3 "A Family to Protect"

561 14 0
                                    

Nagising ako sa aking panaginip nang biglang sumigaw si Cindy.

“Bell! Gumising ka! Lumaban ka! ‘Wag kang magpapadaig sa kanila! Gumising ka kundi mamamatay ka!”  Napabalikwas ako ng bangon at nakita kong nanlaki pa ang mga mata ng mga lalaking nakapaligid sa ‘kin. Nagulat yata sila dahil bigla akong bumangon.

Wait. Anong nangyari?

“Akalain mong buhay ka pa rin pala hanggang ngayon?” Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

Hindi. Hindi maaari. Bakit siya nandito? Panaginip lang ito, hindi ba?

“Nagulantang ka yata? Hindi mo aakalaing magkikita tayo, ano? ‘Di ba sabi ko naman sa’yo na ‘wag na ‘wag ka ng magpapakita sa akin ulit? E bakit nandito ka sa loob ng teritoryo ko? At ikaw pa talaga ang may lakas ng loob para sugurin ako rito...” Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran habang nanginginig pa ang aking mga kamay. "How nice, Lily Belle..."

Bakit? BAKIT?!

Nakita kong dahan-dahang lumalapit sa akin si Erick. Bakit nandito siya?! Anong gagawin ko?!

“Ang bilis mo namang mangatog sa takot,” tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. “Akala mo ba dahil sa natuto ka lang na makipaglaban ay mas magaling ka na sa akin? Sa tingin mo maiaalis no’n ang katotohanan na POKPOK ang Nanay mo?!” Lumuhod siya gamit ang isa niyang tuhod at hinila ang buhok ko. Napilitan akong mapatingin sa mukha niya.

Binabalik nito ang mga masasakit na alaala ng kahapon.

“Bell! Ano ka ba?! Anong nangyayari sa’yo?! Snap out of it! Ayan ang kalaban mo, nasa harapan mo na! What’s the sense of working hard for the past 10 years kung tingin pa lang niya, nangangatog ka na sa takot! Remember all your sacrifices! Hindi ka nagsumikap para lang sa wala! Lumaban ka, Bell!” Nagulat ako at napabalik sa realidad.

Tama si Rose. Ngayon pang nandito na siya. Hindi na ko magpapadaig sa takot. Lalaban na ako. Ako si Lily Belle Vasquez, hinding-hindi mo na ko maaapi ulit, Erick Montemayor!

“Patahimikin ninyo nga ang isang ‘yan--”

“Argh!” Binigyan ko siya ng isang matinding uppercut, dahilan para siya'y mapatalsik. Nagulat ang lahat ng nasa loob ng classroom. Tumakbo agad ako sa tabi nila Rose at Cindy at pinagsisisipa at pinagsususuntok ang mga papalapit na lalaki sa kanila. “’Wag na ‘wag ninyong mahawakan man lang ang mga kaibigan ko, at sinisiguro ko sa inyong hindi lang ‘yan ang aabutin ninyo!” Agad kong tinanong sila Rose at Cindy kung okay lang sila, at tumango naman sila sa akin. Humarap ako kay Erick.  “E ano ngayon kung pokpok ang Nanay ko, ha?! Kasalanan ko bang naakit sa alindog niya ang tanga mong Tatay?! Sa tingin mo ba ginusto kong mangyari ang gano’n sa Nanay ko at Tatay mo?! Sa tingin mo hawak ko ang mga pag-iisip nila?! Mag-isip ka nga! Hanggang ngayon ba naman ako pa rin ang sinisisi mo sa pang-iiwan sa inyo ng Tatay mo?! Tingnan mo nga muna ‘yang sarili mo! Kung hindi magaspang ‘yang ugali mo, hindi ka siguro maiisipang iwanan ng Tatay mo! Siguro nagsawa na siya sa’yo dahil ang pangit-pangit ng ugali mo, mas pangit pa kaysa sa pagmumukha mo!” Nakita kong dinaluhan siya ng mga kasama niya.

Alam kong nakakasakit na ang mga lumalabas sa bibig ko, pero hindi ako hihinto hangga’t hindi ko nasasabi ang saloobin ko. Kailangan niyang marinig ang lahat ng sasabihin ko. Matagal na taon ko ring kinimkim ang lahat ng ito. Matagal ko ring sinisi ang sarili ko sa pang-iiwan sa kanila ng Tatay niya at sa pagkamatay ng Nanay niya.

Hanggang sa dumating sila Rose, Cindy at Ariel. Ipinamukha nila sa akin na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko sa bagay na sa umpisa pa nga lang ay wala akong kaalam-alam. Sa kanila ko nalaman ang kahalagahan ng pagsasamahan at pakikipagkaibigan, tiwala at pagmamahal. Kung wala sila, siguro matagal ko ng kinitil ang sarili kong buhay dahil sa sobrang konsensiya. Pero sinabi nila sa aking hindi ko dapat kunin ang sarili kong buhay, dahil ang Diyos lang ang maaaring gumawa n’on. At tama sila, Siya lang ang may karapatang kumuha n’on dahil Siya rin ang nagbigay. Kasalanan ang magpakamatay, sana ay alam ninyo rin ‘yon.

Kaya ganito ko na lang protektahan ang mga kaibigan ko, dahil sila na lang ang tinuturing kong pamilya. Simula nang umalis si Nanay, nawalan ng silbi ang buhay ko. Nang dumating sila, nagkaroon ako ng panibagong rason para mabuhay, at ‘yon ay ang protektahan ang aking pamilya.

“Layuan ninyo nga ako!” Tumayo siya at tumitig ng masama sa akin. “Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi magbabago ang pagtingin ko sa’yo! Hinding-hindi! Tandaan mo ‘yan!” Lumapit ulit sa kanya ang kanyang mga kasama ngunit pinagsasasapak niya lang ang mga ‘yon. Naiwan sila sa loob ng classroom na tulala. ‘Yung ibang napatingin sa akin, nagkukumahog na lumabas ng classroom. Sumunod sa kanila ang iba pang nabugbog ni Erick.

“Pambihirang lalaki ‘yon ah! Napakataas naman ng pride n’on! Ano, okay ka lang ba, Bell?” Napatingin sila sa akin. “Hala bakit ka umiiyak?!” Nagulat ako sa sinabi ni Rose.

Umiiyak ako?

Naramdaman kong nabasa ang aking damit, at tiningnan ko sila.

“Ang sakit. Ang sakit-sakit,” bigla na lang akong napahagulgol. Niyakap naman nila akong dalawa.

“Hala saan ang masakit, Bell?! Saan?! Nasaan na ba si Ariel?! Dadalhin ka namin sa ospital! Uy, Cindy magsalita ka naman diyan! Alam mo ba kung nasaan si Ariel?!” Napatingin ako kay Cindy.

Hindi ugali ni Cindy na magsalita, pero kanina, ang dami niyang sinabi. Ginising niya ko sa panaginip ko. Kanina, ibang-iba siya. Pero bakit ngayon parang ang tahimik na naman niya?

Now You Know - a Short Story for Girls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon