CHAPTER 1

44 11 0
                                    

Luna's POV

"Ano ba, Ara!? Bakit mo ba ko dinala dito!? Alam mo namang ayaw ko sa maingay at lalong lalo na sa music, diba!?" Inis na sigaw ko sa kay Ara, dahil halos hindi na kami magkarinigan sa lakas ng music at sigawan ng tao sa paligid namin.

"Kaya nga kita dinala dito para magrelax eh!" Sabi niya habang pumapalakpak pa. "Mag-enjoy ka na lang! Alam kong hindi ka mahilig sa music pero ito lang ang alam ko para lumamig 'yang ulo mo!" Pasigaw mgunit nakangiting usal niya at mas lalo naman akong nainis dito.

"Enjoy!? Pa'no ako makakapagenjoy kung ganito naman ang paligid ko!? Alam mo! Umuwi na tayo dahil lalong nagiinit ang ulo ko!" Galit na talagang sigaw ko pero mukhang hindi niya ako narinig. Mas lalo akong nainis at sisigaw ulit sana ng magsigawan nang mas malakas ang crowd dahilan para mapatakip ako sa magkabilang tenga ko.

"Omayghaddddd! Ayannn na silaaaa!!!" Tuwang tuwang usal pa ni Ara pero inirapan ko lang siya na hindi naman niya nakita at tsaka ako umalis.

Nakipagtulakan pa ko sa mga tao para lang makalabas sa gitnang bahaging yun ng mall, kung saan nandoon ang banda na nanalo sa Eat Bulaga.

Inis pa kong sumulyap sa kaniya at para naman siyang bata na tuwang tuwa at pumapalakpak pa.

Hindi pa ko nakakadalawang hakbang ng may bumangga sa akin at natumba pa ko!

"Ouch!" Inis na singhal ko at iniangat ko naman ang paningin ko.

Sandaling tumigil ang paggalaw ng sistema sa buong katawan ko at naramdaman ko ang maiinit na likidong namuo sa mga mata ko.

🎵Darlin' I, I can't explain
Where did we lose our way?
Boy it's drivin' me insane 
And I know I just need one more chance
To prove my love to you
And if you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go🎵

'M-martin' usal ko pero nanatiling natutop ang dila ko.

Tanging ang tugtog lang at ang tibok ng puso ko ang naririnig ng dalawang tenga ko. Ramdam ko rin ang pag agos ng mga luha sa mata ko at ang kirot sa dibdib ko.

🎵Can we go back to the days our love was strong?
Can you tell me how a perfect love goes wrong?
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee🎵

"Akala ko patay ka na." Wala sa sarili kong usal. Nakita ko pa kung paano magsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Are you okay, miss?" Taas kilay na tanong niya at tsaka iniabot ang kamay sa akin at tinulungan akong tumayo.

🎵So many nights I dream of you
Holding my pillow tight
And I know I don't need to be alone, yeah
When I open up my eyes
To face reality
Every moment without you
It seems like eternity
I'm begging you, begging you come back to me🎵

"A-akala ko p-patay ka na." Pag-uulit ko sa sinabi ko at tumawa naman siya ng bahagya. Lalo akong naiyak dahil sa kanta na nagmumula sa likuran ko.

"Are you joking miss? Hahaha...pa'no mo naman nasabing patay na ko eh hindi mo nga ako kilala." Natatawa pa kunwaring usal niya pero alam kong takang taka siya.

"Kilala kita, Martin. And i know all about you." Sabi ko pa at pilit na ngumiti kahit kitang kita sa mukha ko na umiiyak ako.

"W-wait...W-what? You know my name huh? Stalker ba kita miss? Kasi kung stalker kita, I'm sorry but I have a girlfriend." Seryosong usal niya na nakatingin pa ng diresto sa mga mata ko. Lalong kumirot ang dibdib ko at talaga hindi ko na mapigilan ang mga luhang umaagos sa pisngi ko.

"H-hindi mo ba t-talaga ako k-kilala?" Seryosong usal ko pero hindi siya sumagot at kitang kita sa mukha niya ang pagtataka.

"Listen, I'm sorry for what happened and hindi talaga kita kilala. So, excuse me because I have to go." Mariing usal niya at umalis pero hinabol ko siya.

Hinigit ko ang braso niya at pinaharap siya sa'kin ngunit gulat akong napatingin sa kaniya ng makita ang reaksyon niya. Halatang naiinis na siya at nagtitimpi lang.

"Can you just stay away from me! Hindi kita kilala kaya anong malay ko kung anong pakulo 'to at nagpabangga ka lang talaga sa'kin kanina para maloko ako! Malay ko ba kung isa kang sindikato na naghahanap ng bibiktimahin at kanina mo pa pala ako sinusundan!" Inis na sigaw niya at gulat naman akong napatingin sa kaniya. Ramdam ko pa rin ang pag-agos ng luha ko pero hindi ko iyun pinansin at pinalakas ang loob ko para makapagsalita.

"M-martin Ruemzell S-santiago. 'Yan ang f-full n-name mo, d-diba?" Utal-utal na tanong ko dito ngunit hindi naman siya sumagot at nakatingin lang ng diretso sa mga mata ko dahilan para mapaiwas ako at muling magsalita. "Ang alam ko is patay ka na...kaya hindi ako makapaniwalang makikita kita ngayon sa harap ko. Alam kong ikaw 'yan p-pero b-bakit 'di m-mo ako m-makilala?" Gumagaralgal ang tinig na tanong ko at napalitan naman ng pagtataka ang kaninang inis na reaksyon niya.

"Alam mo miss umuwi ka na lang. Sira na yata 'yang ulo mo eh. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na HINDI NGA KITA KILALA!" Seryosong usal niya at nanikip naman bigla ang dibdib ko.

'P-pano mo n-nasasabi sa'kin l-lahat ng 'to, M-martin?"

Hindi makapaniwalang tanong sa isip ko at saka tumingin ulit sa kaniya ng diresto. Kita ko ang pagiging totoo ng mga sinasabi niya sa mga mata niya kaya naman nagsunod sunod ang tanong sa isip ko na masyado ng napakarami.

"Inuulit ko. Stay away from me, okay? Ayokong masaktan ang girlfriend ko dahil lang sa kausap kita. Ni hindi nga kita kilala kaya lalong magseselos 'yun." Sabi pa niya at tsaka umalis pero pinigilan ko ulit siya.

"T-teka lang!" Pigil ko pa at muli na naman niya akong nilingon at salubong ulit ang kilay na humarap sa akin. "A-anong p-pangalan ng g-girlfriend mo?" Tanong ko at muli na namang kumunot ang mga noo niya.

"Why do you ask?" He said. "Will you stay away if I tell you?" Seryosong usal niya pa.

"M-mmm. I w-will stay a-away from you, if you tell me w-what is h-her name." Sabi ko at ngumiti ng mapait. Napabuntong hininga naman siya bago nagsalita

"Yna Angela De Jesus. That's her name." Aniya na at tuluyang na siyang umalis.

Ilang minuto pa akong napako sa kinatatayuan ko kung saan niya ako iniwan at naririnig ko ang bulungan sa paligid ko pero sadyang hindi talaga ako makapaniwalang nakita ko siya.

Andaming tanong sa isip ko pero isa lang doon ang nasagot...

'Car accident...hindi siya namatay. Nagka-amnesia lang siya'

Love Together, Be With You Never (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon