinasabi ng isip ko?

“Uy Cindy hindi talaga kita maintindihan! Cindy!” Napaatras ako nang ang mukha ni Erick ang makita ko.

Bakit parang laging timing ang pagpasok ni Erick sa eksena tuwing aalis si Cindy? O ‘di kaya ay alam na ni Cindy na nandito si Erick kaya siya umaalis? Ay ang gulo! Pero hindi ‘yon ang dapat kong problemahin sa ngayon.

“Anong ginagawa mo dito?” Malamig ang tono ng boses ko nang tanungin ko 'yon sa kanya.

Pinipilit kong iwaksi sa isip ko ang sakit ng mga salitang sinabi niya kanina. Sana ‘wag akong maiyak. Ayoko talaga ng mga ganitong klase ng pag-uusap.

“Halika, may ipapakita ako sa’yo…” Kinuha niya ang kamay ko at akmang hihilahin ako.

“Bitiwan mo nga ako! Ayokong sumama sa’yo! Ayoko sa mga sinungaling!” Pilit kong hinihila ang kamay ko sa kanya pero ayaw niya itong bitawan.

“Pakiusap, kahit sa huling pagkakataon man lamang ay mapagbigyan mo ako…” Tiningnan ko siya ng masama at tinaasan ko siya ng kilay. “Ang cute mo talaga ‘pag gumaganyan ‘yang kilay mo, Ly…”

Naalala ko nung bata pa kami, na ganyang-ganyan din ang sinabi niya sa akin. Hindi ko tuloy namalayan na dinala niya na ako sa kung saan.

“Ano ‘to?” Tanong ko ng may halong pagtataray. Tiningnan ko ang buong classroom. Nakahiwalay ang mga babae sa lalaki.

Anong meron?

“’Di ba matagal na nating pinagtatalunan no’ng mga bata pa tayo kung sino ang mas magaling, kung ang mga lalaki ba, o babae? Ngayon natin malalaman ang sagot diyan,” tumawa ako ng pagkalakas-lakas. ‘Yung sarcastic laugh.

“Ano na naman ang binabalak mo ngayon, Erick? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pangloloko at pagsisinungaling sa akin? Gusto mo pa bang dagdagan, yon, ha?” Nakita kong nalungkot ang kanyang mga mata.

O e anong nangyari?

“Ly, meron akong hinandang isang paligsahan. Malalaman na natin kung sino ang mas magaling, ang mas matimbang, ang mas makapangyarihan, at ang mas dominante…” Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko at umaasta na lang siyang hindi niya narinig ang mga ito. Nilibot ko ang paningin ko at nginitian nila akong lahat. Nakita ko do’n sila Ariel, Rose at Cindy.

Bakit nandito rin sila?

“Meron tayong 5 rounds na pagtatalunan. Siyempre ang magkalaban, boys and girls, meron lang 3 representatives kada round. Pwedeng paulit-ulit ang representative, as long as hindi pa siya injured at kaya pa niya. Simple lang ang mechanics, kung sino ang makakapanalo ng 3 out of 5 rounds, sila ang mananalo, at ang mananalo, ay pwedeng humiling ng isang kahilingan, at kailangan tuparin ‘yon ng matatalong grupo…” Huminto siya at tumingin sa akin. “Ano, game ka ba?”

Alam niyang hindi ako makakatanggi sa mga ganitong klase ng laro. Nakakainis! Pero gusto kong manalo dito e! Basta mga ganitong laro, lagi akong game. Gusto ko ‘yung wish. Ano kayang mawiwish ko? Siyempre alam kong kami na ang mananalo dito ‘no!

“Game. Ano ang mga rounds?” Nakita ko siyang ngumisi.

Now You Know - a Short Story for Girls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon