4 "The Truth Behind the Lie"

517 12 0
                                    

“Okay lang ako, Rose. Promise! Aray!” Napangiwi ako sa hapdi ng aking mga sugat na nililinis niya gamit ang disinfectant.

“Okay pala ah! Ayaw mo pa kasing magpadala sa ospital e, kaya ayan magtiis ka sa kamay ko! Hmp!” Napahiyaw na naman ako sa sakit.

Naman! Baka dito pa ko mamatay e!

“Uy easy ka lang, Rose. Tao pa rin naman ‘yang ginagamot mo. Akala lang talaga natin dati na robot ‘yan, na walang pakiramdam. Hahaha!” Nang-asar pa ‘tong si Ariel.

Naman! Mga kaibigan ko ba talaga ‘tong mga ‘to?!

"Siya nga pala, hindi mo na kailangang mag-alala, Bell, kasi napa-suspend ko na 'yung mga nambugbog sa'yo..." Sabay ngiti niya.

Teka 'yung ngiti niya parang kakaiba e. Parang may tinatago, pakiramdam ko may masama na namang ginawa 'yan dun sa mga lalaki, ako pa tuloy ngayon ang dapat na mag-alala sa ginawa niya.

"Bakit suspend lang, Ariel?! Hindi pa kick-out ang hinatol ninyo do'n?!" Bulalas ni Rose habang tinotorture niya pa rin ako.

"Huwag kang mag-alala, Rose. Naiganti ko naman si Bell sa kanila e. Sayang nga lang hindi pa 1-year suspension ang naibigay sa kanila. Adik kasi si Pres, pinigilan ako..." Mukhang nanggagalaiti si Ariel.

Ano kaya ang nangyari?

"Grabe ka! One year suspension talaga?! E ano bang naihatol sa kanila ni Prince?"

Hmp! Pisngi ko ang may sugat, hindi ang mata ko, Rose! Sadista na 'to ah!

"Ayun, 6-month suspension lang. Nakipagtalo pa kasi ako kay Pres. Argh! Lagot siya sa akin 'pag ginulo pa tayo ng mga 'yon!"

"Ano ba kasing nangyari? Bakit nila kayo biglang binully, Rose? Cindy?" Singit ko naman.

"Wala, sinabihan ko lang naman silang 'wag silang humarang sa harap kasi hindi ko makita 'yung nakasulat sa board, ayun, nagkagulo na!" Pagdadrama ni Rose.

"Hindi naman ganoon ang nangyari-- Hmp!" Nagulat ako at tinakpan bigla ni Rose ang bibig ni Cindy.

"Ehehe~ 'Wag kayong magpapaniwala rito kay Cindy, nagjojoke lang 'to, 'di ba Cindy?" Nakita ko na lang na tumango si Cindy pagkatapos.

Ang laking bully din nito ni Rose, e 'no?

“Sandali babalik na muna ko sa room para makapagpaalam na excused ka muna sa klase, Bell…” Sabi ni Rose. Tumayo na siya at tumingin ng matalim sa akin. "'Wag mo ngang ipapagasgas 'yang mukha mo sa kahit kanino, ang hirap-hirap maging maganda ngayon 'no! Buti na lang nandito ako para gamutin ka..."

"Parang ikaw din naman ang dahilan kung bakit nagkaganito ang mukha ko ngayon..." Bulong ko na lang.

Kahit ganyan ‘yan si Rose, nasa top ‘yan. Kunyari pa ‘yang ipagpapaalam ako, pero ang totoo, ayaw lang niyan makamiss ng lectures. Talaga ‘tong si Rose o.

“Sasama na ko, Rose. Kakausapin ko muna si Pres para mapag-usapan na namin kung anong gagawin do'n sa returnee na 'yon. Cindy, bantayan mo muna si Bell ah? Babalik din kami agad. Sige kita-kits mamaya!” At umalis na ang dalawang maingay at magulo. Napatingin ako kay Cindy.

“Wala ka bang klase?” Umiling lamang siya.

Kahit kailan talaga ang tipid nitong sumagot. Ano kaya 'yung sinasabi niya kanina. Ah nevermind!

Pipikit na sana ako ng…

“Bakit ka napaiyak kanina?” Napamulat ako at napatitig kay Cindy. Napakunot ang aking noo. Umiwas lang siya ng tingin sa akin at namula. “Alam kong hindi ‘yon dahil sa mga natamo mong sugat habang nahimatay ka kanina,” hindi ako kumibo. “Pero kung ayaw mong sabihin, okay lang…” napatawa ako. Napatingin ulit siya sa akin.

“Kahit kailan talaga ang galing mo, Cindy. Kaya nagtataka ako kung bakit wala ka sa top e. Hindi ko alam kung sinasadya mo bang hindi maging palasagot sa klase o nagkakataon lang talaga,” napaupo ako sa kama ng clinic. “Wala talaga akong pwedeng itago sa’yo…” Tahimik lang siya habang ako naman ay nakatingin sa pader. “Naaalala ninyo pa ‘yung batang kinuwento ko sa inyo dati? Hindi ko alam kung bakit nagpakita siyang muli sa akin, at bakit ginugulo niya na naman ang buhay ko. Alam ninyo ang dinanas ko sa kanya. Pero meron pa kayong isang hindi nalalaman tungkol sa kanya…” Sinadya kong huminto para mabitin siya. Tiningnan ko siya at nabasa ko kaagad ang nasa isip niya. “Oo, siya din ‘yung sinasabi ko dating first love ko, ‘yung namatay kong first love.”

“Pero pa’nong--” Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na akong muli.

“Ang totoo niyan ay hindi pa talaga siya patay, nakita ninyo naman siya kanina ‘di ba? Sinabi ko lang sa inyong patay na siya kasi matagal ko ng isinaisip na wala na siya, wala na ang dati kong bestfriend. Pinatay ko na siya sa isipan ko simula nung araw na ‘yon. Sa tingin mo ba, baliw na ang tawag sa akin dahil kahit gano’n na siya sa akin, ay mahal ko pa rin siya hanggang ngayon?” Tumango lamang siya. “Sabi ko na nga ba…”

“Pero kahit baliw ka, at least totoo ka, kahit sa sarili mo lang…” Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata ni Cindy.

Tama naman siya. Baliw nga ako, pero wala akong magawa, dahil nagmamahal lang ako. Ano bang tawag sa ganito? Martir ba? ‘Yung kahit na nasasaktan ka na, nagmamahal ka pa rin.

“’Wag sanang malaman ito nila Rose at Ariel. Siguradong susumbatan ako ng mga ‘yon. Okay lang ba?” Tumango ulit siya at ngumiti. “O-oy! Ngumiti ka! Ngumiti ka, Cindy!” Namula siyang bigla at umiwas ng tingin.

Hahahaha! Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Cindy, sa sobrang tahimik niya kasi, hindi pa rin namin siya nakitang ngumiti kahit minsan. Ang ganda niya pala ‘pag ngumingiti siya. Parang anghel.

“S-sige aalis na ako, may klase pa ko e… P-pasensiya na!” At dali-dali siyang tumakbo palabas ng clinic. Napatawa na lang ako.

Ibang klaseng babae.

Now You Know - a Short Story for Girls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon