Paine's Memo

339 8 9
                                    

Grabe! Eto talaga ang tumatak sa akin sa ending na ito!

QUOTANG-QUOTA sa sampal sila Bell at Erick! Wahahahahaha! Meant to be talaga sila!

Teka bago ko makalimutan, dinededicate ko nga pala ang Ch. 10 kay forevercute_08 at ang Epilogue kay MhaiiManzanilla dahil sila ay aking mga fans! Yehey! Hahahaha! Sana po mabasa ninyo itong story kong ito ‘pag nagkaroon kayo ng oras para magbasa. Alam ko namang halos busy ang karamihan sa school, kaya ayun.

Ako rin po ay busy sa school. Nagthe-thesis na po kasi ang inyong lingkod, at kailangan ko munang magfocus sa school. Pero gaya ng napromise ko, once a week mag-uupdate pa rin ako. Well, depende sa sched ko, ‘pag nagkaroon ako ng free time, as in free time talaga, magsusulat at mag-uupdate ako, pero kung wala, pagtiyagaan ninyo na lang po ang once a week. Hehehehe~

Gaya ng nasabi ko noon ay hindi ko na po ito bibigyan ng sequel, dahil ang susunod ko pong gagawan ng story ay ang picture na nakikita ninyo ngayon. Tama! Si Rose ‘yan! Yep! Uhuh! You’re right! Hahahaha! Ang susunod na short story ko ay magfofocus kay Rose, pero nando’n pa rin si Bell at Erick so makikita ninyo pa rin kung ano na ang nangyari sa kanila pagkatapos nitong storyang ito. Siyempre hindi rin mawawala sila Ariel at Cindy, at pag natapos ko na ang story ni Rose ay si Ariel naman ang isusunod ko, and lastly, si Cindy, kasi kay Cindy ang pinakamalalim ang kwento sa lahat. So hintayin ninyo na lang po ang mga susunod kong updates!

Kamusta pala ang pagbabasa? Ayan ah happy ending na! Due to insistent public demand! LOL! Hahahaha! Ayaw na akong pagawin ng tragic?! Nadala yata sila sa “An Unrequited Love” e. Hahahaha! Spoiler para sa mga inuna itong basahin kaysa sa AUL! :P

Ewan ko ba, parang mas trip ko ngayon ang tragic endings. Para sa mga mahihilig sa tragic endings, hintayin ninyo na lang po ang susunod kong short story na tragic ending. Inuumpisahan ko na siya e. Pero gusto ko sana matapos na muna ang “Matchmade in Heaven” bago ko umpisahan ‘yon para ‘di na ako matambakan ng updates. Hahahaha! Walang hint sa title! Basta hintayin ninyo na lang, maganda rin iyon, parang AUL! Promise! :)

So comment lang ng comment sa inyong nabasa, ‘wag kayong mahiya! Kahit iflood ninyo pa ito walang problema! Gusto kong makabasa ng mga reactions e, eto na kasi ang pangalawa kong short story na natapos na talaga, so gusto ko pong malaman ang reaction ninyo kasi happy ending naman ito e. Sana wala ng magalit sa akin! Muntik-muntikan ko na talaga ‘tong magawang tragic, pansin ninyo ba? Pero kung hindi dahil sa naalala kong dapat happy ending ‘to, kaya biglang nagtwist ang story. Ang loko ko talaga!

VOTE. COMMENT. BECOME A FAN. SHARE!

Time check: 1:12 am (PUYAT NA NAMAN MAY PASOK PA KO MAMAYA!)

Love lots!

<3 iamPAINe <3

🎉 Tapos mo nang basahin ang Now You Know - a Short Story for Girls (Completed) 🎉
Now You Know - a Short Story for Girls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon