9 "The Wish that Leads to Sorrow"

405 16 0
                                    

“Ang 1st round, labanan sa isang arcade game. Alam mo ba ‘yung Tekken 6?” Tumango ako. “Ang 1st round ay gaganapin sa computer shop ng school.”

Yosh! May isang round na kaming sure win! Ako na ang bahalang tumalo sa lahat ng ugok nilang representatives! ‘Di na kakailanganin pang lumaban ng mga girls.

“Ang sunod naman ay ang pagbuhat ng limang sako ng bigas ng sabay-sabay habang tumatakbo ng 5 rounds around the court. And sa basketball court ‘yun gaganapin.”

Hmm… Mukhang mahihirapan ang mga kakampi ko do’n ah. Siguro ako na ang bahala.

“Ang 3rd round naman ay ball shooting. Kung sino ang makascore ng mataas ay siya ang mananalo sa round na iyon. Sa court na rin ‘yon.”

Naku mukhang tagilid kami ah! Bakit parang nakakahalata na akong parang puro panglalaki ‘yung mga naisip niyang laro. Unfair!

“4th round ay bike racing. Kung sino ang grupong unang makakarating sa finish line ay siya ang mananalo sa round na iyon. Mayroong 3 laps at ang bawat lap ay 500m ang haba. Do'n tayo sa open field.”

Yaka na ‘to!

“And ang last round ay gaganapin dito sa room. Iyon ay ang…” Napalunok pa ako dahil sa excitement na nadarama ko. “Pabilisang ubusin ang isang bote ng lambanog.”

‘Yon! Sure win na ‘to! Teka, buti nakapagpasok sila rito ng lambanog? Ay bahala na hindi ko na 'yon problema. E teka ako ang head ng disciplinary committee e! May pakialam ako d'on! Pero kung sisitahin ko sila, paano na lang ang game? Aish! Just this once, palalagpasin ko 'to, para sa laro. Pero hindi na 'to mauulit. Tama, 'yon na lang ang gagawin ko.

“Game na ba?” Nakangisi ako sa kanya.

“Sure, ladies first,” at ngumiti siya sa akin.

“Yosh!!!”

Sa 1st round, kami ang nanalo. Sa akin pa lang, wala ng panama ‘yung mga lalaking ‘yun e! Sus ako pa! Papatalo ba naman ako sa favorite arcade game ko? Sayang nga lang hindi ko nakalaban si Erick. Gusto ko sana siyang lampasuhin. Kaso hindi naman kasi siya naglaro. Baka ‘di siya marunong mag-Tekken? Ay kawawa naman.

Sa 2nd round, natalo kami. Shocks! Hindi ko naman aakalaing hindi kayang buhatin ‘yun nila Rose at Ariel! Sabi nila kaya na raw nila e, kaya nauna na ako. Natapos ko na ang lap, pero parang hindi naman sila nagalaw sa pwesto nila kanina. Ayun! Natalo tuloy kami. Hayaan mo na, babawi na lang kami sa sunod na round. Tie pa lang naman e.

Sa 3rd round, natalo na naman kami! Mga walang hiya! Shoot sila ng shoot, akala mo wala ng katapusan ‘yung pagshoot nila! Kung ‘di ko pa sinabing tama na, hindi pa sila hihinto. Pasikat talaga! Oo kasi nandun si Erick, isa siya dun sa mga representatives nila. Aish! Epal talaga! N'ong mag-dunk siya, tumingin pa siya sa 'kin at ngumisi. Aba kala mo kung sinong magaling! Baka kaharap mo ang captain ng women's team?!

Kailangan na talaga naming bumawi sa next round, kundi… Argh!

Sa 4th round, nanalo kami ng walang kahirap-hirap. Nakaramdam din yata ng pagod ‘yung mga lalaki sa pagshoot nung bola kaya nanalo kami. Parang ang dali nga nung pagkakapanalo namin e. Nakakapagtaka. Parang pinaubaya. I smell something fishy. Pero ‘di bale at least 2-2 na, malalaro pa namin ang last round, ang pinakainaabangan ko. Oy 'wag ninyo ngang ipaalala sa 'kin na ako ang head ng DC! Argh! Sige na isang beses lang naman 'to!

Sa last round, lahat sila tumba, as in lahat sila, pati nga mga kakampi ko e! Si Erick hindi uminom, ang daya lang, pero representative siya. Siguro alam niyang matatalo siya kaya 'di na lang siya uminom. Talo tuloy sila. Pero nakangiti siya e, parang ineexpect niya talagang matatalo sila. Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Bakit pinapanalo niya kami?

Nakakalasing nga ‘yung lambanog, pero inexpect ko na ‘yon, kaya niready ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari, pero parang hindi man lang ako nakaramdam ng hilo o ano? Parang amoy juice nga 'yon. Ano kayang hinalo nila do'n?

“Pa’no ba ‘yan, nanalo kayo. Talo kami…” Sabi niya.

Aba siya pa talaga ang nagsabi n’un ah! Inaagawan ako ng linya?

“Ano na ang kahilingan ninyo?” Tumingin ako sa mga babae, at sinenyasan nila akong ako na raw ang bahala. Pinagisipan ko ‘to ng mabuti kanina habang naglalaro ako. “May naisip ka na ba?”

“Meron na. At ang gusto ko ay…” Ipit lahat ng hininga nila maliban kay Erick. Tiningnan ko si Cindy. Tumango siya sa akin. “Gusto kong patawarin mo na ang Tatay mo, ang Nanay ko, at…” Tumitig ako sa kanya. “Sana matutunan mo na rin akong patawarin, ng bukal sa iyong puso…” Nagulat siya sa mga sinabi ko at bigla na lang siyang napatakbo palayo.

Sabi ko na nga ba. Sabi ko na nga ba at hindi niya gagawin 'yon. Ang duwag talaga n’on! Nakakainis! Nanalo nga ang girls laban sa boys, pero bakit gano’n? Hindi ko ramdam ang pagkapanalo? Dapat ‘di ba masaya na ko, kasi napatunayan ko ng magaling talaga ang mga babae, na kahit mga gawaing panglalaki, kaya naming mag-excel. Pero bakit… Parang may mali. Ang daya! Akala ko ba kailangang tuparin ng matatalong grupo 'yung kahilingan nung nanalong grupo? Bakit siya nag-walk out?! Walang isang salita!

Ayoko na, ayoko ng umasa pang muli. Ayoko na. Last na talaga ‘to. Last na talaga.

Paalam, Erick. Paalam, bestfriend. Paalam, aking mahal…

Simula ngayon, wala na akong kilalang Erick Montemayor. Simula ngayon, wala na kong katatakutan. Simula ngayon, hindi na ko marunong magmahal...

Now You Know - a Short Story for Girls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon